CHAPTER 33:

4K 81 0
                                    

Nang makalabas ng banyo si Giana..sinalubong s'ya ng kanyang dalawang kapatid na babae.

"Ate,ok ka lang ba?"tanong ng mga ito.

"Ok naman. Pagod lang siguro."sagot ni Giana.

Nagkatinginan ang dalawang kapatid ni Giana..wari ay may gustong sabihin..nagtuturuan kung sino ang magsasabi.

"May problema ba? May gusto ba kayong sabihin sa akin?'tanong ni Giana..nahahalata n'yang atubili ang kanyang mga kapatid.

"Ate,hmmmm. Hindi kaya BUNTIS KA?'napilitan ng itanong ng mga kapatid ni Giana.

Napakunot ang noo ni Giana.

'Paano akong mabubuntis eh wala naman akong a..."napatigil sa pagsasalita si Giana..biglang naalala na bago magkabukuhan..may namagitan sa kanila ni Levy..wari ay tinakasan ng dugo sa mukha si Giana..namutla s'ya.

'Ate,noong magbuntis kasi kami. Ganyan ang sintomas. Kaya naisip namin na baka buntis ka."wika ng katapid ni Giana..

Hindi na makapagsalita si Giana..naparalisa ang kanyang buong katawan..hindi n'ya maigalaw..nanlalamig pa ang kanyang buong katawan...

'Ate,gusto mo bang samahan ka namin magpacheck-up! Para makasigurado lang tayo."wika ng kapatid.

Napatingin si Giana sa mga kapatid....natatakot s'ya sa magiging resulta..ngunit sa kaibuturan ng kanyang puso..nananalangin..na sana ay may buhay na nasa kanyang sinapupunan..

...

Kinabukasan..

Maagang umalis ang tatlong magkakapatid na babae...kailangan nilang maipacheck-up si Giana..excited na kinakabahan naman si Giana...andun ang takot din..ngunit may ligayang nararamdaman..

Nang makarating silang magkakapatid...kaunting paghihintay lang..at chineck-up na si Giana.

"Congratulations,Ma'am! Buntis po kayo!'wika ng Doctor na tumingin kay Giana..

Nag-uumapaw ang kaligayahan ni Giana ng marinig ang sinabi ng Doctor...hindi n'ya namalayan na tumulo na pala ang kanyang luha..nahawakan n'ya tuloy ang kanyang tiyan..

Masayang umuwi ang tatlo sa kanilang bahay..ngunit may pangamba si Giana..baka magalit ang kanyang Tatay..ngunit kailangang malaman na nito ang lahat..ayaw n'yang maglihim pa..malalaman at malalaman din naman nito paglumaki na ang kanyang tiyan..

"Tay,may gusto po akong sabihin sa inyo."wika ni Giana..magkakaharap silang lahat noon sa pagkain..sinabihan n'ya ang buong pamilya na huwag na munang magtinda..pahinga sabi n'ya.

'Ano yun,Anak?"tanong ng Tatay.

"Ahmmmm! Tay sana po ay wag kayong magalit pero...pero BUNTIS po ako!'nakatungong wika ni Giana.

Nagulat ang Tatay...hindi agad nakapagsalita...ngunit maya-maya ay hinawakan ang kamay ng kanyang anak.

"Di iwelcome natin ang bagong miyembro ng ating pamilya! Andito ako at ang kapatid mo para tumayong Ama n'ya!"nakangiting wika ng Tatay.

Napaluha si Giana..tumayo at niyakap ang Ama..napakabuti nito..napakamaintindihin...tumayo din ang mga kapatid ni Giana..at sabay-sabay nilang niyakap ang kanilang butihing Ama.

...

Naging mas lalo pang sumaya ang pamilya nina Giana...sa pagdating ng bagong anghel sa kanilang pamilya...at ito ay hindi nalingid kay Zack..

'Totoo ba na..na buntis ka?'tanong ni Zack..dinalaw n'ya noon sina Giana at naikwento ng kapatid nito ang kalagayan ng babaeng sinisinta..

Tumango lang si Giana..hindi na n'ya kailangang maglihim pa.

'So,anong plano mo?'tanong muli ni Zack.

'Palalakihin namin ang bata! Kahit wala s'yang Ama. Palalakihin ko s'yang mabuti.'wika ni Giana.

'Pero paglaki niya,maghahanap yan ng Daddy!'sabi ni Zack.

Hindi nakaimik si Giana...alam naman n'ya iyon..ngunit ano ba ang magagawa n'ya?...nalungkot na naman si Giana..

Si Zack..biglang hinawakan ang dalawang kamay ni Giana...at pinakatitigan..

"Giana,willing akong maging Daddy ng anak mo!'wika ni Zack..

"Ha!?'gulat na gulat na sabi ni Giana.

"Giana! Alam kong nagulat ka,pero totoo ang sinabi ko. Willing akong maging Daddy ng anak mo."ulit pa ni Zack.

'Zack,hindi mo kailangang gawin yan. Kaya naming palakihin ang bata kahit walang ama."wika ni Giana.

"Giana! Alam ko ang mga sinasabi ko. Matagal ko ng gustong sabihin ito sa'yo,ngunit alam kong wala pa sa isip mo ang mga bagay na ito. Ngayon,kailangan ko ng sabihin. MAHAL KITA,noon pa!"pagtatapat ni Zack.

Gulat na gulat naman si Giana...hindi n'ya inaasahan na mahal pala s'ya ni Zack..kaya pala ganoon na lang ang pag-aalala nito at pagtulong sa kanya..
"Huwag kang mag-isip ng masama kung bakit ako nakikipaglait sa'yo. Dati hinayaan kita dahil nakikita kong masaya ka sa kanya,ngunit ngayon gusto kong ako naman ang magparamdam ng pagmamahal sa'yo. Hayaan mo lang sana ako. Bigyan ng pagkakataon na ipakita sa'yo!"sabi pa ni Zack.

Hindi naman makaimik si Giana..hindi n'ya alam ang sasabihin..hindi mahirap mahalin ang tulad ni Zack..ngunit hindi din pedeng pilitin ang puso kung sino ang dapat at hindi dapat mahalin...ayaw n'yang gamitin ang kabaitan ni Zack....ayaw n'yang lokohin ito..dahil aminin man n'ya o hindi..hanggang ngayon..si Levy pa din ang mahal n'ya.

'Kaya kong maghintay kung kailan mo ulit bubuksan ang puso mo. Basta tandaan mo na nandito lang ako.'wika pa ni Zack.

"Zack,ayokong manggamit ng tao para lang sa kapakanan ko. Ayokong gamitin ka,dahil you don't deserve that kind of treatment. Napakabuti mo. May tamang babae na laan para sa'yo."sabi ni Giana.

"W'ala akong hinihiling kundi ikaw. Sana ay bigyan mo ako ng pagkakataon,Giana! Hayaan mong ako ang tumayong Daddy sa anak mo. Ituturing ko s'yang tunay kong anak."wika pa ni Zack.

Hindi umimik si Giana....ngunit napag-isip-isip n'ya..hindi mahirap mahalin si Zack...bakit nga ba hindi n'ya ito bigyan ng pagkakataon...

Samantala..

Eto na naman si Levy..inabot na naman ng gabi sa paghahanap kay Giana..ilang buwan na s'yang ganito..pagkatapos at wala pa ding nangyayari sa kanyang paghahanap..uupo s'ya..at haharap sa alak..lalasingin ang sarili para makalimutan ang dinadalang problema..

"Huhuhu!"impit na hagulhol ni Levy..mahina..dahil ayaw n'yang marinig s'ya ng kanyang Mama..pero wari ay nawawalan na s'ya ng pag-asahang makita at mahanap pa si Giana.

Palihim naman na nakatingin ang Mama ni Levy sa umiiyak na anak..maging ito ay nahihirapan na din sa sitwasyon nito...hindi na talaga maitatanggi na mahal na mahal na ng kanyang anak si Giana...

Hanggang sa mga sandaling iyon..nananatiling nasa wheelchair ang Mama ni Levy..hindi pa rin makapagsalita..lagi itong nakatulala...kaya lalo ng nadagdagan ang paghihirap ng kalooban ni Levy.

...

Sinabi ni Giana ang alok sa kanya ni Zack sa kanyang pamilya...at iisa lang ang naging sagot ng mga ito.

'Mabait na bata si Zack. Alam namin na mas magiging maayos ka sa piling n'ya."wika ng kanyang pamilya..

Kaya nagdesisyon na si Giana....TATANGGAPIN N'YA ANG ALOK NA KASAL NI ZACK!!

LET THE LOVE BEGIN By: Reinarose (Book 1) (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon