Chapter 8

61 7 0
                                    

Abby's

 Umuwi na kagad ako sa bahay ni Lola, para kumain at magbihis. Ngumiti ako kagad nang bumungad sa'kin si Lola. Pero pagkapasok na pagkapasok ko sa kwarto ay duon na bumuhos ang mga inis ko. Hindi ko mapigilang maramdaman. habang hinahampas ko naman sa unan 'yung mukha ko ay naalala ko 'yung pakikitungo sa'kin ni Cj kanina, kaya napahinto ako at napatingin sa salamin. "Nababaliw ka na talaga!" Sigaw ko.

Agad ko namang pinunasan 'yung pawis ko, inalis ang mga ngiti sa labi ko, at nilibang ang sarili ko sa paggamit ng cellphone, "hays... nagkita nanaman tayo.. Ikaw lang nagpapasaya sa'kin eh, tsaka si Lola.." Mahinang saad ko, para akong baliw habang sinasabe ko 'yon sa cellphone ko na nakatapat sa'kin. Nakangiti ako habang nakatitig rito, pero ang lahat ng 'yon ay nawala nang bumukas ito at bumungad sa'kin ang notification galing nanaman kay Cj. Hanggang dito ba naman sa bahay? Tsk. Reign told me that, that girl Eury and him were starting to build something. Kaya siguro medyo good mood s'ya kanina, tss.

: hoy

: green

Nakakainsulto kung iisipin, dahil sa dinami dami ng pwedeng itawag sa'kin ay 'yung katagang 'yon pa! Alam naman siguro n'yang badtrip ako, kaya bahala na s'yang magpasensya sa kung anong ikikilos ko sa convo naming dalawa.

ano :

Tumingin tingin ako sa kwarto ko, at halos naman lahat ng gamit ay nakaayos na, wala na 'kong dapat pang iligpit o linisin, nakaramdam tuloy ako ng pagkabored dahil do'n. "Hm..." Sambit ko habang nag-iisip ng kung ano 'yung pwedeng gawin.

Napatitig ako sa mga damit ko na nasa drawer, at agad ko naman iyong kinuha, "titiklupin nalang ulit kita, wala akong magawa eh," sambit ko. Sakto namang nakita ko na nagreply na 'tong si Cj.

: gamer ka ba?

Hanap kaduo? Joke. Naglalaro ako no'n dati, pero ngayon hindi na masyado.

 

hindi :

Cj's

"Aww..." Pangangantyaw ni Aj habang nasa tabi ko.

"Magpost ka nalang sa fb tanga, lf kaduo gano'n." pagsusudlong niya.

"Hu... Wala yata sa mood, sila Irish kasi.. Baka mamay sa'kin pa nagalit 'to," tumingin ako sa cellphone ko, habang nakaview 'yung profile picture n'ya.

"Oh edi magsorry ka!" Malakas na saad n'ya, habang kumakain. "Oh.." Binigay n'ya sa'kin 'yung plato ko na may laman na ring pagkain.

"Huh?" sagot ko.

"Ay! Oo nga pala! 'Di mo nga pala alam 'yung term na 'yon hahahaha," pagbibiro n'ya.

"Tsk.. I mean, paano? Paano ako magssorry? Sigurado ba tayong ako 'yung dahilan kung bakit gano'n 'yung reply n'ya? At tsaka, I did something to her kanina eh, at feeling ko medyo nauto ko naman s'ya ron." paniniguro at pagyayabang ko.

"Ano?"

"I said that if she's trying to make me jealous of Tristan, it's working! So, maiisip n'ya na hindi ako 'yung nasa likod no'n, plus she'll overthink na gusto ko s'ya kahit hindi naman. Babait na s'ya sa'kin."

"Dudeee! What the fuck? Pero 'yung sa may reply, tama ka naman.. Pero bakit mo ba prinoproblema 'yon?"

"Wala!"

Bakit 'di mo nalang kasi aminin Cj? Aminin ang alin? Na trip mo talagang paiyakin 'yung Abby na 'yon? Huh? Hindi ah! Sus... Deny pa! Totoo naman eh, d'yan ka magaling diba? Pero trip mo nga lang ba? Baka mamaya kaya mo trip kasi type mo nga talaga?

Bit of Sweet on Alcohol ✔️Where stories live. Discover now