Chapter 11

142 9 2
                                    

"Pasensya na pero si Kiro ba ang pinag-uusapan nyong dalawa", aniya ng  babae na nasa likuran ko

Babae? Babae?! Agad akong tumingin sa babaeng nagtanong sa amin.

"Gi-gising ka na", nauutal na saad ni Vivian

"Kanina ka pa ba nariyan?" tanong ko sa kaniya

"Hindi kakarating ko lang"

"Mabuti naman", mahinang ko saad ngunit narinig pa rin niya ito.

"Mabuti? Bakit?" kunot noo niyang tanong

"Ah kasi baka masama pa ang iyong pakiramdam. Nag-aalala lamang si Lucas." palusot ni Vivian

"Ahh ganon ba— uhm, sino kayo?"

"Ako si Lucas Davies." Pagpapakilala ko sa kaniya sabay halik sa kaniyang kamay. Agad naman niya itong binawi sa pagkakahawak ko pagkatapos kong halikan.

"Ako naman si Vivian," masigla niyang pagpapakilala

"Jade!" Sigaw ni Kiro habang natakbo papunta sa amin."Bakit ka narito? Hindi ba't sinabi ko na sa'yo na huwag ka munang bumaba." pag-aalala niyang saad

"Nagugutom na kasi ako kaya bumaba na'ko."  tugon ni Jade

"Kung ganoon ay sumabay ka na sa'min kumain. Halika na, masamang magutom ang pasyente," pagyaya ni Vivian

Nauna ng pumunta si Vivian at Kiro upang kumuha ng makakain habang naiwan naman kaming dalawa ni Jade sa may lamesa. Tahimik lamang kaming nakaupo ni Jade ng dumating na si Kiro na may dala-dalang pagkain, dumiretso siya kay Jade at binigay ang pagkain.

Nanatiling tahimik ang paligid kahit dumating na si Kiro. Nakakailang na ang katahimikan na bumabalot sa buong  hapag-kainan at ang titig sa akin ni Kiro na tila handang pumatay.

Dumating si Vivian at binasag ang katahimikan na bumabalot sa silid.

"Young Master! Ito na ang pagkain mo!", sigaw niya habang mabilis na naglalakad patungo sa puwesto ko nang  bigla siyang matalisod sa sarili niyang paa.

"Ayy multong nangangabayo!" Hindi nahulog ang mga pagkain niyang dala-dala. Nanatili lamang sa ere na tila ba lumilipad. Agad na tumayo si Vivian at nanlaki ang mata dahil sa pagkamangha. "Lucas, ikaw ba ang may gawa nito?"

Umiling ako

Kumunot lamang ang kaniyang noo."Kung ganoon, sino?"

Ibinaling ko ang aking tingin kay Kiro at nakuha agad niya kung ano ang nais kong sabihin.

"Kiro, ilagay mo na yan sa mesa para makakain na sila." Utos ni Jade kay Kiro. Sinunod ni Kiro ang utos niya. Si Kiro susunod sa utos ng iba?!

Dahan-dahan naman lumipad ang mga plato patungo sa mesa at dahan-dahan bumaba. Lumapit si Vivian at kinuha ang kaniyang plato at dali-daling umupo sa gilid ni Kiro.

"Paano mo iyon nagawa?" tanong ni Vivian kay Kiro

"Telekinesis" maikli niyang sagot

Napapalakpak naman si Vivian dahil sa sagot ni Kiro. Bakit kailangan pumalakpak? Hindi naman ganoon kalakas ang telekinesis, tsk.

Nabaling ang tingin ko kay Kiro at nakita kong nakatingin siya sa akin habang nakangisi. Bakit ganiyan itsura niya? mukha siyang aso na nadudumi?

Bumalik ang kaniyang itsura na tila handang pumatay kaya binaling ko na lamang muli ang aking atensiyon kay Vivian na sarap-sarap sa kaniyang kinakain.

"‘Wag masyadong tumitig baka matunaw." saad ni Jade

Napatingin ako sa kaniya nang saglit at muling binaling ang tingin ko kay Vivian dahil hindi ko naman alam kung ano ba ang ibig sabihin ng kaniyang sinabi.

Jade Madilyn

"Ayoko ko ng mag paligoy-ligoy pa Jade. I want you to be my student." aniya ng matandang kasama ni Master Lewis.

Teka, sino ba siya? Bakit niya ko gustong gawin na estudyante n'ya? Anak ba siya ni Master? Kaya ba apelyido ni Lucas si Master kasi apo siya ni Master?

"He's Master Lewis' brother."  saad ni Kiro gamit ang kaniyang Telepathic ability."Teka, alam mo na kung gumamit ng telepathic communication"

"I'll tell you later."

"Kiro, stop distracting Jade," saad ni Master. Napalingon kaming lahat kay Master at napinta sa kanilang mukha ang pagtataka dahil sa sinabi ni Master.

So alam din ni Master?

"As I was saying, you can become a great Mage healer in our whole kingdom if you become my student and if that happens you can have an aristocratic title," tinuloy  na lamang ng kapatid ni Master Lewis ang sinasabi niya 

"Aristocratic title?" kunot noo kong tanong

"Ito ay isang gantimpala na binibigay ng Hari sa isang karaniwang tao kapag nakagawa siya ng isang malaking kontribusyon para sa buong kaharian." paliwanag ni Lucas sa akin

"So? Are you willing to be my student?"

"No, your offer is nice, but I am already my Master student."

"I already told you Luther. Now that she already declined your offer you can go back to your hospital now." saad ni Master Lewis

                  °°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°

Halata sa mukha ni Mr.Luther ang pagkadismaya niya. Dahil hindi ko tinanggap ang alok niya na maging estudyante n'ya.

Ayoko kasi na mag focus sa isang kapangyarihan lang. Marami akong Mana sa katawan ko kaya mas maganda kung makakaya kong makontrol ang mga iba't ibang kapangyarihan katulad ng avatar kaya n'yang kontrolin ang apat na elemento.

Lumapit sa'kin si Kiro. "Avatar? Ano iyon?"

Hinarap ko siya at sinamaan ng tingin. "Pwede ba 'wag mong pakinggan ang iniisip ko."

"Hindi ko pinapakinggan naririnig ko lang."

Tsk, nag-palusot pa. May paraan naman para hindi marinig iniisip ko.

"Hindi ako nagpapalusot. Tsaka, ano ang sinasabi mo may paraan para hindi ko marinig ang iniisip mo?"

"Wala naman akong sinasabi ah.." pang-iinis ko sa kaniya

"You just said it."

"Hindi ko sinabi, inisip ko yon."

"Pilisopo."

"Pilisopa, babae ako." I can see clearly the annoyance in his deep ocean blue eyes.

"Tsk." magwawalk out na sana siya ng biglang tawagin kami ni Master.

"Kiro, Jade, sumunod kayo sa akin"

[EDITED]

Reincarnated as the Lost Daughter of Marquess FamilyWhere stories live. Discover now