CHAPTER 14:

3.8K 85 4
                                    

Masayang ibinalita ni Giana sa Mama ni Levy na papasok s'yang muli..maging ang Donya ay natuwa sa pasyang iyon ng manugang...hindi ito tututol dahil alam nyang makakatulog iyon sa manugang...

Nasa salas silang tatlo noon..ng biglang ungkatin ng Donya ang honeymoon ng dalawa.

"Wala ba talaga kayong balak na umalis para sa honeymoon nyo?"tanong ng Donya.

"Dito na lang po kami,Mama!'wika naman ni Levy.

"Oo nga po,Mama! Mas mabuti na din kaming nandito para mabantayan kayo!'segunda naman ni Giana.

'Mga batang ito oh! Magaling na ako,wag nyo na akong alalahanin pa!"sabi naman ng Donya.

'Mama,hindi ako mapapalagay kung iiwan ka namin dito,kaya dito na lang kami!"wika pa niLevy..nilapitan ang ang Mama at hinalikan sa noo.

"Ang anak ko naman! Ok na nga ako!"sabi pa ng Donya.

"Ma,gusto nyong masahihin ko ang hita nyo?'wika ni Giana...lumapit at yumuko ng upo.

'Naku,wag na hija!"sabi ng Donya.

"Cge na po! Namimiss ko na ang gawin ito. Lagi ko kasing ginagawa ito sa Nanay ko noong nabubuhay pa s'ya!'wika ni Giana..tuluyan ng lumuhod..at saka sinimulan na masahihin ang hita ng matanda.

'Dati po kasi,kapag napapagod ang Nanay! Buong katawan nya minamasahe ko! Mula ulo,hanggang paa!'wika ni Giana....hinimas ang hita ng matanda...

Napapikit naman ang Donya..napakasarap ng masahe ng kanyang manugang....kitang kita naman ni Levy ang ginagawa ni Giana..ramdam nya..hindi parte ng pagsisinungaling nila ang ginagawa nito...

Pinagbuti naman ni Giana ang pagmamasahe...wari ni Giana ay ang Ina ang kanyang minamasahe..hindi nya mapigilan ang hindi mapangiti...kay sarap alalahanin ang mga sandaling kapiling nya ang kanyang Ina...

Ilang saglit pa ay pinatigil na s'ya ng Donya..hinawakan ang kamay ni Giana.

'Masaya ako at ikaw ang dumating sa anak ko! Hindi ako nagsisisi man lang! Kahit anong mangyari,ikaw lang ang manugang ko!'wika ng Donya..

Ngumiti si Giana..sabay yakap dito...hindi nya magawang salubungin ang titig ng matanda..dahil baka mabasa nito ang kunsensyang nararamdaman..dahil sa pagsisinungaling na ginagawa nila ni Levy..

Napayuko naman si Levy..maging ito ay nakukunsensya nadin..konti na lang..kapg magaling na magaling na ang kanyang Mama..ipagtatapat na nila dito ang totoo..

....

Kinabukasan ay nagpasya na si Giana na mag-enroll....

"Levy, saan ako mag-eenroll?'tanong ni Giana.

"Bahala ka!'wika naman ni Levy.

"Wala nga ako alam!'sabi naman ni Giana.

"Magpasama ka na lang!"wika naman ni Levy.

'Magpapasama pa,di sa'yo na!'wika naman ni Giana.

"Busy ako! Ang dami kong trabaho!'tanggi naman ni Levy..

"Basta! Isusumbing kita kay Mama!"pananakot ni Giana.

'Giana naman,sobrang busy nga ako!"wika ni Levy

"Ikaw na kasi!'pamimilit ni Giana..

"Please,sa iba na lang!"pinal na wika ni Levy.

Kumunot ang noo ni Giana..at saka nagmamadaling lumabas ng kwarto....

Nagkunwari si Giana na malungkot...sakto naman na nakita ito ng Donya.

'Hija,bakit? May problema kaba?'tanong ng Donya...nakita nyang larang malungkot ang manugang.

