CHAPTER 26:

3.7K 86 0
                                    

Hindi nagawang umuwi ni Levy sa mansyon..nagtuloy s'ya sa isang bar..at doon ay nilunod ang sarili sa alak..excited s'yang umuwi..excited s'yang magpropose..excited s'yang makita at mayakap si Giana..yun pala ay may kayakap itong iba..hindi nya nakaya ang nakita..wari ay libo-libong karayom ang tumusok sa puso ni Levy..sobrang sakit..

Ilang bote na ng alak ang kanyang naiinom..ngunit hindi pa din mawala ang sakit na kanyang nararamdaman..susuray-suray s'yang umalis ng bar..at saka nagmaneho ng kanyang kotse...

Wari ay nasa zigzag na daan si Levy..giwang-giwang ang pagpapatakbo nito ng kotse..nanlalabo pa ang paningin dahil sobrang lasing na..ngunit alam nya ang tinatahak ng kanyang kotse...alam na alam nya..

Samantala..

Malalim na ang gabi ay hindi pa din makatulog si Giana..napadungaw s'ya sa bintana ng kanyang kwarto..sobrang panibugho ang kanyang nararamdaman..sobrang sakit..akala talaga nya ay may nararamdaman na talaga para sa kanya si Levy..yun pala ay kasali pa sa pagpapanggap nila..syempre naman..baka mag-iba s'ya kapag hindi s'ya nito inamo..baka magback out nga naman s'ya..

Tumulo na naman ang luha ni Giana...pagalit nyang pinahid ang luhang pumatak sa kanyang mga mata...tatalikod na sana s'ya at hihiga na sa kanyang kama ng biglang may dumating na rumaragasang kotse..sinilip iyon ni Giana..at nagulat s'ya ng makitang kotse iyon ni Levy..at lalo pa s'yang nagulat ng makitang susuray-suray na bumaba buhat sa kotse ang lasing na lasing na si Levy..

Kay bilis ng tibok ng puso ni Giana ng masilayan ang dahilan ng kanyang pagluha..at the same time..nagulat s'ya ng makita itong dumating na at lasing na lasing pa agad s'yang bumaba upang puntahan ito..bago pa magising ang kanyang mga kasama sa bahay.

"Levy,anong ginagawa mo dito? Kailan kapa dumating? Bakit lasing na lasing ka?"sunod sunod na tanong ni Giana.

"Ikaw! Ikaw ang dahilan!"wika ng lasing na si Levy.

"Ako? Ano ba yang pinagsasasabi mo ha?"naguguluhang tanong ni Giana.

"Bakit mo nagawa sa akin ito? Bakit?"sigaw na ni Levy.

"Ano ba yang pinagsasasabi mo ha?"wala talagang maintindihan si Giana.

"Bakit mo ako sinasaktan? Bakit?"sigaw na naman ni Levy.

"Ha! Ako pa! Ako pa! Ikaw,bakit mo ginagawa sa akin ito?'sigaw na ni Giana...s'ya pa ang nananakit ..eh ito nga ang sinaktan s'ya ng sobra.

"Ako? Ako ang nasaktan! Ako ang nahihirapan!"wika ni Levy..pinapalo pa ang sariling dibdib..

"Tumigil kana! Umalis kana! Binubulabog mo lang ang mga taong natutulog."wika ni Giana.

"Ahh! Bakit,dahil babalik dito ang LOVERBOY mo ha?"sigaw ni Levy.

"Ano? Wag mo akong pagbibintangan ha!"wika ng galit na si Giana.

"Kita ko! Kitang kita ko kaya wag kanang magsinungaling pa!'sigaw din ni Levy..

"Levy! Nagkaaway ba kayo ng NOBYA mk kaya ang galit ay sa akin mo ibinubunton ha?'galit na tanong ni Giana.
Hindi umimik si Levy..nakatitig lang ito kay Giana.

"Di ka makaimik? Dahil totoo! Bakit ka nagsinungaling sa amin ni Mama?"sumbat na ni Giana.

"Oo! Oo,s'ya ang pinuntahan ko!'sigaw ni Levy.

"Kita mo na! Tapos ako ang sasabihan mo na nananakit! Ako ang pagbibintangan mo sa mga bagay na hindi ko ginawa!'wika ni Giana..nangingilid na ang kanyang mga luha..masakit marinig ang katotohanan..

"Pinuntahan ko s'ya para kausapin."sabi ni Levy.

"Tama na! Ayoko ng marinig ang mga sasabihin mo!"awat ni Giana.

"Bakit? Bakit ayaw mong marinig ang mga sasabihin ko? Dahil narinig mo na sa kanya,ha?"may hinanakit na wika ni Levy.

'Tumigil kana! Umalis kana! Ayokong marinig ang mga kasinungalingan mo!'wika pa ni Giana..akmang tatalikod na para pumasok sa bahay ng pigilin ito ni Levy.

"Bakit ayaw mong marinig ang mga sasabihin ko? Bakit ayaw mong marinig ang dahilan ko?"may hinanakit na makikita sa mga mata ni Levy..hinawakan nito sa dalawang braso si Giana at iniharap sa kanya.

'Dahil puro kasinungalingan lang ang sasabihin mo!"wika ni Giana..pilit kumakawala sa pagkakahawak sa kanya ni Levy.

"Bakit ayaw mong marinig ang dahilan ko kung bakit ko s'ya pinuntahan? Bakit ayaw mong marinig ang sasabihin ko kung ano ang nilalaman nito? Kung sino ang isinisigaw nito? Bakit ayaw mong marinig?"wika ni Levy..itinuro pa ang kanyang dibdib.

"Tama na!"wika ni Giana..ang luha ay tuluyan ng pumatak..ayaw nyang marinig na hindi s'ya ang itinitibok ng puso nito.

'Bakit? Bakit ayaw mong marinig na IKAW,IKAW ang dahilan kung bakit kailangan ko s'yang makita at makausap! Na IKAW ang dahilan kung bakit biglang nagbago ang tibok ng puso ko! Na IKAW ang dahilan kung bakit kailangan kong makipaghiwalay na sa kanya. Na IKAW ang itinitibok ng puso ko! Na IKAW ang MAHAL KO!"amin ni Levy sa tunay na nararamdaman..habang malamlam ang tingin kay Giana..wari ay babagsak na ang luha sa kanyang mga mata.

Napatitig si Giana sa mga mata ni Levy..tinatantya ang katotohanan sa mga ipinagtapat nito..panay din ang lunok nya..ang luha sa kanyang mga mata ay biglang nahinto.

"Maha kita! Hindi ko alam kung paano nagsimula! Basta naramdaman kong mahal na kita! Kaya nasaktan ako ng sobra ng makita kong yakap yakap mo ang lalaking iyon! Gusto ko kayong sugurin! At sa harapan mo ay patayin ang lalaking iyon!'bigla ang panlilisik ng mga matani Levy..

Naalala naman ni Giana ang sinasabi ni Levy na kayakap nyang lalaki..ng biglang maalala si Zack.

"Wala kaming ginagawang masama ni Zack! Pinagagaan lang nya ang loob ko!"sabi naman ni Giana.

"Kaya nagpayakap ka sa kanya!"galit na wika ni Levy.

'Dahil sobra akong nasaktan. Kailangan ko ng balikat na maiiyakan,para mabawasan ang sakit na nararamdaman ko! Dahil sa katotohanang nagsinungaling ka para lang puntahan ang nobya mo! Ang katotohanang umasa ako sa matatamis mong salita,na sa bandang huli at puro kasinungalingan lamang! Sa katotohanang mahal mo pa din s'ya at hindi AKO! Sa katotohanang MAHAL KITA! KAHIT MAHAL MO S'YA!'muli na namang umagos ang luha sa mga mata ni Giana..

Sa pagkakataong iyon..si Levy naman ang natigilan sa narinig..maging ang mga kapatid at Tatay ni Giana na lumabas ng bahay upang tingnan ang gulong nangyayari ay napatigil sa may pinto..mukhang hindi na sila kailangan ng mag-asawa..nagkaaminan na eh..pinapasok ng Tatay ang mga anak..itutulog na lang nila kesa makichika..bukas natitiyak nilang ok na ulit ang mag-asawa.

"Pinuntahan ko s'ya para alamin ang kasagutan sa naguguluhan kong puso. Hindi ko maamin sa'yo ang nararamdaman ko dahil may relasyon pa kami. Pero ng makita at makausap ko na s'ya,nasigurado ko na. IKAW ang laginkong hinahanap. Dahil IKAW ang pinili ng puso ko. Mahal kita,Giana! Maniwala ka!"wika ni Levy..hinawakan ang luhaang mukha ni Giana.

"Wala din kaming relasyon ni Zack. Kaibigan lang ang turing ko sa kanya. Nasaktan lang ako ng sobra dahil ang hirap sa pakiramdam na mahal kita pero mhal mo s'ya."amin din ni Giana.

"I'm soryy kung nagsinungaling ako sa'yo! Ayaw ko lang na bigyan ka ng isipin. Maniwala ka,mahal kita!"sabi pa ni Levy.

"Wala na talaga kayo?"tanong ni Giana.

"Wala na! Wag ka na magpapayakap sa lalaking iyon ha! Papatayin ko iyon! Kahit dait sa balat mo,wag s'yang magtatangka."wika ni Levy.

"Eh paano kung nasa simbahan tayo. Nakatabi ko s'ya,tapos nakanta ng AMA NAMIN! Diba hawak kamay yun?"wika ni Giana.

"Di ako sa gitna! Basta wag kang makikipag dait ng katawan mo dun!'nakangusong wika ni levy.

"Eh pano kung kami ang magkapartner sa sayaw. Alangan naman na di nya ako hawakan!"hirit pa ni Giana.

"Tawagin ko ako at ako ang papartner sa'yo!"sagot naman ni Levy..

Napangiti na lang si Giana..ganoon din si Levy..at nagkatitigan sila.

'Ayaw ko ng mauulit ito ha! Pag-usapan nating mabuti ang lahat ha!"sabi ni Levy.

Tumango naman si Giana..na may ngiti sa kanyang mga labi..ilang saglit pa..naglapat na ang kanilang mga labi..wari ay sabik na sabik sa bawat isa..ang anumang hindi napagkaunawaan ay naayos na..

LET THE LOVE BEGIN By: Reinarose (Book 1) (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon