CHAPTER 29:

3.8K 86 0
                                    

"Good morning!'anas ni Levy..habang nakatapat ang labi nito sa tenga ng natutulog pang si Giana..matapos bulungan ang asawa..sinimulan nitong halikan ang mukha nito(wag na magmumog....)...

Ang tulog na si Giana ay unti-unting nagigising..sumusuot ang kakaibang kiliti sa kanyang kalamnan.

"Hmmm."pupungas pungas na wika ni Giana..

"Morning!'bulong ulit ni Levy..

Ngumiti si Giana..naalala ang nangyari kagabi lamang..ang masuyo nitong pag-angkin sa kanyang pagkababae ....na kusang loob nyang ibinigay..wala s'yang naramdamang pagsisisi man lang...mahal nya ito..mahal na mahal..

"Wake up,Sweetheart!'panggigising pa ni Levy.

"I'm awake!'tugon ng nakangiting si Giana..sabay mulat ng kanyang mga mata..

"Kamusta?'agad ay tanong ni Levy..

"Hmmmppp! PAWISAN!'nakangiting biro ni Giana.

"Let's make excercise! Wanna join?"pilyong tanong ni Levy.

"GORA NA!"sagot ni Giana..

Natatawang sinimulan ni Levy ang excercise at PAGPAPAPAWIS ng umagang iyon....MABWENAS na umaga para sa dalawa..

Matapos ng ilang ROUND ding iyon..sabay na bumaba ang dalawa para sa kanilang almusal...habang nakaakbay pa si Levy kay Giana...at nakanta..

LALALALALA
LALALALALA
LALALALALA
LALALALALA

DOBIDOBIDO

AHHHHHH

Kanta ni Levy habang pababa sila ng hagdan..na sinasabayan pa ng sipol..halatang masayang masaya..

'Morning,Ma!'bati ng mag-asawa sa Mama na nasa hapagkainan na.

"Morning mga anak!'ganting bati ng Mama.

"Ma mamaya pag-uwi ko. May gusto akong sabihin sa inyong dalawa!'wika ni Levy..

'Ano naman iyon?'tanong ng Mama.

'Basta Ma. Matutuwa kayong dalawa."sagot ni Levy..dahil may isang bagay s'yang gustong gawin...yun ay ang ALUKIN muli ng KASAL si Giana..at totoong kasal na..ngayong may nangyari na sa kanila..at napatunayan nyang mahal s'ya nito..at mahal na mahal din nya ito..hindi na nya hahayaan pang magkahiwalay silang dalawa....

"Sorpresa pa ha!"sabi ng Mama.

"Syempre! Para ito sa asawa ko. Kaya gusto kong kaharap ka Ma."sabi ni Levy..at tiningnan ng makahulugan si Giana.

'Ano yun?'ungot naman ni Giana.

'Sorpresa nga eh!"sabi ni Levy..pinisil pa ng bahagya ang ilong ng asawa..

Hindi na nagpilit pa ang dalawang babae..pero nandun ang excitement sa kanilang kalooban..kung ano ang sorpresa ni Levy para kay Giana.

Matapos mag-almusal..inihatid na ni Ldvy ang asawa sa Unibersidada..dahil gusto nyang magpunta sa isang jewellery shop..para tumingin ng singsing na ipampoprose sa asawa...

Madaming magagandang singsing ang nakita ni Levy..ngunit pinili nya ang singsing na may diamanteng bato..sinipat niya iyon..at talagag nagustuhan nya...kaya agad ay binili iyon..gaano man kamahal..wala s'yang pakialam..dahil walang bagay na makapapantay sa pagmamahal n'ya para sa asawa...kaya ibibigay n'ya anoman ang gusto nito..

Masayang nagtrabaho si Levy..excited na s'ya para sa kanyang sorpresa..nang oras na ng uwian ni Giana....agad ay sinundo ito ni Levy...hindi na s'ya mapakali pa.....excited na s'ya sa gagawing pagpopropose kay Giana..

"Ano yung surprise mo?'kulit ni Giana kay Levy..papasok na sila sa loob ng mansyon.

'Mamaya,konti na lang at malalaman mo na!"tugon naman ni Levy.

'Kanina pa ako nag-iisip ano yun eh!'sabi naman ni Giana.

"Ikaw talaga!'sabi ni Levy..nakangiting napatingin sa salas..ang hindi nito alam..may bisitang kanina pa naghihintay dito..

Bisita na hindi nya inaasahan pang makikita...bisita na magdudulot ng malaking pagsubok sa pagmamahalan nina Levy at Giana..

Ang ngiti na nakapaskil sa mga labi ni Levy ay unti-unting nawala..napatitig sa bisitang kaharap ngayon ng kanyang Mama..sunod-sunod ang lunok na kanyang ginawa..anong ginagawa nito sa mansyon??ano ang kailangan nito?.

Nakita nya ang mukha ng kanyang Mama....wari ay sersoyo ito..at hindi pa nya nakitang ganoon ang itsura ng mukha nito..hindi nya maintindihan ang ibig ipakahulugan ng mga titig na iyon ng kanyang Mama.

"Hi!'nakangiting bati ng bisita ni Levy...

LET THE LOVE BEGIN By: Reinarose (Book 1) (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon