CHAPTER 24

7.8K 98 5
                                    

“ARE YOU sure that you don’t want me to accompany you?” Thaddeus uttered.




Kasalukuyang nasa tapat na sila ng kotse ni Sheena na ngayon ay katabi na ang kotse ng binata na kanina lang ay iniwan nila sa bar nito.




“Yes. Kaya ko naman saka baka magpang-abot lang kayo ni Dad,” giit naman ni Sheena na handa nang pumasok sa kotse.




“I can handle your father. But letting you go alone, it is not fine with me. Gabi na at baka mapano ka pa sa daan.” Ang mga mata ng binata ay nagsusumamo.




Binitawan ni Sheena ang pagkakahawak sa pintuan ng driver’s seat. Lumapit siya kay Thaddeus saka hinawakan ang balikat nito. Kumapit naman sa bewang ng dalaga si Thaddeus.




“Kaya ko naman. Don’t worry about me,” she retorted then smile again.




“But, sweetheart, hindi ako mapapanatag. Convoy lang tayo. Please!” Pamimilit pa rin ng binata.




Wala nang nagawa pa si Sheena kung hindi ipikit na lamang ang kaniyang mga mata dahil sa mukha ng katipan na nagpapaawa.




“Okay,” sumusukong usal ng dalaga na ikinangiti naman ng binata.




“Let’s go.” Kinabig ni Thaddeus ang bewang ni Sheena palapit sa kaniya saka ito masuyong hinalikan sa noo na ikinapikit ng mga mata nito.




Maya-maya pa ay pumasok na si Sheena sa kotse niya. Si Thaddeus ang nagbukas at nagsara ng pinto na ang mga ngiting kanina pa nakapaskil sa kaniyang labi nang sagutin siya ng dalaga ay hindi pa rin nawawala. Hindi na yata iyon mawawala pa.




Pumasok na rin ang binata sa kaniyang kotse. Nang magsimula nang magpaandar ng kaniyang sasakyan si Sheena ay binuhay na rin ni Thaddeus ang kaniyang kotse. Ilang sandali pa’y magkasunod na nilang tinahak ang daan palabas sa teritoryo ng binata.

















“KAILAN ka pa umuwi?” ani Roi nang dumatal sa kanilang bahay si Margarette Arenas, kaibigan niya na dating patay na patay kay Thaddeus.




She’s a fashion designer and a model, and owner of the well-known wine industry in Canada. She’s already at her 40's but she still looks beautiful and stunning. To those person who didn’t know her will think that she’s just on her 20's.




“Just this morning.” Ininom ni Margarette ang wine na nasa kaniyang kopita na ibinigay sa kaniya ni Roi.




“Ano ang nakain mo at napauwi ka sa Pilipinas. I thought you’ll be staying in Singapore,” pinaglalaruan ang wine glass na usal ni Roi.




“I’m still a citizen of this country. Uuwi ako rito kahit anong oras at kahit kailan ko gusto!” Umirap si Margarette saka inubos na ang wine.




“Wala naman akong sinabi na hindi ka na mamamayan ng bansang ito. I’m just shock because after so many years, naisipan mong umuwi,” tugon ni Roi.




“I’m planning to stay here hanggang kailan ko gusto. I’m here to negotiate in some famous bar here in the Philippines na sa ’min na lang bumili ng alak. And maybe to try to be a fashion designer and a model in this country.”




“That’s good but I know there’s more. Spill it!” ani Roi na nagmumukhang tsismoso.




“The main reason is to make my love of my life mine.” Ngumisi si Margarette saka nilagyan ulit ng alak ang kaniyang kopita.




Her Daddy's FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon