Chapter 9

58 6 0
                                    

Few months have passed...

Abby's

"What now guys? Anong sagot n'yo? Raise your hand, don't be shy, bonus question nalang 'to, malayo na sa kung anong topic natin kanina. I just wanted to know if may natutunan ba noong high school," our teacher said. She's discussing, and now she wants us to answer the fill in the blanks she prepared in front.

FILL IN THE BLANKS

It is composed of two layers, mainly formed with iron and nickel. It is ____________

Batid ko sa sarili kong alam ko ang sagot at tama iyon, pero inuunahan ako ng hiya, baka mamaya kapag sumagot ako, pagtawanan nila 'ko sa harapan. But who are they to do that? Or should I say, who are they for me to pay attention in every actions they take, specially against me. Pay dust, Abby. I started raising my hand, hindi lang naman ako 'yung nag-iisang nagtaas, but luckily, our teacher called my name, so I stood up and state my answer first before writing it in front. "Yes?" she said.

"C-c..." Hindi pa man ako nakakatapos ay narinig ko na ang paghagikgik ng karamihan sa likod at maging sa harapan ko. "Huh?" Sambit naman ng teacher namin na nakatingin sa'kin. And there where I realized that my answer I haven't stated my answer yet. "A-ahh.. Core! It's the core, ma'am." I faked my laugh after that. My anxiety was already kicking inside me, they're still laughing, at mas lalo akong nanliit nang marinig ko 'yung boses ni Cj na halos katabi ko lang. "Sagot pa... Sige, ayan tuloy," at sinundan n'ya 'yon ng malakas na tawa, na ginaya naman din ng mga kalapit n'ya sa upuan.

"Sige na class, that's all for today, good bye..."

When our subject teacher was about to go outside, Irish almost screamed, malapit naman nang mag uwian kaya okay lang din naman. "Ma'am kamusta n'yo daw po si Cj kay Eury! 'Yung tourism, kilala n'yo po 'yon 'diba?"

Napaharap s'ya kaagad nang marinig n'ya 'yon, "Huhm?" She looked at Cj suspiciously, "crush mo ba 'yon? Studyante ko 'yon, ang ganda ng accent," tanong n'ya, at kitang kita kay Cj na medyo nahiya s'ya dahil do'n.

"H-huy! Anong ginagawa mo? Hahaha," gulat na tanong ko nang maramdam kong nilagay ni Reign 'yung dalawang palad n'ya sa magkabilang tenga ko. "Baka mahurt ka, joke! HAHAHA," pagbibiro n'ya at pagkatapos no'n ay tinanggal naman n'ya kagad, I was just arranging my things kasi malapit nang mag-uwian, pero silang lahat ay nakatingin at nakikinig sa usapan ng subject teacher namin at ni Cj, "nakakachat lang ma'am! Hahaha," napalingon ako nang bahagya nang sabihin 'yon ni Cj, "crush mo nga? Oo o hindi?" Pagtatanong ulit ng teacher namin.

"Ayon! Hahahaha! Amin na kasi!" Sigaw ni Irish habang nagtatawanan sila.

I started roaming my eyes looking around at nang makita ko si Cj ay bigla s'yang tumango, dahilan para mapuno ng sigawan yung loob ng room namin.

"Yieeee! Hahahaha."

"Ship 'yan! Ship!"

"Pakilala na dapat kay Mama!"

Ilan lang 'yon sa mga paulit ulit na sambit ng mga kaklase namin nang umalis na 'yung subject teacher, kasabay no'n ay nag ring na 'yung bell, uwian na, ibig sabihin.

"Abbs, sabay ka ba?" Tanong ni Reign, at agad naman akong tumango pagkatapos n'yang sabihin 'yon.

Habang palabas kami ng gate ay napansin kong magkakasunod kami nina Cj kaya pinauna ko na s'ya kaagad sa pamamagitan ng paggawi ng sarili ko sa bandang gilid ng hallway. "Hi Green," he said while smiling na parang hindi ako napahiya dahil sa sinabi n'ya kanina. "Hm!" Tinanguan ko lang s'ya at binigyan ng pekeng ngiti bago sila tuluyang mauna sa daanan.

Bit of Sweet on Alcohol ✔️Where stories live. Discover now