CHAPTER 16:

3.9K 83 1
                                    

Unang araw ni Giana sa Unibersidad na papasukan...kinakabahan s'ya...ngunit pinalakas nya ang loob..huminga ng malalim..saka tuluyang pumasok ng Unibersidad,..

Ang daming mga kabataan ang kanyang nakita....natitiyak nyang mas matandabs,ya sa mga ito..di naman halata...nagpatuloy sa paglalakad si Giana...hinahanap ang class room kung saan nandoon ang kursong kanyang pinili...sa hindi sinasadyang pagkakataon..may nakabangga s'yang isang gwapong binata..

"Ay,sorry po!'hinging paumanhin ni Giana.

"Sorry,Miss! Hindi kita agad na napansin."sabi ng binata.

'Ok lang! Ok lang ako!"wika naman ni Giana.

Nagkatitigan ang dalawa..ngumiti lang si Giana..tumango..samantalang ang lalaki ay waring nabatubalani sa ganda ni Giana..ngumiti din ito..sabay lahad ng kamay.

"Hi! I'm Zack! You are?'nakangiting pakilala ni Zack sa sarili.

"Hi! I'm Giana!"sabi naman ni Giana..tinaggap ang pakikipagkamay ng bagong kakilala..

'Nice to meet you!'nakangiting wika ni Zack..hindi pa din binibitawan ang kamay ni Giana.

Kusa ng hinila ni Giana ang kanyang kamay..wala na yatang balak kasi na bitawan ni Zack...

'Paano,maiwan na kita! Sorry ulit. Hahanapin ko pa kasi ang classroom ko!'paalam ni Giana.

"Teka,ano ba ang course mo?'tanong ni Zack.

'Accounting!'tugon ni Giana.

'Ang swerte naman. Same pala tayo. O sabay na tayong maghanap."yaya ni Zack..pakalawak ng ngiti.

Ngumiti naman si Giana..at tumango..kahit paano di na s'ya mahihirapan na maghanap mag-isa...may makakasama na s'ya...sabay nga nilang hinanap ang kanilang classroom..hindi naman naglaon..nakita nila...agad silang pumasok..umupo..tumabi pa nga sa kanya si Zack...

Sa kabuuan ay naging maayos ang unang araw ni Giana sa Unibersidad...madami na din s'yang naging kaibigan...hindi man nya mga kasing edad ang mga ito...ngunit agad ay nakapalagayan nya ng loob....

Masayang umuwi ng mansyon si Giana..hatid sundo s'yang driver nin Levy..agad na ikinuwento ni Giana sa kanyang Mama ang nanagyari sa kanya buong maghapon.

'Ma,noong una kinakabahan talaga ako. Pero ng makilala ko na ang aking mga kaklase,mababait naman pala sila."wika ng masayang si Giana.

'Mabuti at agad mo silang nakasundo."wika ng Mama.

'Opo nga! May isa akong nakabangga,yun pala magkaklase kami. Si Zack name nya. Mabait naman po."sabi pa ni Giana..

S'ya naman pagpasok ng bahay ni Levy..dinig nya ang pangalang binanggit ni Giana..

'Ehemmm!'buhat sa likod ay papansin ni Levy.

'Hijo,nandyan kana pal!'bati ng Mama.

"Hi,Ma!'bati ni Levy sa ina..binalingan ang asawa.

"Wala ba akong KISS dyan!'wika ni Levy kay Giana.

Muntik ng mapataas ang kilay ni Giana..."kiss? Ikiss kiss ko kaya yang mukha mo".wika ng isip ni Giana...ngunit nagpaskil s,ya ng ngiti sa kanyang mga labi..tabingi nga lamang...

Lumapit naman si Levy sa asawa...inilalapit ang mukha sa mukha nito..

"Malilintikan ka sa akin mamaya."bulong ni Giana.

'Mamaya pa pala. Magreready na lang ako!'sabi pa ni Levy..isang damping halik sa labi ang ibinigay nito sa asawa.

"Kasweet naman ng mag-asawang ito.!'nakangiting puna ng Donya.

Ngumiti ang dalawa..inakbayan pa nga ni Levy si Giana....nagpuputok naman ang kalooban ni Giana.."talagang humanda ka mamay!"banta ng isip ni Giana.

'Ma,ihahanda ko lang ang damit ni Sweetheart ko."paalam ni Giana..sinenyasan pa si Levy na sumunod sa kanya..

"Sige! MAG-EXERCISE na din kayo!'pahabol ng matanda.

Tumango lang ang mag-asawa...at sabay ng humakyat sa taas..ng makapasok sa lob ng kanilang kwarto..pinaghahampas ni Giana ng unan si Levy.

"Ikaw! Wala sa usapan natin na mananantsing ka!'sabi ni Giana..panay ang hampas sa asawa.

'Teka! Syempre makakahalata ang Mama kung di man lang tayo magpapansinan."paliwanag ni Levy.

'Pede namang magpansinan,bakit may halik pa!'inis na inis na wika ni Giana.

'Teka! Bakit,sinong gusto mong humalik sa'yo? Yung Zack na yun? Saksakin ko kaya yun!"inis na ding wika ni Levy.

'Aba! Nakikinig ka sa usapan namin ng Mama. Wala ka talagang modo.'lalong nainis si Giana.

'Papasok na ako ng marinig ko. Teka,bakit nagkukuwento ka ng tungkol sa lalaki kay Mama? Paano kung maisipan noon na kinakaliwa mo ako?'sabi naman ni Levy.

'Kaliwa? Kakananin kita!"sabi pa ni Giana..hampas na naman..

"Ano ba? Nakakasakit kana ha!'sabi naman ni Levy.

"Talagang bubutasin ko ang unan na ito sa'yo!"sabi pa ni Giana.

Umilag na ng umilag si Levy..hanggang sa nakakuha ng pagkakataon na mahawakan ang unan..nakipaghilahan s'ya kay Giana...hindi naman nagpatalo si Giana..nakipaghilahan s'ya sa unan..ngunit nawalan ng balanse si Giana...pabagsak s'yang napahiga sa kama...dahil nakahawak sa unan si Levy..bumagsak din ito...hindi sa kama..kundi sa ibabaw ni Giana..

Nagkatitigan ang dalawa..naghinang ang kanilang mga mata...nangungusap..unti-unti..inilalapit ni Levy ang mukha sa mukha ni Giana...palapit ng palapit..ang kanilang paghinga ay nag-uunahan..ang tibok ng puso ay waring nakikipagkarerahan...malapit na..malapit na malapit ng maglapat ang kanilang mga labi..magkahinang pa dia ang kanilang mga mata....

Konti na lang..konting kontu na lang..maglalapat na ang kanilang mga labi..ng biglang....

Kriiinggg.

Kringgg

Kriiinggg..

Tunog ng phone ni Levy...dahil sa tunog na iyon..dagling nagbalik sa katinuan ang dalawa....napatayo si Levy....napahawak sa batok..hindi malaman kung saan nagmumula ang tunog..kung nasaan ang kanyang phine..yun naman pala ay nasa bulsa ng likuran ng kanyang suot na pantalon...muntik pang malaglag sa pagmamadali....sa pagmamadali o sa kaba?..sinagot ang tawag...

Agad ding tumayo si Giana...ano ba ang gagawin nya?..lalabas?..papasok ng banyo?.magtataklob ng kumot?.o maaaring maglaho na lang s'ya ng parang bula..sa kahihiyan..

"Yes,yes, ok,ok! Bye!'wika ni Levy....sa kausap sa phone.

"Ahmmm! A-alis muna ako,m-may importangteng meeting.'paalam ng nauutal na si Levy.

'Ha, ah,eh! C-cge! I-ingat ka!'wika ng nauutal ding si Giana.

Palabas na ng kwarto si Levy..bumalik at may nakalimutan..palaabs na ulit..bumalik na naman at may nakalimutan....ulyanin na ba s'ya?..o dahil sabilis ng tibok ng kanyang puso..nalilimutan nyang mag-isip...sa wakas ay tuluyan ng naisarado ni Levy ang pinto ng kwarto..

Ng makalabas si Levy..nagtaklob ng kumot si Giana..buong katawan..baka sakaling matakpan ang nadaramang hiya...

LET THE LOVE BEGIN By: Reinarose (Book 1) (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon