Abby's
"Laki na ha... Anong grade ka na ba?" tanong ng isa sa mga bisitang nasa bahay, parang kamag-anak yata namin s'ya, pero ewan. Hindi ko rin alam. HAHAHA. "Fourth year na po.." sagot ko naman, sabay mano at pumunta ako sa kusina para kumuha ng pagkain, at nakita ko ro'n si Lola na naggagayak. "La, sino ba 'yong dumating? Tinanong pa kung anong grade na 'ko hahaha," bungad ko sa kan'ya.
"Baka Lola rin... Pinsan ko siguro 'yan," sagot naman n'ya, at patango tango kong inabot 'yung plato na nasa kamay n'ya. "Ano bang kakainin mo? Ako na maglalagay.." she offered and I totally refused to it. "'Wag na, ako na. Pumasok ka na do'n sa loob at asikasuhin mo 'yung mga bisita mo hahaha," pagbibiro ko, at pumasok na nga s'ya sa sala.
Sinuot ko 'yung earphone ko habang kumukuha ng pagkain. Balak ko sanang umakyat na kaagad sa kwrto ko pagkatapos no'n pero nakita kong sinesenyasan ako ni Lola na lumapit sa kan'ya, katabi n'ya 'yung ibang bisita. "Bakit?" tanong ko habang nakasuot pa'rin ng earphone. "Halika... tanggalin mo na 'yang headphone mo," sambit n'ya. "Earphones, La hahaha," patawa tawa kong saad habang tinatanggal ko 'yon.
"Ayan... Ilang taon lang 'yan nung iniwan sa'kin ng nanay n'ya, tingnan mo namn ngayon at malaki na... Eh ayaw namang umuwi do'n sa kanila, kasama 'yung kan'yang papa hindi ba? Tsaka yung mga kapatid, eh puro kasi lalaki hahaha," pagmamalaki n'ya sa mga bisita namin, habang nakikinig naman ang mga ito ay nakatingin sa'kin, talagang pinagmamasdan nila akong mabuti, at ako nama'y ilang na ilang na dahil sa ginagawa nilang 'yon. "Haba ng mga pata hano," sambit ng isa sa mga kanila. "Ano ba'y pata, La?" she didn't respond and tapped my leg, so I think that's the answer.
"Kamusta nama'y pag-aaral?" tanong naman nung isa habang nakatingin sa'kin, mukhang gusto n'yang ako 'yung sumagot ng tanong n'ya, kaya't ginawa ko. "Ayos lang naman po... graduating na."
"Ahhh.. oo nga naman, kabilis hano?" binigyan ko lang s'ya ng kaunting ngiti habang patango tango. "Akyat na po ako, La. Bye.." mabilis kong paalam sa kanila at agad nang pumasok sa kwarto ko. "Nakakahiya..." bulong ko.
Sa pagkakaalam ko, kaya may gano'n ay dahil birthday nung isa kong Tita, mahilig si Lola'ng magluto ng kung ano ano, gano'n din naman 'yung mga anak n'ya, kaya siguro naghanda. Hays ewan! Wala akong alam sa mga ganap sa bahay, palagi lang kasi akong nasa kwarto, o 'di kaya ay nasa may labasan, nanunuod ng mga batang naglalaro. HAHAHAHA, kung pwede nga lang sumali, gagawin ko, kaso medyo nakakahiya na rin sa edad ko.
Pagkatapos kong kumain ay hindi ko muna binaba 'yung pinagkainan ko, minabuti ko munang maligo, at magbihis nang maayos ayos manlang, pajama tsaka maluwag na tshirt lang kasi 'yung suot ko kanina. Kaya medyo nahihiya rin ako sa mga bisita. Sa paghahanap ko ng damit na pwedeng suotin ay nakita ko 'yung uniform ko na may mga pirma pa nung mga naging kaklase ko nung grade 7. Sobrang saya ng nangyare sa recognition namin. Kahit hindi ko masyadong naenjoy 'yung school year sa mga hindi magandang ganap sa buhay ko, parang nababawi naman na lahat.
Cj's
"Ano nanamang kacornyhan 'yan?" tanong ko sa mga kaklase namin habang inaayos nila 'yung upuan at pinoporma nila 'yon ng paikot, "open forum, wala si ma'am eh," sagot nila. "Oh? Para sa'n 'yan?" muli kong tanong, "basta! Ang kj mo!" narinig ko si Abby, nasa may likuran ko s'ya at tumutulong rin sa pag-aayos ng mga upuan.
"Tsk, hindi kami sasali! Mag mml nalang kami, hano Aj?" sagot ko sa kanila. Wala namang kwenta 'yung gano'n, maglalabasan pa ng sama ng loob, ta's pagkatapos no'n plastikan na ulit. Hahaha.
"Edi 'wag, hindi naman kayo pinipilit, kung sino lang gusto.." sagot muli ni Abby sa'kin.
"AyooOn! Parang hindi naging crush Abbs ah?" pagbibiro ni Jai, at bigla naman syang natahimik, pero wala akong pake kaya pumunta na 'ko sa pwesto namin nila Aj, para maglaro na kagad.
YOU ARE READING
Bit of Sweet on Alcohol ✔️
Teen FictionSometimes, we were too bitter like an alcohol in life so everything seems to be so wrong. Without knowing that what we all just need is a bit of sweetness. Just like Abby and Cj.