CHAPTER 27:

3.9K 81 0
                                    

Kinabukasan...

Sabay ng umuwi sina Levy at Giana sa mansyon..kay sayang tingnan ng dalawa..ay kalambing!!hindi mapaknit ang ngiti sa kanilang mga labi..kagabi nga..magkayap silang natulog..yakap lang,!!i..

"Ma,good morning!'bati ng mag-asawa sa Mama na hinihintay sila.

"Good morning din mha anak! Mukhang ang saya-saya ah!'pansin ng Mama...

"Konti lang po!'wika ng nakangiting si Giana.

"Mabwenas na umaga!'sabi naman ng Mama.

"Mama talaga! Kumain ka na ba,Ma?"tanong ni Levy sa Mama.

"Kumain na ako,hindi ko kasi alam na maaga kayong uuwi eh!'wika ng Mama.

"Ok lang Ma! Magpapahanda na lang kami ng almusal ng Sweetheart ko!'sabi ni Levy..niyakap pa sa likod si Giana..

Nangingiting pinagmasdan ng Mama ang mag-asawa...mababakas ang lubos na pagmamahal ng bawat isa.

"Sweetheart,kain ka o!"sabi ni Levy..sinubuan pa si Giana..

"Aysus! Ang tweet! Teka,ikaw din! Nganga!'wika ni Giana.sabay subo din kay Levy.

Ngumanga nga si Levy..ngunit ang ginawa ni Giana..isusubo..at babawiin..kapag nakabuka na ang bibig ni Levy..

"Ahh!'angal ng nakangiting si Levy...

"Ahahaha! Teka,ano ba!'wika ni Giana...hinila kasi s'ya ni Levy..pagkatapos ay hinalikan sa labi..

"Parusa sa pasaway na katulad mo!'wika ni Levy..matapos nyang iwan ang labi ni Giana.

'Di magpapasaway na ako lagi! Ahahahaha!'wika ng sutil na si Giana.

"Di magkukunwari akong naiinis lagi,kaya lagi kang may parusa sa akin!'sabi ni Levy..hinagip na naman ang labi ni Giana.

'Teka naman,nakakahiya! Makita tayo ni Mama."sabi ni Giana.

"Isipin na lang natin,walang tao dito kundi tayo lang! Di ba Ma!"wika ni Levy..napansin nyang nakasilip ang kanyang Mama sa kanila.

"Wala ako! Walang tao dito!"tugon naman ng Mama ni Giana..sabay hagikhik ng mahina..

"Ahahahahahahaa!'sabay na tawa nina Giana at Levy..

'Kita mo na! Tayo lang dalawa dito!'wika ng nakangiting si Levy..

'Pansin ko nga! Ahahahaha!'wika ni Giana na hindi mapigilan ang humalakhak..

"I love you!'pabulong na wika ni Levy sa tenga ni Giana.

"I love you,too!"ganting bulong ni Giana....muli ay naglapat ang kanilang mga labi...hindi na maitatago pa ang nararamdaman ng bawat isa.ang pagmamahal na nag-uumapaw..
Parang mga bata kung maglambingan ang dalawa..wari ay mga spoiled sa isa't-isa..hindi pedeng hindi masusunod ang lambig nila...katulad na lang ngayon..parang mga batang naghahabulan sa gitna ng garden ng mansyon.

"Sweetheat,ambilisi mo namn!'sigaw ni Levy habang hinahabol ang tumatakbong si Giana..

"Ang bagal mo kasi!'sigaw naman ni Giana.'habang patuloy sa pagtakbo.

"Wag kang mayabang,mahuhuli din kita!"wika naman ni Levy..binilisan pa ang pagtakbo para maabutan si Giana..

"Ayyyy!'naisigaw ni Giana..nahuli s'ya ni Levy..agad s'yang binuhat at ipinaikot ikot..

