Chapter 12

56 6 0
                                    

Abby's

"Hahahahaha weh? Edi nice," sagot ko sa kan'ya at sabay na pumunta sa kusina nila, "painom ako ah," binuksan ko 'yung ref para kumuha ng tubig. Sumunod naman s'ya kaagad sa'kin. "Weh? Hahahaha."

Napatigil ako sa pag inom ng tubig. "Bakit? Hoy!" napasigaw ako nang malakas nang makita kong hawak n'ya 'yung phone ko. "Saglit lang!" tumatakbo s'ya paakyat ng hagdan habang sinasabi n'ya 'yon, at agad ko nama'ng nilagay 'yung baso sa countertops at sinundan s'ya.

"Hello? Oh! May sasabihin daw si Abby!" narinig kong saad n'ya habang hawak n'ya 'yung phone ko, she's at the terrace facing the back. "Sino 'yan? Si Mama?" tanong ko, dahil naisip ko kaagad na baka s'ya nga. Hindi kasi ako nagpaalam nung aalis na 'ko, tangina hindi naman ako na-orient na uuwi s'ya ngayon. Wala manlang pasabi hahahaha. Sana 'wag n'yang masamain 'tong ginagawa kong 'to.

Biglang lumapit sa'kin si Reign habang inaabot 'yung cellphone. "Sino ba 'to?" I asked while trying to look at my phone, pinupunasan ko pa 'yung bibig ko dahil sa tubig na natapon kanina dahil sa pagmamadali. "Hala gago!" I yelled, and hanged up the call after. "Bakit mo naman tinawagan si Cj?!" tanong ko sa kan'ya. Hindi ako galit, nabigla lang.

"Ewan ko ba, parang may nagsabi sa'kin na gawin ko 'yon eh, joke! Gusto ko lang naman na mag-usap kayo tangeks!" sinundan ko s'ya sa loob ng kwarto n'ya. "At ano namang pag-uusapan namin?" nagtataka kong tanong. "About... Between the two of you guys... You know? Parang make it real and reveal what's the score sa inyong dalawa?" she started laughing. "Huh? Anong score?"

"Ang tanga naman neto! Magbihis ka na nga lang!" pag-uutos n'ya habang naghahanap ng damit sa drawer n'ya. "Para saan? Pangit ba 'yung suot ko?" I asked and she started shaking her head, that means no. "Punta tayo kina Aj," inabot n'ya 'yung damit sa'kin. "'Yan nalang isuot mo, tsaka... 'Wag ka nang mag retainers!" nakatingin s'ya sa labi ko hahang sinasabi n'ya 'yon.

"Bakit?"

"Dami mong tanong, hindi bagay sa ootd mo eh! Sige na, maliligo pa 'ko, bahala ka nang mag-ayos ng sarili mo," after saying those, she went out and left me hanging in there. Sinusukat ko pa 'yung dress na bigay n'ya at tinitingnan kung bagay ba sa'kin pero parang hindi!

Cj's 

"Ala akong susuotin tangi, ayoko," pagtanggi ko nang puntahan ako ni Aj sa bahay namin para pumunta sa party raw n'ya mamaya. "Tangina! Kahit wala kang suot pre! Pogi ka parin!" I didn't respond after that, and he entered inside my room continuously, "tara na kasi gago, hindi kumpleto'y party pag ala ka ron, birthday ko naman ngayon eh!" he pleased, but still a no for me.

"May chix ba do'n?" pagbibiro ko habang nakahiga sa kama. "Oo! Marami! Kaya tara na gago! Magbihis ka na, ay! Kahit 'wag na pala! Matutulog ka lang naman d'yaan! Pumunta ka nalang do'n," bumangon ako mula sa pagkakahiga at nagsalita, "sino sino ba'y ando'n?" kumuha ako ng tshirt sa may drawer ko at pinalitan 'yung suot ko na sando. White shirt 'yon na v-neck. "Wala, mga kaklase natin dati, tayo tayo na nga lang, nakauwi na'y mga kamag-anak namin kaninang maaga pa."

"Parang nakakahiya."

"Nakakahiya amputa."

I finished wearing my shirt and went outside para magpaalam kay Mama. "Ma, alis lang saglit. Punta kami kila Aj, birthday pala n'ya."

"Oh? Nand'yan ba?" tanong n'ya.

"Ando'n, Aj! Tawag ka ni Mama!" sigaw ko.

Lumapit kagad s'ya, "ta, saglit lang po kami, do'n lang po sa bakuran namin."

"Happy birthday!" bati n'ya at natatawa akong tumingin kay Aj. Nakita kong may inaabot si Mama sa kan'ya. "Ay! Hindi na po Tita! Hahahaha," hindi ko mapigilang hindi matawa sa mga sandaling iyon. Ang awkward siguro sa side n'ya, pero no choice, pinilit ni Mama eh, "tanggapin mo na pre.. HAHAHAHA ako ba Ma?" she just looked at me. Habang tuloy lang ako sa pagtawa. "Thank you po haha," 'yon 'yung naging sagot n'ya pagkatapos n'yang tanggapin 'yung bigay ni Mama.

Bit of Sweet on Alcohol ✔️Where stories live. Discover now