Chapter 1

463 24 8
                                    

Lewis Davies POV

"Nandito ka lang pala Master, kanina pa kita hinahanap" may pag-aalalang saad ng aking estudyante.

"Kiro, sino ang babaeng iyon? "

"Isa po siya sa mga sugatan na naapektuhan ng pagsabog ng bomba sa may plaza, kaawa-awa nga siya Master. Dahil nasunog ang halos kalahati ng kaniyang katawan. Bakit niyo po naitanong Master?"

"Tingnan mong mabuti ang kaniyang mga paso at sugat," turo ko sa kaawa-awang dalaga na walang malay.

Nanlaki ang mga mata ni Kiro ng nakita niyang kusang humihilom ang sugat ng dalaga. Sino kaya ang dalagang ito? Kahanga-hanga ang kaniyang abilidad

"Master tingnan mo tuluyan ng nawala ang mga paso at sugat niya," pagkamangha niyang sinabi sa akin

"Sandali lang, Master. Pupuntahan ko lang ang tagapangalaga ng mga impormasyon ng mga pasyente at aalamin ko kung sino ang babaeng iyon." Pagkatapos niyang sabihin iyon ay kumaripas siya ng takbo patungo sa opisina ng tagapangalaga ng mga impormasyon.

Hindi na nakakapagtaka kung ganoon ang reaksiyon ni Kiro. Dahil bihira lamang ang mga taong na may malakas o maraming Mana sa katawan

Ma...Mama.....

Nilapitan ko ang dalaga ng mapansin kong may sinabi siya

"Iha? Gising ka na ba?" mahina kong tanong sa dalaga.

Pagkatapos kong sabihin iyon sa dalaga ay may nakita akong luha na dumadaloy sa kaniyang mga pisnge, hinawakan ko ang kaniyang kamay para damayan ang kaawa-awang dalaga ng biglang....

Mama~
Mama,banak mo rin naman ako ehh~
Ma, di ko rin naman ginustong mabuhay eh~
Ma, sinadya mo sinadya nyo ni papa na iwan ako~
JADE MADELYN!ANAK!~

"Master? Master? Ayos ka lang ba? Master? " bumalik ako sa reyalidad ng narinig ko ang boses ni Kiro.

"Oh Kiro, nariyan ka na pala," gulat kong saad.

"Kanina pa ako narito, Master. Sa katunayan kanina pa kita tinatawag. Ano po bang nangyari sa iyo Master?" tanong niya sa akin.

"Kiro, sino ang babaeng ito?" seryoso kong tanong sa kaniya.

"Ito po nakuha ko na po mga impormasyon tungkol sa kaniya," sabay abot ng mga papel sa akin.

"Kiro..."

"Bakit po, Master?"

"Siya ay magiging kapwa estudyante mo na simula ngayon..."

"Ano po?! Sandali, Master! Nagising na po ba siya ? Sinabi niya po bang gusto niyang maging estudyante niyo?" Sunod-sunod niyang tanong sa akin.

"Hindi," maikli kong sagot

"Huh?" Kunot noo niyang saad

"Nakapagdesisyon na ako. Gagawin ko siyang estudyante ko, kaya dalahin mo siya sa pamamahay ko." Utos ko sa kaniya.

"Sandali Master, dadalhin natin siya?! Master kailangan pa natin hingin ang permiso ng dalagang ito." May pag-aalala niyang saad.

"Ikaw na bahala sa kanya, Kiro. Sumunod ka na lang sa akin." Pagkatapos kong sabihin sa kanya ang utos ko ay umalis na na ako sa pamamagitan ng teleportation necklace.

"Teka Master! "

Kiro Cordell POV

Ano kayang meron sa babaeng ito at kinuha siya ni master bilang estudyante nang ganun lang kadali? Ako nga buwan ang inabot bago mapapayag si Master sa hiling ko na maging estudyante niya ako. Samantalang ang babaeng ito unang beses niya pa lamang nakita gusto niya na agad maging estudyante niya.

Reincarnated as the Lost Daughter of Marquess FamilyWhere stories live. Discover now