Chapter 30 : Helicopter

6.1K 206 15
                                    

Rue's POV

I'm on my way to a flower shop, I'm planning to gave Geyl a bouquet. I feel sorry kasi hindi ako nakapunta sa kanila kagabi, inabot kami ng alas tres ni Miss Demi kakaiyak niya.

I bought a bouquet of white tulips, I go to her house and I saw her eating with Ellie, I get close to her and kiss her forehead.

She pulled me for a smack kiss, we heard a disgusting sound from Ellie kaya binitawan na ako ni Ma'am.

"Good morning ellie, and to my love." nakita kung paano nandiri si Ellie sa amin, aga-aga pinapatawa ako.

"Aga-aga ang landi niyo, makaligo na nga!" patakbo siyang pumunta sa kwarto niya.

"Good morning Venven!" bati sa akin ng nobyang propesora ko.

"Here, flowers for you." inabot ko sa kanya yung binili ko kanina, inamoy-amoy niya iyon at lalong umaliwalas ang mukha nito.

"Thank you but why? Did you do something bad?" takang tanong niya agad sa akin.

"Well...hindi ako nakapagdinner dito." binigyan niya naman ako ng titig na hindi ko na gugustuhing makita. Nakalimutan na ata niya, pinaalala ko pa!

"Bakit? Masarap ba luto nung Demi na iyon?" mataray na tanong niya, nalintikan na.

"No, I mean yes pero mas masarap yung iyo." sabi ko sa kanya.

Nakita kong naningkit ang mga mata nito "Hindi mo pa natitikman luto ko, kaninong luto iyang natikman mo ha!" oh God, I mean.. nevermind?

"Mahal, honeybunchsugarplum, love, misis ko, hindi ko alam okay, I didn't do anything bukod sa pagkain ko ng luto ni Demi." sabi ko sa kanya, ang talim pa rin tingin sa akin.

"Siguraduhin mo lang RUELLA VENICE FLOVIRA."

"Yes of course, ngayon nalang ako makikikain sa inyo. Mukhang ang sarap ng breakfast niyo." tinanguan niya ako, she got me a plate and utensils. Siya na rin ang naglagay ng kakainin ko, I can imagine ourselves na araw-araw naming gagawin 'to kapag mag-asawa na kami.

"Love, saan mo gusto kumain mamaya?" tanong niya sakin out of nowhere.

I'm assuming she's up for something, right?

"Kahit saan." I know what you're going to say, hays babae nga naman.

"May gagawin ka ba mamaya?" She asked me again.

"Wala, why?" tanong ko habang nakatingin lang siya sakin habang ako naman ang lumalamon.

"Let's have our first date, love." nabigla ako sa sinabi niya, muntik pa akong mabulunan buti nalang mabilis akong nakabawi. She offered me water and I gladly accepted it.

"I love that, may place ka na bang naiisip?" excited na tanong ko sa kanya, kung wala pa siyang naiisip na lugar, pwes ako meron.

"Wala pa." yay!

"Okay lang ba sa'yo kung ako pipili?" kelangan ko rin naman ang permission niya lalo na't siya yung nagyaya. Tumango siya, iniwan namin ang pinagkainan sa automatic dish washer.

Hinatid ko siya sa office niya, hindi naman kami halatang naghaharutan dahil magkapareho lang kami ng daang tinatahak papunta sa room namin.

Maya-maya pa ay nag-announce na kanselado ang pasok namin, wtf kung kailan nandito na lahat ng estudyante tsaka biglang nagsuspend.

Nalaman kong magiging busy pala lahat ng professor kaya naging ganon, nap-pressured sila sa task na pinapagawa ng school.

Uuwi na sana ako nang makareceive ako ng text mula kay Geyl, gawin na raw naming mas maaga yung date namin. Nagtataka na nga ako sa kanya, lahat ng teachers naghahabol ng deadline samantalang siya ay chill lang.

I waited for her sa parking lot, nang makalapit siya ay pinagbuksan ko siya ng pintuan.

"I changed my mind Venven, ako muna pipili kasi may pupuntahan tayo." nakangiting sabi niya, ang ganda ganda. Tinanguan ko siya, hindi ko alam kung saan kami papunta. Nakiride nalang ako kung saan man kami pupunta.

Nakarating kami sa isang napakagandang kompanya, pamilyar ang pangalan nito. Hinila niya ako papunta sa loob, wala namang may pake sa amin, hindi kami hinaharang ng mga guwardya, at meron ding mga empleyado na binabati kami.

I'm about to ask her but she said "Don't ask." immediately, grabe magtatanong palang ako e.

When we reached the rooftop, I spotted a helicopter. Will we be flying there? As far as I remember, I have a fear of heights.

Habang kausap niya ang piloto ay hindi ko alam kung ano ang dapat maramdaman, natatae na kinakabahan na nasusuka.

Bumalik si Geyl sa kinatatayuan ko, she holds my hand and I'm not aware na sobrang higpit na pala ng kapit ko sa kanya.

"Hey, are you okay love?" nag-aalalang tanong niya, nararamdaman ba niya yung kaba ko shet! Oo nga pala hawak niya kamay ko, baka namamawis na iyon.

"Y-yeah, are you sure sasakay tayo d-diyan?" nakatingin pa lang ako sa helicopter ay parang nalalaglag na ako.

"Yes, 1 hour and 20 minutes lang love." malambing na sambit niya, sino ba naman ako para tumanggi sa dyosang tulad niya diba.

Sumakay kami sa helicopter, hindi na ako nag-abalang magtanong kung saan kami pupunta, naupo ako sa tabi niya. Hinawakan niya ang kamay ko na parang gusto akong icomfort. Hinawakan ko ito pabalik, mas mahigpit ang kapit ko ngayon dahil nandito na kami sa loob ng sasakyang himpapawid.

Umandar na kami, hindi ko mapigilang magkaron ng mga impit na tili, hindi ko pa dinidilat ang aking mga mata ng may naramdaman akong mabangong hininga sa aking tenga.

"Open your eyes love, try to look around." panghihikayat niya habang minamassage ang kamay ko.

"Ayoko po." I can't huhu

"Just a glance." pinilit kong idilat ang aking mga mata at wow sobrang ganda ng natatanaw namin.

Nakakabiyahe naman ako ng naka airplane pero hindi ko alam, bigla akong kinabahan. overthinker alert.

"Maganda right?" Indeed, you are.

"Sometimes we're afraid to look because we already have our perspective but sometimes you need to explore to see the beauty of something." she kissed my temple and hugged me tight, sarap sa feeling.

We just both appreciate the beauty of the Philippines, we just enjoy our trip, and talk about everything.

Prohibited LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon