CHAPTER 31:

4K 84 1
                                    

Wari ay wala na sa sarili si Giana habang patuloy sa paglalakad...nakatulala ito...habang ang luha ay patuloy sa pag-agos...hindi n'ya akalain na ang saya na nararamdaman n'ya habang kapiling si Levy..ay may kapalit na dobleng sakit...dahil sa panggagamit nito sa kanya....paglalaro sa kanyang damdamin..at pang-iisa...lalo ng bumalong ang luha sa mga mata ni Giana..sa tuwing maaalala ang matatamis na salita nito sa kanya...na agad n'yang pinaniwalaan....yun pala ay puro kasinungalingan lamang...

Nang makakita ng bench..agad ay napaupo doon si Giana..hindi s'ya nakakaramdam ng pagod sa layo ng kanyang nilakad...ngunit nakakaramdam s'ya ng panghihina sa sakit at paghihirap na nadarama...ang dalang bag ay nayapos n'ya...hindi n'ya alam kung saan pupunta..ayaw n'yang umuwi sa bahay ng kanyang Tatay..at makita s'ya sa ganitong ayos..wala s'yang lakas para ipaliwanag ang lahat..

Nagkataon naman na dadaan ang kotse ni Zack..at hindi n'ya inaasahan na makikita ang luhaang si Giana...agad ay itinigil n'ya ang kanyang kotse..bumaba..upang siguruhin na si Giana nga ang kanyang nakitang umiiyak..

"Giana?'hindi makapaniwalang tanong ni Zack..

Napatunghay naman ang luhaang si Giana...ng makita si Zack..lalo ng napahagulhol si Giana...napaupo si Zack sa tabi ni Giana...at agad ay niakap ito..bigla s'yang nakaramdam ng sakit ng makita itong umiiyak.

'Bakit? Anong nangyari?'tanong ni Zack..hinahagod ang likod ng habag na habag na si Giana....

Hindi makapagsalita si Giana..patuloy lang s'ya sa pag-iyak....paghagulhol...ilang sandali silang nasa ganoong ayos....maya maya lamang ang inakay ni Zack si Giana...papasok sa kotse ng binata..upang ihatid sa bahay nito.

'Ayokong umuwi sa amin."tanging nasabi ni Giana...habang patuloy ang pag-agos ng kanyang luha..,wala ng nagawa si Zack....wala s'yang alam na pagdadalhan dito..kaya naisipan n'yang iuwi sa kanyang condo.

"Ok lang ba sa'yo dito sa condo ko? Wag kang mag-alala,doon muna ako sa mansyon namin tutulog."sabi ni Zack..ng makapasok na sa condo ng binata..

"Salamat!'wika ni Giana..sabay tango.

"Ahmm! Iiwan na kita! Kumpleto lahat ng kailangan dito sa condo. Pagkain,basta kumpleto lahat. Kung may kailangan ka,tawagin mo lang ako ha! At agad kitang pupuntahan. Babalik ako bukas."sabi ni Zack.

Tumango si Giana...at tuluyan ng umalis si Zack....hahayaan na muna ni Zack si Giana na mag-isa..baka kailangan nito ng privacy....basta ipinapangako n'ya na tutulungan ito anuman ang problemang kinakaharap ng babaeng itinatangi...

Nang tuluyan ng makaalis si Zack..nagtuloy na sa kwarto si Giana...at doon..muling ibinuhos ang matinding pag-iyak...humagulhol s'ya ng humagulhol..nilakasan pa n'ya..upang kahit paano ay maibsan ang sakit na kanyang nadarama...

...

Sa ospital...

'What happen? Ok na ang Mama mo ah! Bakit bigla s'yang inatake?'tanong ng Doctor.

Hindi makaimik si Levy..labis s'yang nag-aalala para sa kanyang Mama.

'Please,Doc! Iligtas n'yo po ang Mama."garalgal na ang tinig ni Levy..

Tumango naman ang Doctor..at pumasok na sa E.R...upang asikasuhin ang Mama ni Levy...

Nanghihinang umupo si Levy....hindi n'ya mapapatawad ang sarili kapag may masamang nangyari sa kanyang Mama.

'Levy,relax! Nandito lang ako!'wika ni Chloe(tumigil kana malandi ka,,sabunutan kita)..hinagod pa ang likod ni Levy.

Hindi umimik si Levy..naihilamos n'ya ang dalawang kamay sa kanyang mukha..

"From now on,lagi na akong nasa tabi mo! Hindi kita iiwan! Ako lang ang magiging karamay mo.!"sabi pa ni Chloe.

"Chloe,please! Leave me alone!'nawika ni Levy.

LET THE LOVE BEGIN By: Reinarose (Book 1) (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon