Chapter 7

193 11 2
                                    

Jade Madilyn

Mag tatakipsilim nang umuwi kami ni Kiro. Dahil hindi niya napaayos ang teleportation necklace ay kinailangan namin na bumili ng bago, mabuti na ay marami pa kaming natirang pera. Ang pera dito sa mundong ito ay mga ginto, pilak, at tanso na barya kaya nung una akong nakahawak ng pera sa mundong ito ay naloko ako. Dahil hindi ako marunong kung paano gamitin ang pera nila dito.


"Jade, anong pangalan ng pagkain na ito?" tanong ni Kiro sa akin dahil first time n'ya makita ang pagkain na niluto ko.

"Lumpiang Shanghai, karneng baboy at nga gulay ang laman n'yan. Tikman mo, masarap 'yan", sagot ko

"Lumpiang Shanghai?  Baboy ang laman nito? Paano nagkasiya ang karne ng baboy sa napakaliit na pambalot ng pagkain?" napakunot ang aking noo ng narinig ko ang tanong niya. Halatang wala siyang alam pagdating sa pagluluto.

"Kainin mo na lang, Kiro. Huwag ka ng magtanong" pinili ko na lang hindi sagutin ang tanong niya. Dahil kapag sinagot ko siya ay di na siya titigil kakatanong sa akin. Kumuha si Kiro ng isang piraso ng lumpia at tinikman, pagkatapos niyang tikman, nakita kong nag-iba ang ekspresiyon ng kaniyang mukha.

"Jade, ang sarap! Ngayon pa lamang ako nakatikim ng ganitong klaseng putahe!" kitang-kita ko ang pagkamangha sa kaniyang mata nang natikman niya ang lumpia.

"Ano ang ginagawa niyo?" napatingin kami parehas ni Kiro sa pintuan ng kusina at nakita ko si Master Lewis na may dalang mga papel at isang maliit na parihabang kahon.

"Master, tara kain po tayo" pagyaya ko sa kaniya.

Agad naman siyang umupo sa tapat ni Kiro upang kumain.Pagkatapos namin kumain ay hinugasan ko na ang mga pinagkainan namin nang natapos na akong mag-hugas ay nakita kong hindi pa rin umaalis si Master Lewis sa kaniyang upuan at nag-babasa lamang siya.

Kiro, ano ginagawa ni master? tumigil si Kiro sa pag-papalipad ng mga vase ng narinig niya akong nag-tanong gamit ang aking isip. Tumingin lamang siya sa akin itinaas ang kaniyang balikat at ibinaling niyang muli ang kaniyang atensiyon sa pag-papalipad ng mga vase.

"Master, bakit hindi pa po kayo bumabalik sa inyong silid?" tanong ko sa kaniya na nagbigay kunot sa kaniyang noo

"Bakit hindi na ba ako maaaring manatili rito? tanong niya sa akin

"Hindi naman po sa ganoon Master, nasanay lamang po ako na tuwing pagkatapos niyong kumain ay bumabalik na po kayo sa inyong silid" saad ko

"Hinintay lamang kitang matapos sa iyong ginagawa dahil may ibibigay ako sa inyo ni Kiro" agad naman napatigil sa pag-gamit ng kaniyang telekinesis si Kiro at lumapit sa amin.

"Ano po ba ang ibibigay sa n'yo sa amin?" tanong ko Kay master. Kinuha ni Master ang maliit na parihabang kahon na dala niya kanina. Binuksan niya ito at kinuha ang dalawang pendant na kulay lila.

"Ito ang nais kong ibigay sa inyo" inabot sa amin ni Master ang pendant at sumenyas sa amin na isuot ito. Pagkatapos ni Kiro isuot ang pendant ay tinulungan naman niya ako na isuot ang pendant ko nang nakita niya akong nahihirapan na isuot ito.

"Bakit niyo po kami binigyan nito Master?" tanong ni Kiro kay master.

"Ang kwintas na iyan ang tutulong sa inyo na maitago sa ibang tao ang Mana niyo" saad niya

"Bakit po namin kailangan itago?" kunot noo na tanong ni Kiro kay Master.

"Alam n'yo naman na kakaiba kayo sa ibang tao, hindi ba? Ginawa ko ito dahil sa susunod na buwan ay aalis na kayo upang pumunta sa Academy at wala ako para protektahan kayo. Maitatago ng kwintas ang totoong Mana niyo sa ibang tao. Ngunit hindi nyo maaaring ipakita sa ibang tao ang kwintas na iyan dahil malaman ng tao sa Academy na tinatago niyo ang Mana n'yo" paliwanag niya sa amin ni Kiro.

"Paano po nila malalaman Master?", tanong ko sa kaniya.

"kilala ang kwintas na katulad niyan sa mga mga aristokrat kaya malalaman nila" saad ni Kiro

"Master baka pinagbabawal naman po ang ganito sa Academy" saad ko habang nakatingin sa aking pendant.

"Maraming mga estudyante ang nakasuot na ganyan na kwintas dahil nais nila na maitago ang Mana nila" saad ni Kiro

Tumango na lamang ako sa sinabi ni Kiro."Master, hindi kaya pagbawalan nila ako pumasok sa academy?", pag-aalala kong tanong sa kaniya

"Huwag kang mag-alala ihá, hindi ka nila pagbabawalan. Pantay ang pakikitungo ng Zabini Academy sa mga estudyante. Ang tinatanggap lamang nila na mga estudyante ay ang mga nakakapasa sa kanilang pag-susulit, hindi sila basta-basta tumatanggap ng mga estudyante kahit ito'y nanggaling sa pamilya ng mga  aristokrat." paliwanag niya sa akin

Pagkatapos kaming kausapin ni Master ay umalis na siya para pumunta sa kaniyang opisina. Si Kiro naman ay kinuha ang kaniyang mga libro na binili ko sa kaniya at nagtungo sa kaniyang silid.

Naglalakad ako ngayon sa madilim na corridor patungo sa library. Dahil nabanggit ni Master na magkakaroon muna ng pag-susulit bago  makapasok sa academy kaya mag-rereview ako. Mahirap na baka bumagsak ako, baka ikahiya pa ako nila Master.

Habang naglalakad ako sa madilim na corridor dala-dala ang lampara na nagsisilbing liwanag para makita ko ang aking dadaanan. Ngunit bigla itong  nawalan ng ilaw dahil sa malakas na hangin, bigla kasing bumukas ang bintana kaya pumasok ang hangin.

Nilipad ang aking balabal palayo sa akin kaya mabilis kong tinungo kung saan ito nilipad baka kasi liparin na naman kapag biglang lumakas ang hangin agad ko itong kinuha mula sa kinalalagyan ng biglang bumukas ang lahat ng bintana at nabasag ang mga ito dulot ng malakas na hangin.

Nagulat ako sa mga nangyari at hindi ako nakaalis sa'king pwesto ang tanging nagawa ko lamang ay sumigaw dahil sa tumalsik sa akin ang bubòg ng mga nabasag na bintana na nagdulot sa'kin ng mga sugat. Mas lalo akong napasigaw ng sobrang lakas dahil may isang malaking bubòg ang bumaon sa aking tagiliran.

"Jade!"

Biglang huminto ang mga tumatalsik na bubòg na para bang huminto ang oras, hindi na ako nagkaroon ng pagkakataong tumingin sa taong tumawag sa akin. Dahil biglang lumabo ang aking paningin at unti-unti akong natumba. Ang huli kong nakita ay ang mga bubòg na nagkalat at ang dugo ko na unti unting kumakalat

[EDITED]

Reincarnated as the Lost Daughter of Marquess FamilyWhere stories live. Discover now