"Hija,mabuti at nagkita at nagkakilal na tayo!'wika ng medyo sumiglang Donya.
"Ako din po,madami nga na ikinuwento si Levy sa akin eh! Diba,sweetheart?"wika ni Giana..binalingan ang lalaking tagapakinig lang..
"Ha! A,oo! Oo!'nagulat si Levy....agad naman kasi birada itong si Giana.
'Naku,ang sweet naman ng tawagan nyo!"nakangiting wika ng Donya.
'Naku,sadya po kaming ganyan na dalawa ng sweetheart ko!'nakangiting wika ni Giana.
Napapailing ng lihim si Levy..magaling umarte ang babae...at kitang kita nya na napapaniwala nito ang kanyang Mama..
"Hija,ano nga pala ang pinagkakaabalahan mo? Ang trabaho mo?'tanong ng matanda.
Hindi muna nakasagot si Giana..tiningnan nya si Levy..umiwas ito ng tingin sa kanya...."unggoy ka! Iniiwan mo ako sa ere!'wika ng isip ng dalaga.
"Tindera po sa palengke!"walang halong kasinungalingan na wika ni Giana.
Gulat naman ang Donya..hindi ito nakapagsalita agad...tiningnan ang anak...
Si Levy naman..nasipat na yata nya ang buong kwarto..ayaw nyang magtama ang tingin nila ng kanyang Mama.."ikaw talagang babae ka,simula pa lang palpak na!"inis na wika ng utak ng binata.
'Maam,sa larangan po ba ng pag-ibig ay may pamantayan? Lalong lalo na sa estado sa buhay?"tanong ni Giana.
Hindi umimik ang Donya.nakikinig ito sagustong sabihin ng dalaga.
"Hindi po ako nahihiyang naging tidera ako. Dahil isa po yang marangal na trabaho. Kung nakakahiya po ang katulad ko,siguro mas nakakahiya ang mga taong nangmamata sa mga katulad kong maliliit!"sabi ni Giana...wari nya ay hindi basta pag-arte ang lahat ng sinasabi nya...dahil yun ang talagang nasa loob nya..para sa mga mayayaman na nangmamata sa katulad nyang mahirap.
"Kung hindi nyo po gustong mahaluan ng mababang uri ang pamilya nyo,hindi ho ako magpipilit! Ngunit hindi ko din ho mapipigilan ang tibok ng aking puso. Pagmamahal lang sa anak nyo ang tangi kong maipagmamalaki!"wika pa ni Giana....'charot""dugtong ng isip nya.
Hindi naman umimik ang Donya..bagkus ay ngumiti..inilahad ang kamay sa harapan ng dalaga..
Inabot naman iyon ni Giana..ramdam nanaman nya ang init ng palad ng Donya...na nakapagbibigay ng katiwasayan sa kanyang kalooban..
"Welcome ka sa pamilya,Hija! Ang tulad mo ang hiniling ko na matagpuan ng aking anak!'wika ng nakangiting donya..humanga agad s'ya sa dalaga....bakas ang tapang nito..may paninindigan..at ramdam nyang mahal nito ang kanyang anak.
"Naman! Akala ko aayawan na ako!'wika ng isip ni Giana.tumingin kay Levy..bahagyang pinalaki ang mga mata..
"Salamat po! Hindi po kayo magsisisi!'wika naman ni Giana....bunga ng itinitibok ng puso..niyakap nito ang Donya..ramdam nya ang init ng katawan nito..wari ay katulad ng sa kanyang namayapang ina...
Nakatingin lang naman si Levy...humanga s'ya sa galing ng arte ni Giana...nakahinga s'ya ng maluwag..dahil tagumpay ang kanilang plano..
...
Inihatid ni Levy si Giana sa lugar nito...
"Best actress ah!'puri ng binata kay Giana.
"Oo,alam ko! Ikaw,tanging audience lang!"singhal ni Giana.
"Aba! Ikaw ang dapat na gumawa niyon!"sabi naman ni Levy.
"Tulungan tayo,diba? Kung makapagpaalala ka sa akin,wagas! Yun pala! Ikaw ang patanga-tanga!'wika naman ni Giana.
"Aba! Nasobra kana ha!'wika ng inis na din si Levy.
'Bakit,anong nagung share mo kanina ha? Wala diba! Kundi audience! Audience! Audience!'wika pa ni Giana.
"Ikaw ha,magtigil kana!'pikon na si Levy.
"Ikaw ang umayos ha! Kapag tayo nabuking! Malilintikan ka sa akin!'wika ni Giana..sabay irap..at saka lumakad papasok ng eskinita.
Napakuyom naman ang kamao ni Levy.talagang matutuyuan na s'ya sa babaeng iyon..pabalagbag na isinara ang pinto ng kotse..at saka pinaharurot ang kanyang sasakyan..dala ang matinding inis sa dalaga.
..
Pumasok si Giana sa kanilang maliit na bahay..tamang tama at kumpleto silang lahat na nadatnan nya...
"May gusto akong sabihin sa inyong lahay!'wika ng kinakabahang si Giana.
"Ano yun,ate?"tanong ng kapatid ng dalaga.
'Lilipat na tayo ng bahay! Sa mas malaki at mas maganda!"wika ni Giana.
"Talaga,Ate!"natutuwang wika ng mga kapatid ni Giana...
Marahang tumango ang dalaga..
"Hindi tayo aalis dito!'wika ng kanilang Tatay.
Napatingin si Giana sa ama..alam nyang nandito ang alaala ng kanilang ina...ngunit panahon na para magkaroon ng panibagong buhay ang lahat...nilapitan nya ang ama at hinawakan ang kamay.
"Tay,naiintindihan kita! Pero kailangan nating magsimula ng baging buhay. Hindi lang para sa atin,kundi sa buong pamilya!'wika ni Giana.
"Walang aalis!'matigas na wika ng Tatay.
"Tay,tingnan nyo po ang mga bata! Kailangan nila ng maayos na paligid! Pamumuhay! At sa atin nakasalalay iyon!'wika pa ni Giana..pinisil ang kamay ng ama.
Tumingin naman ang Tatay..kitang kita nito ang kaitsurahan ng mga bata...huminga ito ng malalim..ngunit hindi nagsalita.
Alam na ni Giana ang sagot ng kanyang Tatay..at napangiti s'ya...gusto nitong subukan ang panibagong buhay..aalis man sila sa bahay na iyon..ngunit ang alaala ng kanilang ina ay mananatili sakanilang mga puso.
"Ate,saan tayo lilipat?'tanong ng kapatid
"Malalaman nyo bukas!'nakangiting wika ni Giana...bagong bahay..bagong buhay!!,