Kinabukasan..nagpunta na naman si Zack sa bahay nina Giana..
"Giana,eto o bumili ako ng mga prutas para sa'yo."wika ni Zack...ipinaglalabas pa ang mga pinamili.
"Salamat ha!'sab ni Giana...natutuwa s'ya dahil maalaga at maalalahanin ito.
"Walang problema,ikaw pa! Teka o,kainin mo!'wika ni Zack..isinubo ang piraso ng apple na kanyang binalatan...kinain naman iyon ni Giana.
"Dapat kumain ka ng masusustansyang pagkain,para maging malusog ang baby."sabi pa ni Zack.
Ngumiti ulit si Giana..alam n'yang hindi s'ya magsisisi kung tatanggapin n'ya ang alok ni Zack.
"Wag ka pati magpapagod ha! At wag kang mag-isip ng kung ano-ano,isipin mo lang ang baby mo.'sabi pa ni Zack..patuloy sa pagbabalat ng apple para kay Gian.
"Zack,tinatanggap ko na ang alok mo na KASAL!'wika ni Giana..alam n'yang hindi s'ya magsisisi....napakabuting tao ni Zack.
"Ha!.'gulat na reaksyon ni Zack...ngunit ng rumehistro sa kanya ang sinabi ni Giana..nagtatalon ito sa tuwa.
"Talaga! Wala ng bawian ha!'tuwang-tuwang wika ni Zack.
Tumango naman si Giana...at saka ngumiti ng kimi.
'Hindi ka magsisisi na tanggapin ako sa buhay n'yong mag-ina. Magiging mabuti akong asawa at ama sa inyo."sabi ni Zack..hinawakan pa ang dalawang kamay ni Giana...
Ngumiti si Giana..ngunit hindi man lang umabot hanggang mata ang kanyang kaligayahan...may kulang..at alam n'ya kung sino ang makapagpupuno ng kakulangang iyon...
"Aayusin na natin agad ang kasal ha! Para bago lumaki ang tiyan mo,kasal na tayo."sabi pa ni Zack.
'Ikaw na ang bahala!'nasabi na lang ni Giana..
"Ok,papupuntahin ko na dito sina Mama. Wag kang mag-alala,mababait sila at alam kong magugustuhan ka nila."masayang-masayang sabi ni Zack.
Tumango lang si Giana...nagpatianod sa gusto ni Zack..
.....
Agad ngang nagpunta ang mga magulang ni Zack sa bahay nina Giana..at tama nga..mababait ang mga ito..ramdam ni Giana na tanggap s'ya ng mga ito..maging ang kanyang buong pamilya...
Di nagtagal..inayos na din ang kasal ng dalawa..at ang pamilya ni Zack ang gagastos ng lahat..lara sa kakailangang para sa kasal nila ni Zack..
"I'm so happy na makakasama na kita habang buhay."sabi ni Zack...magkasama sila noon ni Giana.namimili ng pang-give aways para sa kanilang kasal.
"Salamat ha! Sa pagtanggap mo sa akin,sa pagmamahal mo sa akin."sabi naman ni Giana.
'Mahal na mahal kasi kita! Ang lahat ng makapagpapasaya sa'yo ay gagawin ko."wika naman ni Zack.
Ngumiti si Giana.alam n'yang hindi magtatagal ay makakapasok na din sa kanyang puso ang mapapangasawa.
Unti-unti...habang kumilipas ang mga araw..palapit ng palapit ang kasal nina Giana at Zack...nandun ang isang bahagi sa puso ni Giana..wari ay tumututol..ngunit pinanaig n'ya ang sinasabi ng kanyang isipan..ang ituloy ang kasalan..
Hindi nagtagal..dumating ang araw ng kasal nina Giana at Zack..isang napakagandang gown ang suot ni Giana..at syempre..isang napakagandang bride din nito..ngunit hindi mo makikita sa mga mata nito ang lubos na kaligayahan...bagkus..mababanaag ang kalungkutan..lu gkot dahil tuluyan na silang magkakahiwalay ng lalaking s'yang itinitibok ng kanyang puso.
TANTANTANAN
TANTANTANAN
TANTANTANAN
Musika na s'yang hudyat upang magsimula ng mag martsa ang mga abay...maya-maya lamang..nagsisimula na ding maglakad sa gitna ng simbahan ang bride...si Giana..
Nagniningning ang mga mata ni Zack habang pinagmamasdan ang babaeng pinakamamahal...anuman ang mangyari..natitiyak n'ya na sila na ang magkakasama hanggang sa huli..maaaring hindi pa s'ya nito mahal..ngunit gagawin n'ya ang lahat upang mahalin s'ya nito..higit sa naramdaman nitong pagmamahal para kay Levy..
Si Giana habang naglalakad..iisang tao lang ang iniisip n'yang dadatnan sa harap ng altar na naghihintay sa kanya....at walng iba kundi si Levy..ngunit maya-maya lamang ay naipilig n'ya ang kanyang ulo..unfair na s'yang masyado..si Zack ang papakasalan n'ya..ngunit si Levy ang nasaisipan n'ya..huminga ng malalim si Giana....saka itinuloy ang paglalakad papunta sa harap ni Zack..
Samantala....
Kakagising lang noon ni Levy...lasing na naman ito kagabi...at eto nga...kabababa lang eh alak na naman ang hawak.
"Morning,Ma!'bati ni Levy sa Mama..hinalikan muna ito sa Noo..saka umalis..magtatago sa ina para hindi makita na muli na naman s'yang iinom..eh agang aga pa..
Lumabas si Levy.nagpunta sa garden..at doon ay sinimulang inumin ang bote ng alak na kanyang dala-dala..
Napahinga ng malalim ang Mama..iiling-iling....wala na itong nagawa..kundi ang tumayo sa kinauupuang wheelchair..naglakad papunta sa garden upang sundan ang anak na nag-iinom na naman.
Nang makarating sa garden..pahampas nitong inilapag sa table ang hawak na brown envelope..
"Ma!?'gulat na tanong ni Levy..magaling na ang Mama n'ya?..kailan pa?..
"Magaling kana?"napatayong tanong ni Levy..
"Obvious ba?'may galit sa tinig ng matanda.
'Kailan pa?"gulat talaga si Levy...
'Wag kanang maraming tanong! Tingnan mo ang laman ng envelope na yan."sabi ng Mama.
"Ano ito? Anong laman ng envelope na ito?'kunot noong tanong ni Levy...