Cj's
"Pre, 'di ka ba nakokonsensya? Gago nabastos mo 'yung babae hahaha." Aj asked but who the hell cares?
"Wow ah? Acting red flag?"
"Angel, gagawin ko lahat para sa'yo, I will do everything just to make you stay, just please stay... please Angel?" I said with a cold voice, while I was outside their house.
Angel is my high school girl friend, my first love. I know it sounds funny but at the very young age, I felt this kind of love and this hits different, kaya wala na 'kong balak pakawalan pa s'ya. We've broke up a month ago, we're legal both sides kaya't gano'n nalang ang panghihinayang ko sa lahat ng meron sa'min. I treated him as my world, my inspiration, my everything, pero gano'n ba talaga? Kapag nakahanap ng mas better sa'tin... Papalitan na kagad tayo?
"Angel kahit magmuka akong tanga dito sa labas ng bahay n'yo hindi ako titigil. Mahal na mahal kita..."
I've waited in there for how many hours and luckily, she appeared. Wearing the jacket I gave to her on one of our anniversary. "Sa wakas..." I whispered and run towards her direction to give her my warm hug. "I miss you.."
My heart was full of gratitude, my tears started to drop, I can't even tell a letter. Basta ang alam ko lang, magkasama kami... Kaming dalawa...
"Bitawan mo 'ko.." She said with her sweet voice. "C-Cj mali 'to eh..."
Hindi ko s'ya pinakawalan sa kabila ng pagpupumilit n'yang gawin ko 'yon. "Hindi mali 'to," mas lalo ko pang hinigpitan.
"Cj may boyfriend na 'kong iba... Sorry."
Tila naging malinaw na para sa akin ang lahat, hindi na n'ya 'ko mahal, wala na s'yang nararamdaman para sa'kin, wala na kami, hahaha ano pa ba? "Wag ka munang umalis... Huli na 'to, pangako..." Pagmamakaawa ko sa kan'ya habang nasa mga bisig ko pa'rin s'ya, ang lahat ng luhang nanggagaling sa aking mata ay dumidiretso sa balikat n'ya. "Sigurado ka na ba d'yan?" Huling tanong ko sa kan'ya.
Umalis s'ya sa mga yakap ko, "oo. makakahanap ka rin ng bago... Y-yung mas-"
"Wala nang mas hihigit pa sa'yo" hinalikan ko s'ya sa noo habang hawak ang ulo n'ya gamit ang dalawa kong kamay. Sa unti-unti n'yang paglayo sa akin ay kita rin sa mga mata n'ya kung gaano kalungkot at kabigat ang nararamdaman n'ya. Pero wala na 'kong ginawa kung hindi punasan ang luha ko, alam kong hindi na ako ang makakapagpagaan ng loob n'ya...
"Huy!" pangugulat sa'king muli ni Aj.
"Ano ba?!" mainit ang ulo kong saad.
"Anong ano ba? Ayan si tita sa phone sa'n ka daw ba matutulog?"
"A-ah.. d-dito nalang Ma. Dito nalang po."
"S-sige, papadala ko nalang 'yung gamit mo d'yan, ingat ha, Anak? Aj? Ingat d'yan? Goodluck bukas!"
"Opo tita! Hehe Salamat po!" Saad n'ya habang binubunggo ako, hudyat para magsalita rin ako, ano naming sasabihin ko? "Sige Ma! Bye labyu!" Tuluyan na n'yang pinatay.
"Tsss," masama ang tingin n'ya sa'kin, "Ikaw nalang kumuha ng gamit mo! Lapit lapit ng bahay n'yo dito papadala mo pa!"
"Try mo kayang ikaw? Baka matuwa pa 'ko."
Lumabas s'ya ng kwarto. "May kukunin lang ako... I love you, Mahal! HAHAHAHA!"
No'ng girl friend ko pa si Angel, lagi kaming nakatambay dito kina Aj, at syempre sinusundo s'ya ng papa n'ya sa t'wing uuwi na s'ya, at 'yon 'yung lagi n'yang sinasabi sa'kin kapag lalabas na s'ya ng pinto. "Hm hm," I faked my smile, "corny mo," at padabog n'yang sinara 'yung pinto.
YOU ARE READING
Bit of Sweet on Alcohol ✔️
Roman pour AdolescentsSometimes, we were too bitter like an alcohol in life so everything seems to be so wrong. Without knowing that what we all just need is a bit of sweetness. Just like Abby and Cj.