Abby's
"Good Morning!" bati ko sa sarilli ko habang nakatingin sa salamin. Ilang months ko nang suot 'to retainers ko na 'to, m-medyo nakaka-insecure honestly. Cause I was being bullied by having this on my teeth. Pero para sa'kin, I don't have any problem with it, sadyang mapintas lang 'yung tao sa paligid and no need to adjust. "Maganda ka.." I whispered, wore my retainers then smile.
"Kumain ka na..." Mukhang inaantok pa'rin si lola pero bumangon s'ya para ipaghain ako ng breakfast. Best lola talaga 'to eh..."La..." I said, took a sit on the table and get the spoon and fork.
Humarap s'ya sa'kin habang hawak 'yung remote ng tv. "Pangit ba 'ko?" Tanong ko, medyo napangisi pa ako dahil sa tanong kong 'yon, hindi ko gawaing tanungin si Lola tungkol sa mga gano'ng bagay pero ginawa ko pa'rin.
"Mabait ka...." She replied and started forming her face into a serious one.
"Tapos...?"
"M-m... May respeto! May respeto ka," sambit n'ya habang nililipat 'yung channel ng tv.
I frowned. "Oo nga naman, tama ka naman d'yan, 'la," inangat ko 'yung tinidor na hawak ko habang nginunguya 'yung pagkain ko.
"Hahahaha.. Biro lang, syempre maganda ka.." pumunta s'ya sa kusina habang sinasabi n'ya 'yon at nginitian n'ya ako. "Tss.. Hahahaha, ligo na nga 'ko, 'la."
"Nakagayak na ba'y mga susuotin mo? Igayak ko muna?"
"H-hindi na po, ako na. Matulog ka na ulit 'la."
Napakamot s'ya ng ulo nang kaunti, "sigurado ka? Sige.."
Chinat ko na si kuya bago pa man ako maligo, para kung sakaling hindi pa s'ya nakakakain, eh makakain na s'ya. Sobrang dilim pa ng paligid at halos kita pa 'yung napakaliwanag na buwan. Mabilis lang akong maligo, nakakatakot eh, baka may multo. Joke. Pagkatapos kong maligo ay agad ko nang tinuyo 'yung buhok ko at nagbihis na ng uniform, nakita ko pa 'yung uniform kong nasunog nung nakaraan, napangiti ko at medyo nainis din, si Cj kasi 'yung sinisisi kong dahilan nung araw na 'yon, kahit ang totoo eh tanga lang talaga 'ko HAHAHAHA.
Kagaya ng nakagawian, pagkahatid n'ya sa'kin ay s'ya na rin n'yang pag alis. Wala pang masyadong tao sa loob ng campus, at sa room talagang wala pa kahit isa. Inilagay ko muna 'yung bag ko sa may tapat ng pinto, medyo nalibang ako sa panunuod ng iba pang studyante na pumapasok sa gate at pumupunta sa mga room nila. Maya maya pa'y sunod sunod nang nagsipagdatingan 'yung mga kaklase namin. Nang makita ko si Reign sa upuan n'ya habang nilalapag 'yung bag n'ya ay agad ko na s'yang nilapitan. "Hi," bungad niya.
"H-hello, ahm... Nagreview ka na?" tanong ko sa kanya, medyo nahiya pa ako nang kaunti, "p-pero wait.. Baka iniisip ko kaya kita tinatanong is dahil kokopya ko sa'yo or something-"
"Huy! Hindi ah! Hahaha, hindi naman ako gano'n. At tsaka kung kokopya ka talaga, wala pa 'kong review," bulong n'ya at sabay kaming tumawa dahil do'n.
Buti naman, mukhang nakahanap ako ng kaybigan na hindi ako tatalikuran kapag nagkagipitan ah. Hahahaha, but still not sure with them, marami rami na rin akong nakasalamuhang tao sa mura kong edad, at wala pa ni-isa sa kanila 'yung hindi ko kinutuban ng masama. Hahaha Rudy Baldwin ka ghorl? Pero totoo, siguro naman hindi lang ako 'yung ganito. Sanay akong makiramdam nang patago, I don't show other people that I pay attention to their businesses, and they'll be surprise when the time has to come that I need to show to other people how evil-ish they are, and their actions. I don't hurt physically, but a hundred percent sure that they'll be mentally ill because of what they did and how it will reflect to them.
YOU ARE READING
Bit of Sweet on Alcohol ✔️
Teen FictionSometimes, we were too bitter like an alcohol in life so everything seems to be so wrong. Without knowing that what we all just need is a bit of sweetness. Just like Abby and Cj.