Cj's
"Patapos na 'yung school year guys! 'wag n'yo 'kong kakalimutan ah?" Biro ni Irish, habang nagkakasiyahan sila sa may harapan, nagkakantahan gano'n. While I'm still busy thinking about Eury. Kamusta na kaya s'ya? Siguradong nasaktan ko s'ya dahil sa nangyaring 'yon.
Ilang araw na rin 'yung nakalipas pero gano'n pa'rin 'yung inis na nararamdaman ko sa t'wing maaalala ko lahat. "Napakatanga mo, Cj," bulong ko sa sarili ko.
Napansin kong dumating si Abby sa room nang mga 5:30 na, may dala pa s'yang mga gamit at kung ano-ano pang mga outputs. Sa pagkakaalam ko, last week pa 'yung pasahan namin ng mga final projects, at tsaka iba 'yung dala n'ya. So ibig sabihin, hindi sa kan'ya 'yon. She's just staring at a certain direction. Mukhang lutang at lumilipad pa 'yung isip nya sa mga sandaling iyon. Nakita ko naman na lumapit sina Reign sa kan'ya, agad kong sinenyasan si Irish na lumapit din do'n.
Naririnig ko 'yung bawat usapan nila dahil medyo malakas 'yung boses ni Reign at Jai.
"Kanino 'yan Abbs? 'Di ka pa ba nakakapagpasa?" Tanong ni Jai.
"Tangi! Nakapagpasa na 'yan syempre! Hindi kanya 'yan!" Sagot naman ni Reign.
Lumapit si Irish sa tabi ni Abby at hinawak hawakan 'yung mga nasa desk n'ya. "Kanino 'to?" Tanong din nya.
"Wala... Pinatabi lang," mahina lang 'yung sagot n'ya pero rinig na rinig pa'rin.
"Ahhh... And'yan na si Ma'am huy! Upo na, sige na maya nalang!" Magmamadaling paalam ni Reign at umupo na rin ako kaagad, pero bago 'yon kinausap ko muna si Irish.
"Ano?" tanong nya sa'kin.
"Hindi 'yan patabi lang, kanya 'yan," bulong ko.
"Oh? Anong gusto mong gawin ko? Namin?" sagot naman n'ya.
"Sirain n'yo, basain n'yo gano'n, o kaya kahit ano... Basta. 'Yung masisira tsaka hindi na mapapakinabangan."
Hindi ko na rin alam kung saan ko pa ba nakuha 'yung mga sagot kong 'yon. Wala, gusto ko lang yamutin s'ya. Hahaha, feeling ko sa boyfriend niya 'yon eh. Hays. madali namang kausap 'tong sina Irish eh, lulubusin ko na.
Abby's"Kain na.." Bungad sa'kin ni Lola, kakauwi ko lang syempre. Pero naalala kong mayroon pa nga pala 'kong gagawin, "mamaya na, La," sagot ko. Tumango lang s'ya at nilagay nalang 'yung pagkain sa microwave. "Kung gusto mo ng mainit, initin mo nalang, matutulog na 'ko," bilin n'ya bago umakyat.
Nang marinig ko nang isinara na n'ya 'yung pinto ay mabilis akong umakyat at sinimulan nang gawin 'yung mga project ni Tristan. Habang ginagawa ko 'yon ay naiinis ako sa sarili ko pero hindi ko rin maiwasan na isipin 'yung ginawa kong ikinasira nina Cj at Eury. Hindi ko naman intensyon na paghiwalayin silang dalawa, gusto ko lang, magalit sila sa'kin at maramdaman nila kung ga'no kahirap mapunta sa sitwasyong pinaglalaruan ka ng ibang tao kahit wala ka namang ginagawa. Pero parang nangyari 'yon parehas. Parang sumobra yata ako sa pag-aalala sa sarili ko, at hindi ko na naisip 'yung mararamdaman ng ibang tao sa mga gagawin kong bagay. Pero nagawa ko na eh... Iisipin ko nalang na 'yung ginagawa kong 'to ay 'yung pinaka karma ko sa pagiging selfish ko.
Ilang oras pa ang nakalipas at wala pa'rin akong nasisimulan, pakiramdam ko ba'y bibigay na ang katawan ko dahil hindi pa ko kumakain ng kahit ano simula kaninang umaga. Pero mas pinili ko pa'ring gawin 'yong lahat ng 'yon.
It was almost 7PM in the evening at iisa palang 'yung nagagawa ko, over 5 subjects. Print dito, gupit doon, dikit dito, assemble doon. Kung papanuorin ko siguro ang sarili ko ay iisipin kong isa akong babaeng walang kapaguran. But deep inside, I feel like I'm dying.

YOU ARE READING
Bit of Sweet on Alcohol ✔️
Novela JuvenilSometimes, we were too bitter like an alcohol in life so everything seems to be so wrong. Without knowing that what we all just need is a bit of sweetness. Just like Abby and Cj.