Chapter 7

57 7 0
                                    

Abby's


"Malay mo... S'ya na pala?" Reign whispered. 

"Tsk.." I produced that sound from my mouth and leave them in there. Nagpunta ako sa canteen mag-isa, and just bought a bottled water. Mag-isa lang rin akong bumalik sa room. I don't know but what they're doing doesn't give me satisfaction. Naiinis ako, why is it like, they're tripping on me? Hindi nila alam kung ano talagang nangyayari sa buhay ko, kaya 'wag naman sana silang mangialam.

"Abby..." Tawag sa'kin ni Irish.

I looked at her, "hm?" while arranging the things I'm going to use for our p.e class after this break.

"May gusto ka raw kay Tristan?"

Napahinto ako sa pagaayos ng gamit ko. "Ha?"

Tangina! Pinipilit ba talaga nila akong ilabas 'tong pagiging masama ang ugali ko? 'Yon ang naiisip ko eh! And who the hell is that Tristan? Do I know him? I'm not even exploring the campus kagaya nila para makipag-kaybigan sa ibang section. But why? Bakit ako? Do they think I would stay silent after all of these?

"Huuu... ang balita nga, todo porma sa'yo at nagugustuhan mo na raw 'yon eh.. Yieeee."

"The?!"

"Akala ko ba si Cj na? Abby ah.."

"T-teka? Kahit sino kay Cj tsaka 'yung Tristan na 'yon... Hindi ko nga kilala 'yon eh. Wala ok? Wala akong gusto sa kanilang dalawa! Malinaw ba?" Medyo sumisigaw ko nang saad, but what I got is just their laugh while still murmuring at the back. 

Umupo ako at ininom 'yung tubig na binili ko, saktong sakto naman na habang tinutungga ko 'yon ay pumasok si Cj. He looked at me and blinked his eyes AGAIN. "Wtf?" bulong ko habang umuubo dahil sa pagkakasamid. Nakita ko s'yang kinuha 'yung phone n'ya galing sa bulsa n'ya at ginamit 'yon. Hindi ko na s'ya pinagtuonan pa ng pansin pagkatapos no'n. Kaya ako naiissue eh, kasalanan ko rin naman siguro.

"Guys ayan na si ma'am! Pwede na raw magbihis ng pang p.e sa baba," sigaw ng isa sa mga kaklase namin na galing sa faculty habang hawak n'ya 'yung tape tsaka manila paper ni ma'am.

"Huy sabay tayo."

"Intayin n'yo 'ko, tara."

"Wait lang huy!"

Nag-aayaan na sila sa labas para pumunta sa cr at magpalit, sila sila lang syempre. Hindi ko na 'yon pinansin at lumabas nalang din, magbabackstab-an din 'yan sa dulo, charot. At point is ano pa bang gagawin ko ron sa loob. 'Yung ibang naiwan do'n karamihan ay mga lalake, para do'n nalang raw magpalit. 

"Huy.." Bati sa'kin ni Rian habang nasa pila, nagkasabay pa kaming dalawa. "Ayon 'yung Tristan oh.." Itinutok n'ya 'yung daliri nya sa may pinto ng room na medyo malapit sa cr, hindi sa mismong pinto. Pero sa lalaking nakatayo malapit ro'n. Kaparehas lang pala namin ng year, ibang course lang.

Mas matangkad pa 'ko, tingin palang. Medyo maputi, ayos lang naman 'yung buhok... Basta! Hindi ko s'ya kilala, hindi ko pa'rin s'ya nakikita sa buong buhay ko, kaya paano ko s'ya magugustuhan, o 'yung nililigawan na sinasabe nila, he's so much far from my ideal, my type, and everything!

"Ahh... Hahahah," mahina kong saad. "Tara na?" sabay kaming nagpalit ni Rian sa cr. Parehas naman kaming babae, kaya okay lang. "Una na 'ko," sambit ko habang nagpapalit pa'rin s'ya sa loob, tinanguan n'ya lang ako at ngumiti, " 'wag mo nalang pansinin 'yung mga 'yon," bilin pa n'ya bago ako tuluyang lumabas ng cr, s'ya ko naman iyong pagtango.

Pagkalabas ko ay nakita ko 'yung ilan sa mga kaklase namin na nasa tapat ng room na kanina'y nakatayo 'yung Tristan na sinasabe nila. May nag peperform na sa gym, ibang department sa may dinaanan namin ni Rian kanina, at wala na 'kong ibang nakikitang daan pabalik sa room namin kundi 'yung doon sa may gawi kung nasan 'yung mga kaklase ko tsaka 'yung Tristan.

Bit of Sweet on Alcohol ✔️Where stories live. Discover now