CHAPTER 1:

16.1K 152 0
                                    

"Hi!"masayang bati ni Chloe sa nobyong si Levy.

"Hi!'masayang bati din ni Levy sa nobya..

"Kanina kapa?'tanong ni Chloe sa nobyo..saka binigyan ng halik sa pisngi ang nobyo.

"Yeah! Late kana naman!'may himig tampo sa tinig ni Levy.

"I'm really sorry! Kailangan ko pang magtago. Alam mo naman na hindi ako pedeng lumabas ng basta. Sorry na,please!'wika ni Chloe..inihilig pa ang ulo sa dibdib ng nobyo.

"Ok! Forgiven! Kiss muna!'nakangiting wika ni Levy.

Hinalikan naman ni Chloe ang nobyo..ganito sila lagi....isang sikat na modelo si Chloe...at ang relasyon nila ni Levy ay tago sa lahat...hindi dahil sa nahihiya s'ya na totoo sa nararamdaman para sa nobyo..mahal nya ito..ang problema..kapag nalaman ng lahat..lalo na ng kanyang mga fans ang tungkol sa kanyang relasyon sa binata..malamang ay maging hadlang iyon para sa pinapangarap na tagumpay....

Ayaw nyang masayang ang lahat ng kanyang pinaghirapan..lalo na ang mga fans.karamihan ay mga selosa....ayaw nyang magkaroon ng problema...mabuti na lamang at nakapa-understanding ni Levy..sa lahat ng bagay..kaya nga mahal na mahal nya ito.

Napakasupportive..maaalalahanin...as in ang lahat ng katangian ay nasa kanyang nobyo na...wala na s'yang mahihiling pa..isa na lang...ang matupad ang kanyang pinapangarap...ang lubusang maging sikat at kinikilalang modelo..hindi lang ng bansa..maging sa ibang bansa din...

"Oh,ok na ba yang kiss ko!'may paglalambing na wika ni Chloe.

"Hmmmm! Kulang pa!'sabi naman ni Levy..siniil ang mapupulang labi ng nobya...

Si Levy ay isang Engineer....actually..sikat na Engineer..killa na s'ya sa larangan ng pagpapatayo ng bahay..villa..kahit mga naglalakihang building...marangya din naman ang pamumuhay ng binata...ang pamilya nito..ngunit mas ninais nyang tumayo sa sariling mga paa..para patunayan ang kanyang kakayahan..

Hanggang sa makilala nya si Chloe..nagsisimula pa lang itong modelo..agad ay nahulog ang loob nya dito..ngunit ang relasyon nila ay patago..dahil na din sa iniingatan nitong pangalan..lalo na ngayon..umaangat na talaga ang pangalan nito...nahihirapan s'ya sa sitwasyon nila..pero mahal nya ito..kaya imbis na magreklamo s'ya..iniintindi na lang nya..dahil ang kaligayahan nito..ay kaligayahan na din nya...

Lihim nga lagi ang pagkikita nilang dalawa..may lugar silang sadyang sila lang ang nakakaalam na dalawa...mabibilang pa sa patak ng ulan ang pagkikita nila..masyado ng hectic ang schedule ng kanyang nobya...

Humihingal na naghiwalay ang labi ng dalawa...hanggang doon lang naman sila..si Levy ang nagtitimpi...mahal nya ang nobya kaya iginagalang nya...hindi s'ya nahingi ng lampas sa halikan..sapat na iyon sa kanya.

"Ok na ba un?'nakangiting tanong ni Chloe.

"Parang kulang pa yata!'tumatawang wika ni Levy..

"Ikaw talaga!'wika ni Chloe..hinampas pa sa braso ang pilyong nobyo.

"Pero,teka! Nagseselos ako sa mga nalilink sa'yo!'nakangusong wika ni Levy.

'Link nga lang eh! Dahil my one and only na ako!'sabi naman ni Chloe.

'Sino naman yun?'kay lawak ng ngiti ni Levy.

'Asus! Di pala alam,s'ya hahalikan ko na lang!'sabi naman ni Chloe..siniil muli ng halik ang nobyo..muli ay pinagsaluhan ila ang makahugot hiningang halik.

"Wait! May ibibigay ako sa'yo!'sabi ni Levy..may kinuha sa kanyang bulsa.

"Tadaa!'kunwari ay pabulaga na wika ni Levy..inilabas ang isang kwintas...at isinuot sa leeg ng nobya.

"Ahhh! Ang ganda naman!'touch na wika ni Chloe.

"Syempre!'wika ng binata...hinawakan ang kwintas...binuksan ang palawit na puso niyon..

"Sa loob ng palawit na pusong ito. Nakapaloob ang litrato ng dalawang taong habang buhay na magmamahalan! At yan ay pangako na dapat na maisakatuparan!'wika naman ni Levy.

"Pinapangako ko po. Oras na matapos ko ang kontratang pinirmahan ko! Ang lalaking nasa larawan ay akin nang pakakasalan!'wika naman ng nakangiting si Chloe..

"At bago dumating ang time na iyon,sisiguraduhin kong igagawa kita ng bahay! Na s'yang magsisilbi nating silungan sa habang buhay nating pagsasama."wika naman ni Levy...

Muli..nagsanib ang kanilang mga labi..maalab..ngunit nandoon ang pag-iingat..paggalang..at pagmamahal..

LET THE LOVE BEGIN By: Reinarose (Book 1) (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon