CHAPTER 30:

3.9K 80 0
                                    

"Hi!"nakangiting bati ng bisita ni Levy..

Hindi makahuma si Levy..hindi n'ya alam ang sasabihin..

"Hello!'nakangiting bati ni Giana..nakahawak pa s'ya sa kamay ni Levy.

"Ah! You must be Giana,right?"tanong ng bisita.

"Yes! Asawa ni Levy."proud na wika ni Giana.

Ngumiti ang bisita..at dahan-dahang lumapit kay Levy.

'Babe,until now nagpepretend pa din kayo? By the way,I missed you so much!"wika ni CHLOE...sabay siil ng halik sa labi ni Levy..

Ang ngiti ni Giana ay unti-unting naglalaho..sabay tingin kay Levy..nagtatanong ang mga mata..

"Chloe,please!"wika ni Levy sa dating kasintahan.

'Levy,im back! Hindi n'yo na dapat pang ipagpatuloy ang kasinungalingan n'yo kay Tita! Nagbalik na ako para tuparin ang pangako natin na magpapakasal na."wika ni Chloe..iniyakap pa ang braso sa leeg ni Levy.

Ang kamay ni Giana na nakahawak sa kamay ni Levy ay unti-unti n'yang binabawi..ngunit mas lalong hinigpitan ni Levy ang pagkakahawak sa kamay n'ya.

'Levy! Anong ibig sabihin nito?'halata ang galit sa tinig ng Mama.

"Ma!'tanging nawika ni Levy..hindi n'ya alam kung paano ipapaliwanag ang lahat.

"Tita,ako na po ang magpapaliwanag ng lahat."baling ni Chloe sa Mama ni Levy.

"Chloe,shut up!'madiing wika ni Levy.

'Babe,time na para malaman ni Tita ang totoo."sabi ni Chloe..at nagsimulang ikwento ang lahat.

"Kami po ni Levy ay matagal ng magkasintahan. Hindi nga lang po namin maipakita sa lahat dahil isa po akong modelo. Tapos po,kinailangan kong magpunta ng ibang bansa para doon makamit ko ang aking pangarap. Ngunit nangako po kami ni Levy na magpapakasal oras na matapos ang aking kontrata. Nagkataon po na may sakit kayo at humiling kay Levy. Hindi po ako pedeng umuwi noon, kaya nagpasya si Levy na maghire ng tatayong PEKENG ASAWA n,ya,hangga't hindi pa ako nauwi. And the rest.alam n'yo na po ang nangyari. But now.mas mahalaga po si Levy sa akin kesa sa career ko. Iniwan ko ang pagmomodelo para magpakasal na sa kanya."mahabang kwento ni Chloe sa Mama ni Levy.

Napatingin ang Mama kay Levy..nagtatanong ang mga mata....ngunit napayuko na lang si Levy..hindi n'ya masalubong ang tingin ng kanyang Mama.

"Giana,nagpapasalamat ako at naisagawa mo ang iyong papel bilang PEKENG ASAWA ng aking BABE! At bilang gantimpala,eto! Half a million,karagdagan sa BAYAD sa iyo!"madiing wika ni Chloe..sabay kuha ng cheke sa kanyang mamahaling bag..at iniabot kay Giana.

Napalunok naman si Giana..parang may bumabarang kung ano sa kanyang lalamunan..tuluyan na n'yang kinuha ang kamay na mahigpit na hawak ni Levy..wari ay nauubusan s'ya ng hangin..kaya nahugot n'ya ang paghinga..

'Chloe,nag-usap na tayo diba?"sabi ni Levy..hinawakan ang dalawang braso ni Chloe.

'Yes! Nag-usap na tayo,kaya nga nandito na ako para tuparin ang NAPAG-USAPAN natin!'wika ni Chloe.

Hindi alam ng tatlo..na unti-unti ng nagsisikip ang dibdib ng Mama ni Levy...wari ay nauubusan s'ya ng hininga..nahawakan n'ya ang sariling dibdib..

Nanlalabo na ang mga mata ni Giana..ngunit pinipigil n'ya na pumatak ang kanyang luha.ito pala ang SORPRESA ni Levy para sa kanila ng Mama nito....

"Chloe,tumigil kana!"may diing sabi ni Levy.

"Tumigil na nga ako! Tumigil na ako sa pagmomodelo dahil mas pinili kita. Mahal kita Levy. Kaya nandito na ako. Handa na akong magpakasal sa'yo."sabi pa ni Chloe.

Unti-unti..napalayo si Giana kay Levy..noon n'ya nakita ang naghihirap na Mama nito.

'M-mama?"namumutlang sabi ni Giana...wari n'ya ay nahihirapan itong huminga..
Kitang kita ni Giana na nahihirapan sa paghinga ang matanda...napalingon naman si Levy sa kanyang Mama.

'Mama!'kabading nilapitan ni Levy ang Mama...

"Mama! Ok ka lang ba?'tanong pa ni Levy...hinagod-hagod ang dibdib ng Mama...

Lalapit na sana si Giana ngunit pinigilan s'ya ni Chloe..

"Huwag ka na lumapit pa. Baka lalong lumala ang Tita. Umalis kana mabuti pa,bayad kana kaya tapos na ang trabaho mo dito!'madiing wika ni Chloe..hawak pa ang siko ni Giana..

Pahablot na binawi ni Giana ang siko..at nakipagtitigan kay Chloe...

"Ang pag-aalala ko kay Mama ay hindi parte ng trabaho ko."wika ni Giana...

"Don't call her Mama! Tapos na ang pagpapanggap n'yo ng mapapangasawa ko."sabi ni Chloe.

Matinding sakit naman ang naramdaman ni Giana...ang kaalaman na pinaasa at inisahan lang s'ya ni Levy ay labis na nakapagbibigay ng matinding sakit para sa kanya...hindi na n'ya nagawang lumapit pa..dahil nakita n'ya..na habang naghihirap ang Mama ni Levy..nakatitig ito sa kanya....na wari ay sinisisis s'ya kung bakit ito nahihirapan ngayon..

"Levy,ako magdadrive! Buhatin mo na si Tita!'utos ni Chloe..nagmamadaling lumakad palabas ng mansyon..agad naman na binuhat ni Levy ang Mama...hindi pansin si Giana..sa sobrang pag-aalala sa kalagayan ng Mama..

Si Giana..wari ay ipinako sa kinatatayuan..ang Mama ni Levy..nananatiling nakatitig sa kanya..kita n'ya ang paghihirap nito..sa mga matang iyon..nakaramdam ng matinding sundot ng konsensya si Giana...habang papalayo si Levy at ang buhat nitong ina...hindi maalis ang titig ng naghihirap na Donya sa kanya..ang titig na iyon..ay sumusuot sa kaibuturan ng kanyang pagkatao...may paninisi..may panunumbat...may galit..at may pangungunsensya...

Unti-unting pumatak ang luha ni Giana...ramdam n'ya ang sakit..ang panloloko ni Levy sa kanya..at ang galit ng Mama nito sa kanya...ang iyak ay napunta sa malakas na hagulhol...at nagtatakbo s'ya sa kwarto nila ni Levy..nakita n'ya ang kama na naging saksi ng kanyang pagpapaubaya....nilapitan iyon ni Giana..at pinagbabayo..habang patuloy na umiiyak..

'Bakit? Bakittt?'hagulhol ni Giana habang patuloy na pinaghahahampas ang kama...nang mapagod..agad na inimpake ang kanyang damit..wala s'yang dinala anoman..tanging kaunting damit lamang...at saka nagmamadaling nilisan ang mansyon..na punumpuno ng hinanakit at pagsisisi..

LET THE LOVE BEGIN By: Reinarose (Book 1) (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon