CHAPTER 9:

3.9K 86 1
                                    

Agad na dinala ni Levy si Giana sa isang mall..ibibili na lang nya ito ng maisusuot...

"Ano naman ang ginagawa natin dito?"tanong ni Giana.

'Maghahanap ng unggoy!'sa inis ay nawika ni Levy..alam na mall..magtatanong pa.

'Wag na! Nndyan ka naman eh!'ganting pang-aasar ni Giana.

Naiinis na talaga si Levy..bakit pagdating sa babaeng ito eh naiksi yata ang pisi nya..hindi na nagsalita pa ang binata...pumasok ito sa isang stall na para sa mga babae.

Sumunod na lamang si Giana...nagsawa ang kanyang paningin sa mga naggagandahang damit..sinilip nya ang presyo..muntik na niyang maitapo ang damit na nahawaka..aba ay pang-isang linggo na nilang gastusin sa bahay ang presyo ng damit..

'Tara na! Ang mahal dito! Ano ba kasi ang ginagawa natin dito?"bulong ni Giana kay Levy.

"Damit ito para sa mga babae,alangan na ako ang magsusuot! Gusto mong magbihis para maging presentable diba,yan na!wika naman ng inis pa ding si Levy.

'Wag na! Ang mahal dito,ayaw ko! Baka katihin ang katawan ko! Hindisanay sa imported!'wika naman ng dalaga.

"Wala na tayong oras,naghihintay na ang Mama."wika naman ni Levy..

Wala ng nagawa pa ang dalaga...pinapamili s'ya ng isusuot...hindi naman makapili si Giana..kaya ang sales lady na lang ang pumili..isang bongga ang ibinigay kay Giana..ngunit tumanggi si Giana.

'Yung simple lang!'nawika ng dalaga..agad nga ayiihanap s'ya ng sales lady..isang simpleng bestida ang ibinigay nito kayGiana...

Sinukat naman iyon ng dalaga...ng lumabas..

Ang bahagyang nakakunot na noo ni Levy ay naunat..ng lumabas ang dalaga buhat sa fitting room..simpleng damit..ngunit hakab na hakab sa katawan nito.wari ay sadyang ginawa para sa katawan ng dalaga..bukod pa sa nakita nyang nakababa ang mahabang buhok nito..na lagi ay nakapusod..bahagyang napalunok si Levy..simple lang kung tutuusin ang ganda nito..pero nandoon ang IMPACT!,..ipinilig na lang ni Levy ang ulo..tumayo.

'Tara na!'yaya nya sa dalaga...matapos makapamili ng isang pares sa paa..tuluyan ng umalis ang dalawa sa mall.

...

"Umayos ka ha! Wag na wag na makakahalata ang Mama!"wika ni LEVY.

"Ikaw ang umayos! Naka-isang daang beses mo na yang inulit sa akin,natutulig na ako!'wika namn ni Giana.

Isang buntong hininga na lang ang pinakawalan ni Levy..saka binuksan ang pintuan ng kwarto ng Mama sa ospital.

"Ma!'masayang bati ni Levy.

"Hijo!"wika ng mahina pa ding Donya..

Lumapit naman si Levy sa ina..hinawakan ang kamay..at saka hinalikan.

"Ma,wag mo ng pagurin ang sarili mo sa pagsasalita. Magpahinga na po muna kayo!'wika ni Levy.

"Hijo,sino ang kasama mo?'tanong ng ginang ng mapansin si Giana sa may pinto.

"Ah! Ma,s'ya po si Giana,ang girlfriend ko!'pakilala ni Levy sa dalaga..nahiling na sana ay wag magjalat ang dalaga sa harapan ng kanyang Mama.

Lumapit naman si Giana sa Mama ni Levy..wari ay hinaplos ang kanyang puso...matagal g patay ang kanyang Inay..kaya wari ay nahabag s'ya s Donya...ang puso ng isang nangungulila sa ina ang unang nangibabaw kay Giana.

'Kamusta na po kayo?'tanong ni Giana..bakas ang labis na pag-aalala...bahagya pa niyong hinaplos ang buhok ng Donya.

"Hija,matagal na kitang gustong makita!"sabi ng Donya..kakaiba ang ningning sa mga mata..

"Matagal ko na din po kayong gustong makilala,medyo naging busy lang po ako! Pasensya na!'wika pa ni Giana.

"Walang problema. Ag mahalaga ay nandito kana!'wika pa ng ginanag..hinawakan ang kamay ni Giana..wari ay nakaramdam ng kakaibang comfort si Giana ng mga sandaling iyon....matagal na panahon nadin ng huling mahawakan ang kamay ng namayapa nyang ina.

Wari naman ay kay gaan ng pakiramdam ng Dnya sa dalaga..ramdam nya ang init sa mga palad nito..wari ay biglang gumaan ang kanyang pakiramdam...wari ay nabigyan sya ng ibayong lakas....

Panay naman ang tingin ni Levy sa dalawang babae.wari yata ay nalimutan ng mga ito na nandoon di s'ya..aba at sila lng ng mgkausap..wari ay sila lang ang tao sa loob ng kwartong iyon..

Masaya ang pakiramdam ni Giana...bakas nya sa mga mata ng Donya ang kabaitan nito..at s'ya..bilang nangungulila sa isang ina....wari yata ay magkakasundo sila...at hindi s'ya mahihirapang gawin ang plano na itinatala sa kanya ni Levy...

LET THE LOVE BEGIN By: Reinarose (Book 1) (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon