Abby's
"Congratulations po. Hm hm, the patient survived." Lumapit sa'kin kaagad 'yung pamilya nung taong inoperahan ko, pagkatapos kong lumabas ng operating room. "Salamat po.." Bulong n'ya.
"Akala ko, hindi na s'ya makakasurvive. Sayang naman 'yung hinanda ko para sa'ming dalawa..."
"What? What do you mean? Oh! Wait... If that's a personal one... You can refuse to tell it.."
"Magpapakasal na po kasi kami... LDR po eh... Tapos hindi n'ya sinabi sa'kin na may sakit pala s'ya..."
"Ahhh... Well now congrats, tuloy na tuloy na 'yung kasal n'yo..."
"K-kayo po ba, doctora?" Medyo napatahimik ako ng tanungin n'ya 'ko no'n. Kaya't hindi ako kumibo kaagad. "D-doctora..?" Tanong nya ulit.
Habang nakatingin ako sa malayo at nag-iisip ng pwedeng sabihin ay biglang may dumaan sa may waiting area. He's wearing an office uniform, so mukhang kakagaling lang n'ya sa office, pero bakit s'ya nagmamadali? "Cj..?!" Tanong ko, at biglang nabaling ulit ang atensyon ko sa kausap ko kanina. "A-ahh... Wala pa eh... Hinahanap ko pa.. Hahahaha sige! Mauna na 'ko!" Pagkasabi ko no'n ay agad na akong tumakbo para sana sundan 'yung lalaking kamukha ni Cj, o baka s'ya na nga.
"Doctora Alonzo! Meron pong isang pasyente dito! Nahimatay po yata?" Tawag ng isang nurse sa'kin, pero agad ko s'yang sinabihan. "S-si... Gale ba? Pakisabe naman s'ya nalang muna kamo! May emergency kasi ako eh! Kaylangan ko nang umuwi!" Alam kong nagsinungaling lang ako sa mga sandaling 'yon, pero malakas kasi talaga 'yung kutob ko na si Cj 'yung nakita kong lalaki kanina.
I went on the parking lot, hoping that I can see him in there. Pero halos nalibot ko na yata 'yung buong parking lot nung ospital, at wala akong Cj na nakita don. Pumunta kaagad ako sa sasakyan ko para sumandal at magpahinga. Hingal na hingal ako dahil sa ginawa kong 'yon. "Bakit ka ba naman kasi nag-eexpect na babalik pa s'ya, Abby? Nasa abroad na siguro 'yung buhay no'n, 'wag ka nang umasa!" Pinangangaralan ko 'yung sarili ko, at pagkatapos no'n ay binuksan ko 'yung sasakyan ko, para ilagay do'n 'yung coat, tsaka kunin 'yung tumbler sa may upuan.
Pumasok na 'ko pagkatapos no'n, at umupo habang umiinom ng tubig. "Kapagod!" Saad ko. Ang tagal mawala ng hingal ko.
"Doctora!" Papaalis na 'ko, pero narinig ko pa 'yung boses n'ya na 'yon, habang tinataas ko 'yung bintana ng sasakyan. "Oy?" Nakangiti kong saad, simula nung malipat ako sa ospital na 'to, ay palagi na n'ya 'kong kinakausap, 'pag mga lunch. O kaya bago ako umuwi. She's always here.
"Papauwi na po ba kayo?" Tanong n'ya.
"Oo sana eh... Pero kung may kaylangan ka... Pwede namang magstay muna 'ko bago 'ko umuwi."
"Ay! Hindi na po! B-baka po may nakalimutan pa kayo? Cellphone n'yo po? Susi? Alam ko po kasing makakalimutin kayo eh... Hahaha, tsaka day off n'yo po bukas diba? So, kung may makakalimutan po kayong gamit, matatagalan pa po bago nyo makuha ulit.. Hm hm.."
Pagchecheck n'ya, kaya agad kong tiningnan 'yung mga gamit ko sa loob ng sasakyan. Nang hilahin ko 'yung kumot ko sa likuran ay may tumalsik na susi muna roon. Nagdadala talaga 'ko ng kumot, dahil minsan kapag traffic, at malamig. Ginagamit ko hahahaha. Tsaka kapag mahaba haba 'yung oras ng duty, antukin akong tao, kaya umiidlip muna 'ko. Hahahaha.
"Hm?" Agad kong kinuha 'yung nahulog na susi. "Woah..." Saad ko, dahil nakita kong iyon 'yung susi ng condo unit na bigay nung Papa ni Cj sa'ming dalawa, dati pa. "Bakit nandito 'to?" Tanong ko, pero nang tingnan ko 'yung nurse na humahabol sa'kin kanina ay wala na pala sya do'n. "Hm... Okay!"
Hindi ko na napigilan 'yung sarili ko at sa halip na condo unit ako umuwi, ay do'n ako sa unit namin dumiretso. Huminga muna 'ko nang malalim bago tuluyang umapak sa doormat sa tapat ng pinto. "Okay... I think this is the moment of truth..." I closed my eyes and slowly pushed the key inside the doorknob, and I was surprise as it opened swiftly. "Oh..." Mahinang saad, ko, hindi ko yon binuksan kaagad, parang may tao sa loob eh. Nakabukas lahat ng ilaw.
YOU ARE READING
Bit of Sweet on Alcohol ✔️
Fiksi RemajaSometimes, we were too bitter like an alcohol in life so everything seems to be so wrong. Without knowing that what we all just need is a bit of sweetness. Just like Abby and Cj.