CHAPTER 2

16.6K 243 8
                                    

"MEETING ADJOURNED!" Mariing tumayo si Thaddeus pagkatapos niyang sabihin iyon.

Pinatawag niya ang mga manager ng bawat departamento ng kumpanya para sa mga report at kailangan gawin para mas lalo pang umangat ang kanilang kumpanya. Nagtaka ang mga ito dahil ang aga ng pa-meeting ng boss nila. Buti na lang maaga ang lahat pumapasok. Pagpatak palang ng alas singko ng umaga dapat ang lahat ay nasa kumpanya na.

Thaddeus running an oil company. Simula palang ng itayo niya iyon ay umangat na kaagad iyon hanggang ngayon. He's the CEO and at the same time, the owner of the company.

Nang lumabas na ang lahat ay sumunod na si Thaddeus sa mga ito. Hindi na siya bumalik pa sa kaniyang opisina at dumako na lang sa elevator. Balak niyang umuwi muna dahil sa opisina na siya mismo natulog. Wala naman kasi siyang uuwian sa bahay niya.

He's already 37 years old yet, he's still don't have a wife nor girlfriend. He's no girlfriend since birth. Ayaw niya talagang matali. Ayos naman sa kaniya ang walang asawa. Ayon sa kaniya, "no girl, no heartaches and headaches." Matagal niya na iyang itinatak sa utak niya na hanggang ngayon ay pinanghahawakan niya pa rin. Hindi niya rin makita ang sarili na may kasamang babae at kasal.

Kung may makababali man sa kaniyang sariling pananaw, iyon ang hindi niya alam.

Nang nasa parking lot na ay sumakay kaagad siya sa kaniyang kotse. He starts its engine and maneuvered it went to his home.

Dahil sa hindi naman traffic ay kaagad siyang nakarating sa kaniyang bahay. His safe haven-his home.

A two-storey house. Maayos ang pagkakadesinyo. Isang tingin mo pa lang sa bahay ay malalaman mo na kaagad na mahal ang mga materyales na ginamit doon. At ang pagkakagawa nito ay talaga namang matibay na kahit ilang taon pa iyong hindi ipaayos at tamaan ng kahit anong sakuna tulad nang malakas na bagyo at lindol ay hindi iyon matitibag.

Dineretso niya ang kaniyang kotse sa parking lot pagkatapos ay lumabas na siya. Inilagay niya ang susi sa kaniyang bulsa at pumasok na sa bahay.

Nang makapasok na ay tinanggal niya ang suot na coat. Leaving his white longsleeve. Nakadi-kuwatro siyang umupo sa single couch.

His eyes diverted to his father and mother painting. He misses his parents. His mother passed away when he was 30 years-on his birthday, while his father died 3 years ago. Kaya imbis na sa family house nila siya tumira ay nagpagawa siya ng kaniyang sariling bahay dahil naalala niya ang mga masasayang alaala nilang mag-anak doon. Bago pa man siya tuluyang lamunin ng lungkot ay inalis niya na ang tingin doon.

Tumayo siya at pumunta sa lugar kung saan naroon ang iba't ibang mamahaling alak. Kinuha niya ang Jack Daniels at kumuha ng wine glass. Inilagay niya iyon sa maliit na bar counter at nagsimulang uminom. Natural na niyang gawain iyon. Pampatanggal ng lungkot sa tuwing namimiss niya ang kaniyang mga magulang.

Ilang minuto lang ay natapos na siyang uminom. Tinakpan niya ang bote ng alak at iniwan na lamang ang basong ginamit.

Umakyat na siya sa kaniyang kuwarto at nahiga sa kama nang makapasok. Mamaya lalabas siya sa kuwarto para magluto ng kaniyang kakainin. Sanay siya sa mga gawaing bahay dahil kahit dati pa man ay ayaw niya na talagang inaasa ang mga iyon sa iba. Lalo na nang tumira siya sa ibang bansa para tapusin ang pag-aaral. Mag-isa siya sa kaniyang apartment kaya natuto siyang pagsilbihan ang kaniyang sarili.

Sa dami ng mga babaeng nagpapakita ng motibo nang pagkagusto sa kaniya ay ni-isa man lang walang nakakuha ng interes niya.

Sabi nga ng kaibigan niya na si Roi Hontiveros, "nabuhay siyang walang sex life, mamamatay siyang walang sex life." Umiiling na lamang siya sa tuwing sinasabi iyon ng kaibigan niya. Nakilala niya iyon nang minsang napasama siya sa gulo noong nasa ibang bansa pa siya. Limang taon lamang ang tanda nito sa kaniya. Gusto niyang makilala ang nag-iisang anak nitong babae.

Ilang beses na siyang inaya ng kaibigan sa bahay nito para ipakilala ang anak nito ngunit palaging hindi natutuloy dahil masyado siyang abalang tao.

Kinuha niya ang kaniyang cellphone sa bulsa nang suot na pantalon. Binuksan niya iyon at pinindot ang app na tong-its. Iyon ang palaging nilalaro niya sa tuwing nakahiga siya sa kaniyang kama at hindi makatulog. Kapag nabuburyo ay ang solitaire naman ang sunod niyang nilalaro.

"Putangina!" he uttered. Nag-fight ang isa niyang kalaban kahit wala pa siyang down. He's burned that's why he don't have a chance to fight and win.

Ilang beses na siyang natatalo kaya tumigil na lamang siya sa paglalaro niyon. Ang solitaire app naman ang nilaro niya.

Nanggigil na pinipindot-pindot niya ang kaniyang cellphone dahil talaga yatang minamalas siya ngayon dahil sa ilang beses niyang paglalaro ay hindi man lang siya makabuo.

Lumipas ang oras na hindi pa rin siya nakakabuo dahilan para tumagis ang kaniyang mga bagang. Sa inip, pabagsak niyang inilapag ang kaniyang selpon sa higaan.

Tumayo siya sa pagkakahiga, pagkatapos ay hinubad niya ang kaniyang suot na longsleeve at isinunod and slack at sapatos.

He stormed out on his room wearing only his boxer.

Nang nasa sala na siya ay kaagad siyang pumunta sa kusina. Sa refrigerator kaagad siya unang lumapit para tingnan kung ano ang naroon na p'wede niyang maluto para sa pananghalian niya. Matagal na noong nag-grocery siya kaya hindi na siya magtataka kung wala na siyang makita pa roon.

Pagbukas niya sa refrigerator, tanging itlog at hotdog na lamang ang naroon na puwede niyang lutuing pang-ulam.

"Oh fuck! Mayroon naman akong itlog at hotdog tapos ito pa ang puwedeng iulam. I'm too stupid to forget to buy." Umiling na lamang siya at kinuha ang itlog. Iyon na lamang ang lulutuin niya dahil wala naman siyang pagpipilian.

May tira pa namang kanin dahil nagsaing siya kanina para sa almusal. Mas gusto niyang kumain sa umaga na mainit ang kanin. Ayaw niyang mag-sinangag, kaya sinisigurado niya na ang niluluto niya na pang-hapunan ay walang matitira.

He opened the stove and started to cook the egg in sunny side up.

Madali lang namang maluto ang itlog kaya ilang minuto lang ay natapos at pinatay niya na rin ang stove.

He look at his rolex and found out at that it was already 11:00am.

Kumain na lamang siya, pagkatapos ay bumalik siya sa kaniyang kuwarto para maligo. Nang makapasok ay kaagad siyang dumako sa shower room.

He took off his boxer then placed himself under the shower and he opened it. He felt sudden relaxation when the cold breeze of water envelopes his body. It was too refreshing. He shuts his eyes, savoring this feeling.

Pagkatapos niyang maligo ay kaagad siyang lumabas sa shower room na nakatapis ang puting tuwalya sa ibabang parte ng katawan niya.

He was on the midst of wearing his underwear when his phone rang. He picked up his phone and tapped the answer button.

"Bud, are you free later at 6pm?" bungad ng nasa kabilang linya.

"Yes. Why?" He combed his hair using his finger.

Tumutulo ang tubig sa kaniyang buhok pababa sa katawan niya.

"You want to meet my daughter, right?"

"Uhm, yes."

"Fuck you, bud. Ang tipid mong sumagot para kang palaging may pinaglalaanan gayong gan'yan ka naman sa iba." Thaddeus heard his friend laughed.

"I'll go at your house by 6pm. Huwag mo na akong guluhin. I will sleep. My goddamn head was aching!" aniya saka inilapag ang cellphone sa higaan niya para ipagpatuloy na ang pagsuot sa kaniyang brief.

"Okay. I'm expecting you to come. I'll ask Minda to cook more foods."

Hindi sumagot si Thaddeus at pinatay na lamang ang tawag. Binilisan niya na ang pagbibihis, pagkatapos ay tinuyo niya ang kaniyang buhok gamit ang tuwalya. Nang matapos ay kung saan niya na lamang ibinato iyon at padapang ibinagsak ang kaniyang katawan sa higaan.

Hindi niya alam kung bakit may kakaiba siyang naramdaman nang sabihin ng kaniyang kaibigan na ipakikilala nito ang anak sa kaniya-matagal niya na iyong gusto. Hindi niya iyon maintindihan. Kakaiba at hindi ito pamilyar sa kaniya.

Umiling na lamang siya at ipinikit ang kaniyang mga mata.

Her Daddy's FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon