ILANG LINGGO pa ang lumipas. Naging abala sina Thaddeus at Sheena kaya ilang linggo din silang hindi nagkita. Nag-uusap lamang sila thru phone calls.
Halos isang buwan na rin noong huling may nangyari sa kanila ni Thaddeus at iyon ang ikinabahala ni Sheena.
Dalawang linggo nang naghihintay ang dalaga na datnan siya gaya ng kaniyang inaasahan ngunit wala pa rin siyang nararamdaman na kahit anong senyales na magkakaroon siya ng buwanang dalaw. Ito na ang pangatlong linggo na delay siya kaya mayroon nang naglalaro sa kaniyang isipan na posibleng dahilan niyon, pero ayaw niyang mag-assume.
Kapansin-pansin din ang biglang paglubo ng katawan niya. Tumataba siya. Pinuna iyon ng kaniyang Mama Minda pero nagkibit balikat lamang siya saka sinabi na baka dahil lang iyon sa malakas na pagkain niya sa mga nakaraang linggo.
Isang umaga, bihis-bihis ang dalaga para pumunta sa kanilang kompanya para pormal siyang ipakilala ng kaniyang ama sa board member. Ngunit biglang nag-iba ang pakiramdam niya. Parang may humahalukay sa tiyan, lalo na nang lumapit siya sa hapag-kainan nila.
Gustong-gusto niya ang bacon na niluluto ng Mama Minda niya para sa almusal pero nang umagang iyon, hindi niya nagustuhan ang halimuyak na nagmumula roon. Pakiramdam niya babaliktad ang kaniyang sikmura kaya dali-dali siyang pumunta sa cr sa kusina at doon ay nagdududuwal na puro tubig lang naman ang laman. Nang matapos ay lumabas siya roon.
“What’s happening to you?” nag-aalang tanong ng kaniyang ama sa dalaga, “Are you okay?”
Tumango ang dalaga saka marahang hinilot ang kaniyang noo. Bigla siyang nakaramdam nang pagkahilo. Naramdaman niya rin na parang babagsak siya. Hindi nga nagtagal ay naramdaman niya ang pagsalo sa kaniyang ama bago siya mawalan ng malay-tao.
Kaagad na binuhat ni Roi ang kaniyang anak at tarantang lumabas sa kanilang bahay papunta sa garahe. Dadalhin niya ito sa hospital para alamin ang kalagayan nito kung bakit bigla na lang iyong nagsusuka at nahimatay.
Magkasama sila ni Minda na tumungo sa pinakamalapit na hospital. Pagkarating nila roon ay kaagad namang inasikaso ng mga nurse at iilang doctor si Sheena.
ILANG MINUTO na nang ipasok si Sheena sa kuwarto. The doctor did some check ups on her. Mahimbing na natutulog pa rin si Sheena.
Saktong pagbukas ng pinto ay ang pagdilat naman ng mga mata ni Sheena.
“D-Dad, what happened?” mahinang usal ni Sheena kaya napabaling sa kaniya ang ama niya.
Lumapit si Roi kay Sheena. “Bigka ka na lang nahimatay after mong sumuka. I’m worried, Princess. I’m glad that you’re already awake. What’s with you? Are you sick? In just a weeks, there’s a lot of changes happened to you. Especially your weight and you sometimes became moody.” Bakas sa mukha ni Roi ang pag-aalala sa mukha nito.
“I’m fine, Dad. I’m sure of that,” tanging nasambit na lamang ni Sheena.
They heard the doctor chuckled that’s why their attention diverted at him. While Minda already has a thought about Sheena's condition but she doesn’t want to burst it out. The doctor was there to tell about it.
“You don’t have to worry, Mr. Hontiveros. You’re daughter is fine. Normal lamang ang mga pagbabagong nararanasan niya at mga morning sickness na nararamdaman niya. 90% percent of pregnant women experiences that. I’m glad to announce that your daughter is three weeks pregnant, Mr. Hontiveros. May bagong dadagdag sa pamilya niyo.” Ngumiti ang doctor kay Sheena, ganoon din sa kaniyang ama at Mama Minda. “You better go to an OB-GYNE for a further check ups. I can only give these vitamins and supplements para pangpakapit sa bata. Congratulations, Ms. Hontiveros. You’ll gonna be a mother soon. Maiwan ko na kayo. I still have patients to check. Congratulations again!” Baling nito kay Sheena saka ngumiti pa.
BINABASA MO ANG
Her Daddy's Friend
General FictionCOMPLETED! || R-🔞 || M A T U R E D C O N T E N T || STRICTLY NOT SUITABLE FOR YOUNG READERS. BLURB; SHEENA HONTIVEROS a woman who was not into a relationship with an age gap. THADDEUS VINZON a man who was not into a relationship. He's contented h...