Jade Madilyn
I'm currently in the yard of the mansion, practicing to control the earth, while Al is under the tree, reading his book.
I bend my one knee touching the ground. Ipinikit ko ang aking mata upang damhin ang aking mana. Itinaas ko ang aking kanang kamay at ibinagsag sa lupa ang kamao ko, "Aray!" napahiga ako sa lupa dahil sa sakit ng kamay ko.
While I'm blowing my knuckles, I noticed Al ran and went to me.
"What are you doing, Ate?" saad n'ya gamit ang telepathy.
"Sinubukan ko kasing biyakin ang lupa." saad ko
"Did you not read the book about controlling the earth? " he asked
"I've read it but—"
"But you did not read it all?" putol n'ya sa akin.
Napatango na lamang ako kasi totoo naman, nang makita ko kasi yung tungkol sa pagbiyak ng lupa ay binasa ko agad pero hindi yung ibang nakalagay.
"Nakasaad na sa libro lahat ng kailangan mong gawin, Ate. It's a procedural book of how to control the element of earth. Hindi maaari na babasahin mo lang ang pupukaw sa atensiyon mo." aniya habang nakakibit balikat.
Napayuko na lamang ako dahil sa hiya. Ako ang mas matanda sa aming dalawa pero ako ang sinesermonan.
"Jade, bakit ka nakahiga sa lupa?" nanlaki ang mata ko ng marinig ko ang boses ni Master.
Dali-dali akong tumayo at pinagpagan ang dumi sa aking kasuotan. "Natumba lang po, Master." saad ko
"Sila ba ang tuturuan ko, Professor Lewis?"
Napansin ko na may kasamang lalaki si Master. Tumingin ako kay Al at mukhang nakuha naman n'ya ang gusto kong itanong. Tinaas n'ya lang ang kaniyang dalawang balikat.
"Magnus, silang dalawa ang aking estudyante. Ito si Kiro at Jade." Ipinakilala kami ni Master sa kaniyang kasama.
"Ako si Magnus, ang magtuturo sa inyo ng konting kaalaman tungkol sa pakikipaglaban." saad niya.
Kaalaman tungkol sa pakikipaglaban? Ahh, s'ya ang self-defense teacher namin.
He gave his greetings to us by bowing and I was surprised when he kissed the back of my hand. Sa aking pagkakaalam ginagawa lang iyon ng mga mahaharlika.
"Commoners also do that, Ate."
Napangiti ako ng hilaw dahil sa ginawa niya. Kahit noong past life ko walang humalik sa kamay ko kaya nagulat ako nang ginawa n'ya iyon.
"Dito siya mananatli sa aking mansion kaya linisin n'yo ang kaniyang gagamitin na kwarto." utos sa'min ni Master.
Al and I just nodded, we gave a big bow to them before they leave.
"Nakaalis na sila, Ate." aniya
Agad kong inangat ang aking ulo at tiningnan siya. "Pagod na nga ang katawan ko tapos maglilinis pa." saad ko
"Halika na, mapapagalitan tayo ni Master kapag hindi natin binilisan." saad niya sabay hila sa akin papunta sa mansion.
Naglinis kami ng silid na tutuluyan ng aming magiging guro. Inaayos na rin namin ang kaniyang mga gamit, habang nag-aayos may nakita akong armas.

YOU ARE READING
Reincarnated as the Lost Daughter of Marquess Family
FantasyTagLish Currently in Hiatus [Photo is not mine. Credit to the rightful owner]