Chapter 12

126 9 0
                                    

"Kiro, Jade sumunod kayo sa akin"

Sinundan namin si Master patungo sa library kung saan una ko silang nakita.

"Uy Kiro, galit ka pa?"

"Quite."

"Pikunin ka pala eh. ‘Wag ka na magalit lulutuan na lang kita ng adobo mamaya"

"Tsk, I don't want that, you slept for two days and all the food that I ate during those two days was all oily." reklamo niya sa'kin

"Then I'll just cook something else for you."

"Kiro, I told you stop using your telepathy." saad ni Master kaya biglang natigil ang telepathic communication namin.

"Teka Master, paano n'yo po nalaman na ginagamit niya ang telepathy?" kunot noo kong tanong.

"I thought you're reading the books in my library"

"Nagbabasa naman po ako Master, baka wala lang po sa libro..." palusot ko

"Ang libro pa ang sinisi mo. Ang sabihin mo pinipili mo, yung mga maninipis na libro lang ang kinuha mo kasi tinatamad ka magbasa," saad ni Kiro

"Hoy, nagbabasa din ako ng mga makakapal ni libro."

"Kasinungalingan, tinitingnan mo lang naman ang mga nakalagay na litrato." pang-iinis niyang saad

"Papansin ka." I said with a glare.

"Tama na yan." madiing saad ni Master. Ngiting tagumpay naman ang loko. Kainis talo ako.

Napatingin naman ako kay Kiro na nakangisi. Gaganti ako. Nasaktan pride ko ehh.

"Iyan na iyong mga kagamitan na inyong gagamitin sa pasukan," sabay turo ni Master sa malaking lamesa kung saan nakalagay ang mga libro, notebook, ballpen, lapis, bag, sapatos at uniform namin.

Lumapit kaming dalawa ni Kiro sa lamesa at tiningnan ang mga kagamitan namin. Maganda ang mga kagamitan pero...

"Master, bakit po transparent ang mga kwaderno namin tsaka po yung ballpen at bag?"

"Ganiyan iyan dahil importante ang imahinasyon sa pagiging Mage. Kayo ang bahalang mag-isip ng sariling disenyo ng inyong kagamitan"

"Kung ganoon pipintahan ko na lang ang akin," saad ni Kiro

Napatawa naman ng mahina si Master dahil sa sinabi ni Kiro. Napakunot naman kami ni Kiro ng noo dahil di namin alam kung ano ba ang tinatawanan ni Master. Nasisiraan na ba si Master.

"Jade."

"Joke lang, ito naman di-mabiro."

"Hindi niyo kailangan pintahan ang inyong kagamitan. Kailangan niyo lamang isipin ang disenyong nais niyo at hawakan ang inyong kagamitan at isipin ang nais niyong disenyo pagkatapos ay magkakaroon na ng disenyo ang inyong mga kagamitan," paliwanag ni Master sa amin

Ginawa namin ni Kiro ang sinabi ni Master at namangha ako sa aking nakita dahil naging kulay itim ang aming bag at biglang may gumuhit na mga disenyo.

Ang bag ni Kiro ay kulay itim at may kulay ginto na mapa ang akin naman ay galaxy. Tuwang-tuwa si Kiro kaya nilagyan na rin niya ng disenyo ang ibang niyang mga kagamitan.

Nakita ko ang aming uniform kaya kinuha ko ito. Kulay maroon ito at may blazer na rin. Mahaba ang palda at hindi naman masyadong kataasan ang heels ng sapatos.

"Master," tawag ko sa kaniya

"Bakit may problema ba Jade?"

"Master, bakit sampu ang nakalagay na numero sa libro ni Kiro at ang akin ay labing-dalawa? Ayun po ba ang section namin?"

Reincarnated as the Lost Daughter of Marquess FamilyWhere stories live. Discover now