Abby's
"Salamat po!" pagpapalam namin sa Mama ni Aj dahil uuwi na kami'ng lahat. "Oo, sa uutitin! Hahahaha" sagot n'ya, at agad naman kami'ng nagkatinginan lahat habang tumatawa. "Sige na, umuwi na kayo!" sigaw ni Aj habang nasa may terrace s'ya at nakatayo, "hindi mo manlang ba ihahatid 'tong mga 'to?" tanong ng Mama n'ya, "hee!" nagkakamot ng ulo s'yang bumaba galing sa terrace nila, "tara na nga! Lalaro pa kami eh!" pag-aaya n'ya.
Habang naglalakad kami palabas at tinetext na nung iba 'yung sundo nila, lumapit ako kay Aj. "S-si Cj? Asan?" tanong ko, kahit na medyo mukha s'yang badtrip. "Ando'n yata, o baka umuwi na, ichat mo nalang, magrereply namn 'yon kagad sa'yo," tumango lang ako pagkatapos no'n at nang tingnan ko 'yung cellphone ko ay 3 percent nalang. Kaya hindi ko na rin s'ya machachat kung gagawin ko man. Lumapit naman ako kay Reign. "Amoy alak ka parin ah?" bungad ko, at agad n'ya 'kong binigyan ng masamang tingin. "Grabe naman 'to sa'kin! Porket pinaligo ka lang ng bebe mo kagabi eh!"
"Shh! Bebe ampotek!" tiningnan ko 'yung sarili ko sa screen ng cellphone ko. "Buti nalang hindi ako kagabi hehe," tinuro ko 'yung bibig ko.
Pagkatapos noon ay bigla ko tuloy naalala, our family isn't like the others, kung sa iba siguro merong upsa and downs. Sa'min puro downs lang, kaya siguro sad girl ako eh, joke. When I was a child, akala ko I was just born shy, like shy since birth gano'n, pero hindi pala. Ngayo'ng malaki na 'ko, I found out that I am having an anxiety because of my phobia in facing a lot of people. And sa'n ba nagsstart 'yung gano'n? 'Diba sa bahay? Hindi ko naman sila bineblame for doing those to me, kase ano'ng sasabihin nila sa'kin? Ano sa tingin ko 'yung ginagawa nila during sa days na wala sila sa tabi ko? Nagtratrabaho raw. Para may mapakain sa'min, nagpapakahirap. They are making us feel that them who raised us should be thanked, at utang na loob namin 'yon sa kanila. Like pasalamat kayo, binuhay namin kayo, why? Ano ba'ng plano n'yo? Edi ngayon n'yo kami ipalaglag. Tutal delay rin naman 'yung mga isisp n'yo pagdating sa pagintindi ng mga problema namin eh.
If I can only live separately in order to protect my mental health, and for the peace of all of us, I will. Gusto ko nang makapagtrabaho, gusto ko nang baliin lahat ng expectation nila sa'kin, at ipakita sa kanila that even though I didn't reached those, masaya ako. Kaso hindi naman nila ako papayagan na gawin 'yon, hindi ko alam kung paano ako magrereact, magiging masaya ba 'ko dahil kahit papaano gusto nilang nasa poder nila ako at maayos 'yung kalagayan? O malungkot dahil matagal ko nang pangarap na makalayo sa kanila pero ayaw nila? Hindi ko naman sila kakalimutan kung saka sakali, they're my parents, my relatives, and the reason why I am here now, I am thankful, but not blessed. Because I'm privileged but not freed.
"Ayan na si Tito.. sumakay ka na Abbs," sambit ni Reign, kaya't ginawa ko naman ito. "Kamusta naman 'yung parents mo?" I don't know why did she start asking those kind of questions, "ewan ko.. hahaha."
"'Diba umuwi 'yung Mama mo? Para saan kaya? Biglaan kasi hano?" she said.
I nodded, "baka may problema nanaman, problems that are meant to stay as a problem pagdating sa kanila. Sa tingin ko nga gano'n, hindi rin maganda 'yung mga nagiging ganap sa kanilang dalawa ni Papa nung mga nakakaraan, kaya siguro gano'n."
"Abby, kung wala kang masabihan ng mga problema mo, nandito ako ah? Kami, kami nina Jai, sila Cj. Andito lang kami palagi, makikinig kami sa'yo, tsaka malay mo... Makatulong rin kami.."
Medyo umiling iling ako habang nakangiti, "sarili ko nga hindi ko na matulungan eh, ibang tao pa kaya?" parang nagbibiro lang ako sa tono ng boses ko pero ang totoo ay hindi, at totoo ang sinasabi ko.
"Baka naman kaya hindi mabuo buo, kasi may kulang... hahaha," she pointed at my chest, the part where the heart was located at, "kulang sa tulog hahaha," sagot ko at tumawa nalang kaming dalawa. Kasabay noon ay nakarating na kami sa bahay nila at bumungad sa'min 'yung motor ni kuya nasa may gate nina Reign, "luh? Sa kuya mo 'yan 'diba?" tanong n'ya. "Oo hahaha, ba't kaya, baka susunduin na 'ko" sagot ko sa kan'ya.
YOU ARE READING
Bit of Sweet on Alcohol ✔️
Novela JuvenilSometimes, we were too bitter like an alcohol in life so everything seems to be so wrong. Without knowing that what we all just need is a bit of sweetness. Just like Abby and Cj.