Kiro Cordell
Tatlong buwan na ang nakalipas ng kuhain ni Master si Jade upang maging estudyante niya. Maraming nangyari sa loob lamang ng tatlong buwan, sariwa pa ang mga ala-ala ko kung paano nahirapan si Jade na kontrolin ang Mana n'ya...
Flashback~
"Master!" Takot na takot na sigaw ni Jade
"Kontrolin mo nang mabuti ang kapangyarihan mo Jade!" sigaw ni Master kay Jade dahil ngayon ay nasa taas na bubong ng mansion si Jade dahil sa paggamit niya ng kanyang kapangyarihan
"Master, hindi ko alam kung paano!"
"Jade, makinig ka nang mabuti isipin mo na tinutulungan ka ng hangin para makababa ka !" Sigaw ni master
"Pero Master!"
"Gawin mo na lang ang sinabi ko Jade!"
Pinikit niya ang kanyang mga mata at ginawa ang sinabi ni Master.
"Jade, ipagpatuloy mo lamang ang iyong ginagawa malapit ka nang makababa!"
"Talaga!" Binuksan niya ang kaniyang mga mata upang tingnan kung totoo ba ang sinabi ni Master. Ngunit sa kasamaang palad ay nawala siya sa konsentrasyon at biglang-
"Master tulong!"
"Jade imulat mo ang mga mata mo" saad ni Master kay Jade habang parehas silang nakalutang sa ere ni Jade
"Ayoko master baka mahulog ulit ako..."
"Jade kaylangan mong alisin ang takot na nararamdaman mo upang makontrol mo ng maayos ang iyong kapangyarihan. Padaluyin mo ng mabuti ang mana sa iyong katawan katulad ng pagdaloy ng iyong dugo, kapag tumigil ang pagdaloy ng dugo ay maaaring kang mamatay ganoon din ang maaaring mangyari sa iyo kapag hindi mo makontrol ang iyong kapangyarihan." hiniwakan ni Master ang kamay ni Jade upang nawala ang takot na nararamdaman ni Jade
"Master wag mo po akong bibitawan" sabay hawak ng mahigpit sa kamay ni Master
"Wag ka mag-alala hindi kita bibitawan kaya buksan mo na ang iyong mga mata"
Dahan-dahang binuksan ni Jade ang Kanyang mga mata
"Master nagawa ko na!" Nakakalipad na ko!
"Iha, bibitawan na kita kailangan mo ng lumipad mag-isa"
"Master, wag! Baka mahulog ulit ako"
"Jade magtiwala ka sa sarili mo" dahan-dahang binitawan ni Master ang kaniyang kamay at bumaba habang siya'y nanatiling nasa ere. Dahan-dahang bumaba si Jade na nagbigay ng ngiti sa aming dalawa ni Master Lewis
"Jade nagagawa mo na!" sigaw ko sa kaniya upang ipakita ang aking pagsuporta
"Master nagawa ko! Master nakababa ako ng hindi man lang nililipad sa iba't ibang parte ng lugar! nagawa ko Master!" naiiyak niyang saad
"Bakit ka naiiyak?" Tanong ko sa kaniya
"Tears of joy ito"
"Akala ko naiiyak ka kasi akala mo di kana makaaalis doon sa taas"
"Isa na rin yon sa dahilan...."
End of Flashback ~
Jade Madelyn's POV
Oras na para magpahinga ako, kagagaling ko lang sa training ko sa katunayan nahihirapan talaga ako ng sobra. Every time that I will manipulate the earth ay sumasakit ang katawan ko. Dahil ramdam ko rin ang bigat ng lupa. Dahil sa bigat ng lupa ay hindi dumadaloy ng maayos ang aking Mana.
![](https://img.wattpad.com/cover/325839154-288-k970637.jpg)
YOU ARE READING
Reincarnated as the Lost Daughter of Marquess Family
FantasyTagLish Currently in Hiatus [Photo is not mine. Credit to the rightful owner]