"Ahahahaha!"ang tawa na maririnig buhat sa dalawa..(labasan ang langgam ay o!)..maya maya lamang ay napahiga na ang dalawa sa damuhan..hinaplos ni Levy ang mukha ni Giana.

"Napakasaya ko! And I never thought na magiging ganito ako kasaya sa piling mo."wika ni Levy.

"Ako din! Hindi ko inaasahan na ganito kaligaya kapag mahal ka ng taong mahal mo."sabi naman ni Giana..

"Sana ay biglang tumigil sa pag-ikot ang mundo. Para manatili tayo sa ganito. Ganitong kasaya..habang tayo ay magkasama."sabi naman ni Levy.

"Di gagamitin ko ang magic ko!'nakangiting biro ni Giana.

"Gumana na nga eh! Nahumaling na ako sa mala-engkantada mong kagandahan.."pagsakay ni Levy sa biro ni Giana.

"Kunwari pa eh! Patay na patay ka lang talaga sa akin!'wika ni Giana.

"Di lang patay na patay! Dead na dead pa!"tugon ni Levy..muli na naman nitong hinagip ang labi ni Giana..at muli nagsanib angkanilang mga labi..walang sawa nilang nilasap ang tamis ng halikang iyon..

"Ay ka dami namang langgam at bubuyog dito!"wika ng Mama..kanina pa pala ito nakatingin sa mag-asawa..

"Ma,pakihuli nga po lahat!'natatawang wika ni Levy..hindi naman mapigilan ni Giana ang hindi matawa..lagi na lamang silang may AUDIENCE!!

Kinagabihan....

Nakapantulog na si Giana...nasa kama na din..pero bakit hindi yata s'ya mapakali??wari ay kinakabahan s'ya...nahiga na s'ya ng marinig na nagbukas ang pinto ng banyo sa kwarto.

Kakatapos lang noon maligo ni Levy...fresshhh na s'ya..nakita nyang nakahiga na si Giana..dahan-dahan s'yang tumabi dito..

"Sweetheart,pedeng makitabi?'bulong ni Levy.

"Hmmm!"tanging sagot ni Giana..pero wari ay may drum sa kanyang dibdibd..nagtatatambol sa kaba..

"Hmmmm! Tulog kana?'tanong ni Levy.

'Oo,hagok na nga eh!"wika ni Giana.

"Ah! S'ya at tutulog na din ako."sabi ni Levy..tumalikod na kay Giana..

Ngunit malalim na ang gabi..hindi pa din dalawin ng antok ang dalawa..pabaling baling ng higa si Levy..si Giana naman ay parang naparalisadong hindi makagalawa sa pagkakahiga.

"Sweetheart,gising kapa?"tanong ni Levy sa mahinang tinig.

"Hmmm!'tanging tugon ni Giana.

'Pedeng ano..pedeng payakap?"tanong ni Levy..sabay lunok..

"Ok!'tugon ni Giana..sabay lunok din..
.
Lumapit si Levy ng higa kay Giana....at saka dahan dahang ipinatong ang braso sa katawan nito..lalo ng nakuryente si Giana...lunok ng lunok kahit wala ng nilulunok...lalo pang idinikit ni Levy ang katawan niya sa katawan ni Giana...at saka bumulong..

"I am not asking na gawin natin ang bagay na ginagawa ng tunay na mag-asawa. Gusto ko lang mapalapit sa'yo,kahit hanggang sa pagtulog ko. Makayap ka lang at maramdaman na nasa piling kita,payapa na ako!"bulong ni Levy..

Napangiti si Giana..at tuluyan ng humarap kay Levy..

"Masaya akong yakapin mo. Mahihimbing lalo ang tulog ko."sabi ni Giana..

Pareho silang napangiti..at nagbigay ng damping halik sa kanilang mga labi..mahirap na..at nagyakap..sabay nilang ipinikit ang kanilang mga mata na may ngiti sa mga labi...

LET THE LOVE BEGIN By: Reinarose (Book 1) (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon