CHAPTER 35:

5K 93 2
                                    

"Ma,anong laman ng envelope na ito?'tanong ng naguguluhang si Levy.

'Buksan mo kaya para malaman mo."papilosopong wika ng Mama ni Levy.

Binuksan nga ni Levy ang envelope..napakunot noo s'ya ng makita ang laman niyon..ang marriage contract nila ni Giana..

"Ma,what is the meaning of this?'naguguluhang tanong ni Levy.

Iiling-iling naman ang Donya..ang sarapbatukan ng kanyang anak...SHUNGA EH!,

'Ano pa,di ang marriage contract n'yo ni Giana."wika ng. Donya.

'Yes,I know! Pero bakit n'yo po ibinibigay sa akin ito?'tanong ng Shungang si Levy.

"Katunayan na TUNAY ang KASAL n'yo ni Giana!'sabi ng Donya.

"Ha?'di makapaniwalang wika ni Levy.

"Tama! Dahil hindi peke ang nagkasal sa inyo. Hindi lang nairehistro ang kasal n'yo. Pero kayo ay tunay na mag-asawa.'paliwanag ng Mama.

"Ha?'sabi na naman ni Levy.

'HAhampasin na kita kung hindi ka titigil ng kaka-HA mo!'inis na wika ng Mama.

"Pero paano nangyari iyon?'naguguluhang tanong ni Levy.

'Simple lang. Pinaimbestigahan ko ang lahat. At ako na din angnagparehistro ng kasal n'yo ni Giana."sabi ng Mama.

Nakaramdam ng kaligayahan si Levy..so ibig sabihin tatao pala niyang asawa si Giana...ngunit maya-maya lamang ay nalungkot na naman s'ya...yung asawa n'ya..hindi pa n'ya nakikita....bumunong hininga si Levy.

'Isa pa pala! Ngayon ang KASAL ni Giana dun sa Zack."pagbabalita ng Mama.

"Ha?"gulat na gulat na namang wika ni Levy...nakaramdam ng matinding sakit....ikakasal na pala sa iba si Giana..

"HAhambalusin na kita! Wala kana bang alam na sabihin kundi HA? Ha!"wika ng naiinis ng Donya.

Wala na..wala ng pag-asa pa na magkasama silang muli ni Giana..huli na s'ya..at nakaramdam s'ya ng matinding sakit...gusto yata n'yang magwala.

"Wag kana mag-emote d'yan! Imbis eh bawiin mo ang asawa mo.'sabi ng Mama.

'Magpapakasal s'ya,so ibig sabihin hindi na n'ya ako mahal. O talagang hindi n'ya ako mahal!'puno ng hinanakit na wika ni Levy.

"Yan ba ang naramdaman mo ng magkasama pa kayo? Yan ba ang sabi ng puso n'ya sa puso mo? Yan ba ang nababasa mo sa mga mata n'ya sa tuwing tinititigan ka n'ya? Dahil kung iyan,pwes SHUNGA KA TALAGA"wika ng Mama.

"Maaaaa!"angal ni Levy...s'ya pa ang shunga eh s'ya na nga ang nasasaktan.

"Anak,ikaw lang naman kasi ang makakasagot sa tunay na nararamdaman sa'yo ni Giana."wika ng Mama
Natahimik si Levy..noong mga sandali na nagkaaminan sila ni Giana..ramdam n'ya na totoo ang mga sinasabi nito..lalo na ng ipagkaloob nito sa kanya ang iniingatang pagkababae nito...napaisip tuloy s'ya..paano n'ya malalaman kung hindi n'ya susubukan..bigla tuloy s'yang napatayo...makikipagsugal s'ya..malaman lang n'ya ang tunay nitong damdamin para sa kanya.

'Ma,kailangang matigil ang kasal nila.'wika ni Levy.

"That's my boy! S'ya LARGA NA!'pagtataboy ng Mama sa anak..

Agad na pumasok sa loob ng mansyon si Levy..nagbihis...kailangan n'yang magmadali..papasakay na s'ya ng kotse ng may makalimutan...nagbalik ito sa garden at tinanong ang Mama.

'Ma,saan nga palang simbahan ang kasal?'humahangos na tanong ni Levy.

"Manila Cathedral,anak! Paalala lang,kapag hindi mo naibalik dito ang aking MANUGANG,wag kana din babalik dito!'sabi ng Mama.

LET THE LOVE BEGIN By: Reinarose (Book 1) (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon