Gumawa ng isang desisyon si Levy..upang masubukan nya ang tunay na nararamdaman..yun ay ang sundan si Chloe sa America..
"Ma,Sweethear! May one week seminar ako. Sa America,kailangang nandoon ako."paalam ni Levy sa asawa at sa Mama.
"Bakit ang tagal naman."angal ng Mama.
"One week po yung seminar. Basta kapag natapos agad,uuwi ako agad agad."wika naman ni Levy.
Si Giana...hindi nagsasalita...ngunit may biglang kabang bumundolsa kanyang dibdib...ng malamang paalis ang asawa...
"Sweetheart,bakit ang tahimik mo? One week lang!'sabi ni Levy..may pinong kirot s'yang naramdaman ng makita ang pananahimik ni Giana.
"Ok,walang problema!"ngumiti si Giana...ngunit hindi mapawi-pawi ang kaba na nass dibdib..
Araw ng lipad ni Levy..inihatid pa s'ya ni Giana..
'Mag-iingat ka ha! Kayo ni Mama. One week lang akong mawawala. Babalik ako!'sabi ni Levy.
'Ikaw ang mag-iingat! Ako na ang bahala kay Mama. Hihintayin kita!'wika naman ni Giana...
Tumango si Levy..sabay kintal ng halik sa labi ni Giana...saka pumasok na ng airport..habang patuloy sa pagkaway ang malungkkt na si Giana..ngunit habang papalayo si Levy....lalong tumitindi ang kaba nga...sa hindi malamang dahilan.
...
LAS VEGAS,USA.
Kaka-arrive lang ni Levy..alam na ni Chloe na padating s'ya..ng tawagan nya ito..tuwang tuwa ang dalaga..ngunit bakit hindi s'ya makaramdam ng kahit anong excitement?..parang gusto na nyang umuwi agad..ngunit nagpatuloy sa paglalakad si Levy....gusto nyang makasigurado....
Agad na nagpahatid sa taxi si Levy sa hotel na ping-check-inan nya..nagpareserve na s'ya...yun din ang hotel kung saan nakatira si Chloe..ito angnagsabi na. Same hotel na lang sila..
Nang makapasok sa room nya..agad nyang tinawagan si Chloe..ngunit naka-off ang phone nito..napapikit si Levy...ngayon pa lang..wari ay may nabubuo na s'yang desisyon..idinayal ang numero ni Giana....
...
Malungkot naman si Giana..nakaupo ito sa may garden...nakapangalumbaba...nalulugkot s'ya..mawawala ng matagal si Levy..ng biglang magring ang kanyang phone....ibang number..private number...ngunit sinagot nya iyon..
'Hello!'sabi ni Giana.
'Sweetheart,ako ito si Levy!'wika ni Levy.
Bigla ang pagbangon ng saya sa puso ni Giana...napangiti s'ya pagkakarinig sa boses ng asawa.
"Sweetheart,kamusta kana? Ok ka lang ba?"tanong ni Giana.
"Ok lang ako. Kkadating ko lang.tinawagan agad kit."sabi ni Levy
"Mabuti naman. Mag-ingat ka dyan ha! Kumain ka ng ayos,wag mong kapwersahin ang katawan mo ha!'mga bilin ni Giana
'Opo! Ikaw din,kayo ni Mama. Mag-iingat kayo ha! Babalik ako,tandaan mo ha! Intayin mo ako!"may pahiwatig na wika ni Levy.
"Maghihintay ako! Nandito lang ako,ako na ang bahala kay Mama. Sabay ka naming sasalubungin."wika naman ni Giana..
Ilang usapan pa..nagpaalam na si Levy para magpahinga...buo na ang desisyon ni Levy..alam na nya..at kilala na ng puso nya kung sino talaga ang itinitibok niyon..at alam nyang hindi s'ya mag-sisisi sa gagawing desisyon...may ngitisa labing nahiga sa kama si Levy....maya maya lamang ay nakatulog na ito..dala ng pagod sa biyahe..
....
Angtunog ng doorbell angnagpagising kay Levy..pupungas-pungas na bumangon s'ya para buksan ang pinto..
"Yes!?'wika ni Levy.
"Someone send this for you,Sir!'wika ng lalaki.
"From who?'kunot noong tanong ni Levy.
"Just open it! She said you will notice her once you saw this."wika pa ng lalaki.
Tumango na lang si Levy...kinuha ang maliit na papel.
"Thank you!"sabi ni Levy.
"You're welcome,Sir!'wika ng lalaki...saka umalis na.
Agad ngang binuksan ang papel...at galing iyon kay Chloe.
BABE,
Nasa R411 ako..please come!,
I missed you so much!,Nabasa ni Levy..walang nakalagay na sender..ngunit isa lang naman ang natawag sa kanya ng Babe..at kilala nya ang hand written nito..nagshower lang si Levy..saka umalis..upang puntahan si Chloe..ng makarating..agad ay nagbuzzer..agad naman nagbukas ang pinto..tumambad ang seksi at napakagandang si Chloe.
"Babe,I missed you so much!"wika ni Chloe...agad na niyapos si Levy..at hinalikan sa labi..
Yung dating kuryente na nararamdaman ni Levy sa tuwing naglalapat ang kanilang labi ni Chloe ay nawala na....wari ay may hinahanap na iba ang kanyang mga labi..wala din yung excitement ng makita si Chloe..bagkus ay pagkabugnot..ang mga apaa nya ay gusto ng magpunta sa paliparan..at bumalik ng Pinas..
Nakaramdam naman ng panlalamig si Chloe..kakaiba ngayon si Levy...nagtataka s'ya..at the same time ay kinabahan....hindi na ito kasing init ng dati..ni hindi nga mababakasan ng init...wari ay may kung anong iniisip..at ramdam nyang hindi s'ya iyon...
Pinal na ang desisyon ni Levy...at isa lang ang nasisiguro nya..babalik s'ya ng Pilipinas..upang balikan ang tunay na itinitibok ng kanyang puso..