Abby's
"Weh?" hindi ko alam kung nanguuto lang si Kian sa tono ng pananalita n'ya sa mga oras na 'yon. "Oo nga! Tangi nagsasabe ako ng totoo!" Pagpapatunay ko.
"Lakad kita?" tano'ng n'ya, habang nakaakbay pa'rin ako sa kan'ya, halos hindi na kami magkasya do'n sa upuan pero wala naman akong pakialam, s'ya rin naman, hindi naman nagrereklamo eh.
"Sige ba?" sagot ko, "kaso may jowa yata 'yan eh."
"Tss, wala 'yon tangi!"
"Guys! Pwede na raw umuwi!" bungad ng isa sa mga tutor na kasama namin, napalayo ako mula sa pagkakalapit kay Kian at agad kong tinanggal 'yung mga braso ko sa balikat n'ya. "Oh?" nag-aalala n'yang saad dahil muntik na akong matumba pagkatapos kong gawin 'yon. "Sa'n ba bahay n'yo?" tanong ko sa kan'ya, habang sinusuot n'y 'yung bag n'ya, "buti ka pa dala mo na, 'yung sa'min nasa room pa. baka mamaya nilock na nila 'yon."
"Malapit kila Cj, mga ilang lakad lang 'yung pagitan hahahaha, bakit? Sama ka ba?"
"Hu!" I rolled my eyes a bit, at lumapit na 'ko kina Reign, "sino ba 'yon? eto napaka friendly talaga, pati 'yung ibang tao do'n kanina eh inaakbayan hahaha, parang close na close na kagad sila hahahah," sambit ni Reign habang tinuturo ako, at tumatawa naman si Ash habang nakikinig s'ya.
"Tangi! Pinsan 'yon ni Cj! Nakakachat ko na 'yon, kahit nung nakaraan pa! Pero hindi ko masyadong pinapansin, pero mukha naman palang mabait eh... Tsaka..." hinawakan ko 'yung braso nilang dalawa para mapahinto sila sa paglalakad at mapalapit sila sa'kin at tsaka ako bumulong, "tutulungan daw n'ya 'ko kay Cj HAHAHAHA!"
"Ayon! Kaya naman pala! Hay nako ka Abby! Hindi naman na kaylangan nung gano'n gaga! Mukha namang interesado rin sa'yo 'yung tao eh..."
"Eh kaya pala nakikipag cb kay Eury," singit ni Ash, at napatingin ako sa kan'ya dahil do'n, "weh? Totoo ba?" paniniguro ko. "Oo nga! Kakasabi lang ni Eury kanina... Hindi nga raw n'ya alam kung ano'y isasagot n'ya weh, nasa manila sila ngayon, nagkasabay ba naman mag enroll for masteral hahahaha."
"Baka hindi naman totoo 'yan, Ash!" sigaw ni Reign.
"Totoo nga gagi! Eto naman! Ginawa pa 'kong story maker!" natatawa n'yang saad.
Nakuha na namin kaagad 'yung gamit sa room at nilock na namin 'yung pinto pagkatapos no'n. Bale sa Reign nalang 'yung kasabay ko pauwi kasi nauna na si Jai tiyak. Si Ash naman, hindi yata namin s'ya katulad ng direksyon. Tsaka nag ggrab 'yon eh. Mula Quezon, sa Makati pa kami uuwi dahil doon namin napagdesisyonan na umupa ng titirahan habang nagpapart time job dito.
"Ay may gc pala tayong magkakaklase?" gulat na saad ni Reign habang sumasakay sa kotse n'ya, nauna na kasi ako sa loob. Hehe medyo makapal.
"Oo yata, kanina lang nila ginawa, d'yan nalang raw iaannounce kung kelan 'yung pagseset nila ng inuman hahaha. Mga uhaw."
"Yeah.. you're right."
Pagkauwi sa unit namin ay nagbihis na 'ko kagad, nakita ko sa bag na pinadala pala ni lola 'yung dress na palagi kong suot 'pag nasa bahay lang ako. Kaya ayon nalang 'yung sinuot ko, hindi naman mahalay tingnan, parang pang tulog lang gano'n hahaha. Hays. Namiss ko tuloy siya, noong nagpaalam ako bago magtrabaho, ayaw pa niyang pumayag pero wala naman na siyang magagawa dahil nandito na 'ko eh, at ito ang pangarap ko.
Uminom lang ako ng tubig at pagkatapos no'n ay nagpunta na 'ko sa kwarto kung saan kami natutulog ni Reign, she want's me to use the other room, pero mas gusto ko'ng katabi s'ya, para kung may multo man na sumusunod sa'kin sa bahay na 'to, edi makikita n'ya rin. Joke.
Sobrang girly talaga n'ya, simula palang sa kwarto, sa mga damit, tsaka mga gamit n'ya, she has a color palette na sinusunod when buying stuffs, hindi ko nga alam kung pa'no kami naging gan'to ka-close, eh hindi naman ako masyadong mahilig sa mga bagay na gusto n'ya. Pero siguro 'yung gustong gusto ko sa kan'ya is that she's a really well-organized person. Wala ka manlang makikitang kalat sa bahay, parang walang nakatira eh. Samantalang ako, kulang nalang igapos ako ng lola ko dati sa sobrang kalat ko, hindi lang sa kwarto. Sa buong bahay pa. Pero ngayon hindi naman na masyado.
YOU ARE READING
Bit of Sweet on Alcohol ✔️
Ficțiune adolescențiSometimes, we were too bitter like an alcohol in life so everything seems to be so wrong. Without knowing that what we all just need is a bit of sweetness. Just like Abby and Cj.