Kinabukasan ay maaga akong nagising at excited ng pumasok. "Good morning Mom! Good morning dad!" I said and gave them a wide smile.
"You seem happy anak." mommy said.
"Baka inlove na hon." sabat naman Dad, hindi ko nalang pinatulan ang pang-aasar nila sa akin.
"Hay nako, napakamanhid n'yang anak mo, paano iyan maiinlove." sabi naman ni mom. Aba, ang galing. Talagang pinag-uusapan nila ako ng harap-harapan.
"Mom, hindi po ako manhid. I set a high standard lang po and no one can reach it." sabat ko sa pag-uusap nila ni dad.
"Nako anak, I just know that someone will make your guard down. Kaya ingatan mo 'yang puso mo anak, there's a lot of trials in terms of love." paalala sakin ni Mom. Mommy, I like my professor. It's already prohibited.
Pinagpatuloy ko ang pagkain at nang matapos ay nagpaalam na rin ako kila Mommy.
Pagpasok ko sa University ay agad akong hinila ni Nikie at Jen sa Gymnasium, maya-maya pa ay may biglang nagsalita ang speaker sa gym.
"Good morning everyone, are all the departments here?" the emcee asked.
Some students say yes at mukhang nadinig naman iyon ng speaker.
"Good. We will have a culminating inside of the university. Depending on the course you took, each department will be assigned what to do; however, you can also switch booths if you'd like. That's all, go to your respective rooms." pagkatapos ng announcements ay kanya kanya na rin sila ng pinag-uusapan.
"Saan tayo sasali?" tanong ni Jen.
"Gusto ko sana sa food tayo sumali." sabi ni Nikie.
Ang hilig kasi ni Nikie ay magluto, samantalang si Jen naman ay magpags-sketch ng portrait at ako, kahit ano naman ginagawa ko.
"Okay, ako na bahala sa logo natin, pati na sa menu." sabi naman ni Jen.
"Pwede bang taga-tikim nalang ako?" pabirong tanong ko.
"Ano ka sinuswerte?" sabay nilang sabi sa akin.
"Ikaw na bahalang mag-ayos ng booth natin, at ikaw na rin bahala sa perang pambibili natin ng ingredients." sabi ni Jen, aba lugi pa ata ako rito.
"Ayoko, wala akong pera!" sabi ko at akmang iiwan sila.
"Palagi mo namang dahilan yan, send ko sa'yo mamaya yung ingredients mamili ka na at bukas ay lulutuin na natin." sabi ni Nikie at sabay-sabay kaming pumasok sa silid aralan.
"Hoy, ano bebenta natin?" tanong ko sa dalawa.
"Tusok-tusok kaya?" suggest ni Jen na sinegundahan naman ni Nikie.
"Baliw! Edi walang bumili satin. Alam mo namang rich kid mga tao rito sa University." Nikie said at binatukan pa si Jen, hindi na nagreklamo si Jen sa pisikalan dahil normal na sa amin ang bardagulan.
"How about Mexican food?" Nikie suggested.
"Pwede naman pero magastos yun sa ingredients." sabi ko, lahat ng mexican food na alam ko, mahal!
"Okay lang yun, ikaw naman bibilim" sabi ni Jen, hihirit pa sana ako ng dumating na si Ma'am Sage.
"Good morning, class. I'm assuming that everyone in the room heard the news a while ago. Will your booth's classification change, or are the arts the primary priority of your department?" tanong ni Prof. Fernandez sa amin.
I raised my hand at mabilis naman niya iyong nakita.
"Yes, Miss Flovira?" tanong niya sakin, hindi ko alam kung matatakot ako o matutuwa.
BINABASA MO ANG
Prohibited Love
Romance- complete - Intersex | professor × student I got everything that I wanted, from wealth, to women, an empire and good life. But, I'm not happy. Why can't I be happy? - Geyl I merely want to live a peaceful existence, but someone entered my life and...