"Wala naman po!'sabi ni Giana..ngunitblalong pinalungkot ang tinig.

'Hija,Mama mo ako! Kaya magsabi ka sa akin!'mababakas ang pag-aalala sa tinig nito.

"Si Levy po kasi! Parang ayaw akong kasama,gusto ko lang naman po na kasama s'ya sa pag-eenroll, ayaw nya!'lalo ng umarte si Giana.

'Ano?"wika ng Donya..saktong nababa na ng hagdanan si Levy.

'Levy!'agad ay tawag ng Donya sa anak.

Nakakutob naman agad si Levy..tinawag s'ya ng Mama sa kanyang pangalan...ano na naman kaya ang sumbong ng babaeng iyon.

'Ma!'wika ni Levy.

"Samahan mo mag-enroll si Giana,ngayon na!"bakas ang otoridad sa tinig ng matanda.

Napatingin naman si Levy kay Giana...nakangisi ito...."kuuu,ikaw na babae ka! Masasakal na kita!'wika ng isip ni Levy-

"Sasamahan ko nga po! Sweetheart,magbihis kana!'nakangiting wika ni Levy..ngunit gigil na gigil na kay Giana.

"Mama,ang sama ng tingin sa akin ni Levy!'sumbong pa ni Giana.

Tiningnan naman ng masama ng Donya ang anak.

"Mama,hindi po! Ito talagang sseetheart ko,nagtatampo pa! Halika nga!"sabi ni Levy..lumapit.saka niyakap ng mahigpit si Giana..as in mahigpit..yung di na halos makahinga ang dalaga..

Ibubuka na sana ni Giana ang bibig lara muli ay magsumbong ng bulungan s'ya ni Levy.

'Magsalita kapa, hahalikan na kita!'bulong ni Levy.

Napatingin naman si Giana sa asawa...mukha namang di ito nagbibiro..kaya kahit di na makahinga...pigil pigil ang bibig na huwag magsumbong...

"Nakaisa din!'wika ng isip ni Levy...

...

Wala na ding nagawa pa si Levy..sinamahan na din nya pagpapaenroll si Giana...sa isang sikat na unibersidad sila nagpunta...Accounting ang gusto ni Giana..

Nang matapos mag-enroll...niyaya ni Giana na mamasyal si Levy..ngunit tumanggi ang asawa..may importante pa kasi itong gagawin..ngunit dahil sa kasama nya si Giana..wala itong nagawa kundi ang isama sa opisina ang pekeng asawa...

Tinginan ang lahat ng makita ang asawa ng kanilang poging Engineer..noon ng malaman ng mga ito na ikakasal na si Levy.panghihinayang ang naramdaman ng mga ito..inggit...lalo na ng malamang tindera lang sa palengke ang napangasawa nito.

Ngunit talagang may makapal..isang katrabaho ni Levy ang lumandi sa lalaki.

"Levy,kamusta kana?'wika ng babae..hinawakan pa ang kwelyo ng suot na polo shirt ni Levy.

"I'm fine!"wika naman ni Levy..

Taas ang kilay ni Giana..invisible ba s'ya sa babaneg malandi?.

"Good to hear that!'wika pa ng babae...bahagya pang inilapit ang katawan sa katawan ni Levy.

"Ah!"tanging nasabi ni Levy..napatigin ito kay Giana..wari nya ay nagsasalubong na ang kilay nito..

Hindi naman nakatiis si Giana..nagsalita.

"Uso na pala ang TUKO dito! Sweetheart,ingat ka at baka makapitan!'sabi naman ni Giana....nameywang pa.

Nailayo naman ni Levy ang katawan sa katrabaho..mahirap na..baka makapagsumbong na naman si Giana sa kanyang Mama..

Lumapit naman si Giana kay Levy..at ikinawit ang kamay sa braso nito..at nilingon ang babae..

"Ingat ka girl,baka kapitan ka ng TUKO!! Or else,gawin kitang butiki!'wika ni Giana...sabay hila kay Levy..papalayo sa TUKONG BABAE!,!

LET THE LOVE BEGIN By: Reinarose (Book 1) (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon