CHAPTER 21:

3.8K 87 2
                                    

Matapos mamasyal...inihatid lang ng mag-asawang Giana at Levy ang pamilya ng una sa bahay ng mga ito saka magkasabay na umuwi ng mansyon...mahahalata sa mukha ng dalawa ang labis na kaligayahan...wala mang namamagitang salita sa oanila habang nasa biyahe..wari ang puso nila ang s'yang nag-uusap..

Nang makarating ng mansyon..sabay na bumaba ng kotse ang mag-asawa....uuna na sanang lumakad si Giana ng sabayan s'ya ni Levy..at saka ay akbayan..napatingin si Giana dito...isang matamis na ngiti lang ang itinugon ni Levy..syumipol pa...ngumiti na din si Giana...at sabay silang humakbang papasok ng mansyon..

"Good evening,Ma!"bati ni Levy sa Mama nakita nila itong nakaupo sa salas.

Isang ngiti naman sa labi ang pinakawalan ng Mama..mukha yatang ok na ang dalawa...at mukhang masaya ang mukha ng mga ito..nakaakbay pa ang kanyang anak sa asawa.

"Hija,namiss kita!'wika ng matanda..tumayo at sinalubong ng yakap ang papalapit na manugang.

"Ma,I missed you too."sabi naman ni Giana..totoo yung nararamdaman nyang iyon.

"Sabi ko na nga ba at hindi ko na hahanapin ang anak ko kung saan natulog kagabi. Kumbaga,kung nasaan ang TAE andun ang LANGAW!!"wiia ng natatawang Mama.

"Ma,TAE talaga ang pagkakaekplenasyon nyo sa akin eh!'natatawang nagpapadyak si Giana.

"Sweetheart,hayaan mo na! Sa lahat ng TAE,ikaw ang pinakamabango!"wika ng nakangiting si Levy.

"Aysus! Dumali kang LANGAW ka!"pairap na wika ni Giana..

Sabay sabay na nagkatawanan ang tatlo..lumapit pa si Levy sa dalawang babae..at sabay na niyakap ng mahigpit..at binigyan ng tig-isang halik sa noo ng mga ito..

Yumakap din ang dalawang babae sa bewang ni Levy..ang sayang tingnan ng tatlo..habang malalakas ang tawanan..habang mahigpit ang yakapan..makikita mo ang isang masayang pamilya...

Kinabukasan...

Lunes na naman..pasukan na naman sa Unibersidad nina Giana..nakahanda na si Giana pumasok ng habulin s'ya ni Levy..

"Sweetheart,ako na ang maghahatid sundo sa'yo, simula sa araw na ito!'wika ni Levy.

"Wag na,mapapalayo kapa sa trabaho mo."wika naman ni Giana.

'Ok lang! Basta ako na ang maghahatid at sundo sa'yo! Tapos!'wika ni Levy..binuksan ang unahang pinto kung saan sasakay si Giana...Irene lahad pa ang kamay na wari ay nagsasabing.."maaari ka ng pumasok,prinsesa!"...

Isang ngiti lang ang itinugon ni Giana..at saka pumasok na sa nakabukas na pintuan ng kotse..nagmamadali ding pumasok si Levy sa kabilang pinto..at agad na pinaandar ang kotse..

Maya maya pa ay narating nila ang Unibersidad na pinapasukan ni Giana...mabilis na bumaba ng kotse si Levy..at pinagbuksan ng pinto ang asawa..

"Salamat ha!"wika ng nakangiting si Giana.

"Welcome,sweetheart!"sabi ni Levy..ngunit palihim na inilinga ang paningin..at tamang naispatan ang gustong makita.

"Yngat ka at galingan mo sa pag-aaral ha!'sabi pa ni Levy..sabay hapit sa bewang ni Giana..at siniil ng halik ang labi nito..As In sa harap ng eskwelahan..AS IN sa harap ng maraming estudyante.AS IN sa harap ni Zack..

Nanlaki naman ang mga mata ni Giana...kahit baga nagustuhan nya..nagulat talaga s'ya..ang daming nakikiusyoso tuloy sa kanila....humihingal silang pareho ng bitiwan s'ya ni Levy..

'Good girl ka ha! Babalik ako mamaya,sabay tayong maglunch!'wika ni Levy..pinisil pa ang ilong ng natulalang si Giana..saka ngumiti...at maya maya pa ay sumakay na ng kanyang kotse..

Nakaalis na si Levy..ngunit nanatiling nakatulala si Giana...wari ay naPARALIZE s'ya ng halik nito...kung hinri pa may sumiko sa oanya na kaibigan..di pa s'ya makakabalik sa katinuan..

"Ano daw yun? Halik ng Papa! Malihim kang babae ka ha. Ang gwapo ng Fafa mu!'wika ng kaibigan/kaklase ni Giana..

"FAFA? FaFaLIPITIN ko yang leeg mo kung di ka titigil ng kakausyoso!'wika ng nakairap na si Giana..istorbo..ninanamnam pa nya ang halik ng asawa eh..

"Aysus! Ka damot! Akala mo ay aagawan!"wika ng kaibigan.

"Tse!"wika ni Giana..saka nagmamadaling lumakad papasok ng Unibersidad...nakita nyang nakatayo si Zack..

"Morning!'nakangiting bati ni Giana dito.

"Ang init ng morning mo ah!'may mababakas na kakaiba sa tinig ni Zack.

"O,e ano naman klaseng bati yan! Parang may nasesense ako."singit na naman ng kaibigan ni Giana..

Hindi naman napansin ni Giana ang sinabi ng kaibigan..napatingij iti sa relo..

"Five munites na lang,late na tayo! Dalian nyo,takbo!'wika ni Giana..at saka tumakbo papunta sa kanilang classroom..hindi nito napansin ang biglang pananamlay ni Zack..ang pagbuntong hininga nito..at ang biglang kawalang sigla ng mga mata nito..

Lunch break...

"Giana,sabay na tayong maglunch!"yaya ni Zack sa kaklase.

Hindi naman nakaimik agad si Giana...sinabihan s'ya ni Levy na sabay na silang maglulunch..nasa labasan na nga s'ya..magsasalita na sana s'ya ng biglang dumating ang sasakyan ng asawa..

Buhat sa papalapit na sasakyan ni Levy..nakita na naman nyang magkasama at magkausap si Giana at ang Zack na iyon..makakasaksak na talaga s'ya...agad nyang ihinto ang kotse sa harapan ng mga ito..bumaba..at nagpaskil ng ngiti sa mga labi..agad na nilapitan ang asawa.

"Hi,sweetheart!'bati ng nakangiting si Levy..sabay kintal ng halik sa labi ng asawa..

Gulat na naman si Giana..nakakahiya..pero nagugustuhan naman nya ang ginawa nito..kaya hindi na nya sinaway o inaway ang asawa.

"Hi, you must be Zack? Right?'baling ni Levy sa kaklase ni Giana.

"Yes!'tugon ni Zack.

"I knew it! By the way,I'm Levy! Giana's HUSBAND!'pakilala ni Levy sa sarili..

Nagulat si Giana ganoon din si Zack..tiningnan nito ang katabing si Giana..hindi ito makatingin sa kanya...wari ay nasagot ang gusto sana nyang itanong.

"Ah! Nice to meet you,pare."sabi ni Zack.

"Nice to meet you,too."wika naman ni Levy...binalingan ang asawa.

"Sweetheart,let's go! Ine hour lang ang free time mo."wika ni Levy..

Tumango lang si Giana..at naglakad papalapit sa kotse ng asawa...

"Bye,Zack!'tanging nasabi ni Giana...saka tuluyang sumakay ng kotse...agad na hinaharurot ni Levy ang kotse...may ngiti sa mga labi..may ningning sa mga mata....

Palihim namang tinitingnan ni Giana ang katabi..mukhang masaya ah..pero bakit imbis na magalit s'ya dahil pinangalandakan nitong mag-asawa sila,may saya pang naramdaman ang kanyang puso...wala s'ya sa mood makipagtalo ngayon...ngumiti din s'ya..sinabayan ang saya ng kanyang asawa...

LET THE LOVE BEGIN By: Reinarose (Book 1) (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon