CHAPTER 4

14.3K 188 2
                                    

IT WAS already 10pm in the evening but Sheena was still awake.

Ngayon lamang siya naubutan nang alas dies na gising pa rin.

Sleeping at exactly 8pm was her routine but look at her now, she’s still awake and rolling around her bed.

Pati ang sapin ng kaniyang kama ay gusot-gusot na. Wala na sa ayos kagugulong-gulong niya. Alam niya ang dahilan kung bakit hirap siyang makatulog ngayon, ngunit hindi niya maamin ito sa sarili niya. Wala siyang balak aminin iyon sa kaniyang sarili.

Ginugulo ang isip niya nang guwapong mukha ng kaibigan ng kaniyang ama. Ngayon niya lamang nakita ang binata pero saulo na ng isip niya ang mukha nitong litaw na litaw ang kurba ng panga. Tindig palang nito ay talaga namang luluhuran na. Idagdag pa ang mukha nitong makalaglag panga at mata.

“Gusto ko nang matulog!” pasigaw na ani Sheena saka isiniksik ang kaniyang mukha sa unan na hawak niya.

Gusto niyang matulog ngunit kapag pumipikit na siya ay naroon, nakikita niya ang mukha ni Thaddeus.

Nasa ganoon pa rin siyang sitwasyon nang biglang tumunog ang kaniyang iPhone. Napabalikwas siya at kaagad na kinuha iyon.

Ano kaya ang nakain ng bruhang ito at napatawag nang ganitong oras?

Nakakunot ang noo na sinagot niya ang tawag ng kaniyang kaibigan na si Yna.

“Bestie, may bagong bukas na bar. Gusto mong sumama sa akin? Pupunta ako roon. Sabay boy hunting. I’m sure that there’s a lot of hot guys there.” Sa sunod-sunod na pagsabi at sa lakas nito ay nailayo ni Sheena ang kaniyang cellphone sa tainga niya.

“Muntik nang mabasag ang eardrum ko sa iyo, Bestie. It’s already late. Baka pagalitan ako ni Daddy. Alam mo naman iyon, overprotective.”

“You’re already in the legal age. For sure, tito Roi would not get mad at you. Come on, Bestie. Samahan mo na ako!” pangungumbinsi ni Yna sa kaniya. Palibhasa wala ang mga magulang nito kaya nagagawa nito ang lahat ng naisin nitong gawin.

Napapikit na lamang si Sheena dahil sa pangungulit ng kaniyang kaibigan. Kung hindi naman siya sumama rito, tiyak na magtatampo ito sa kaniya. Kilala niya na ito. Simula bata pa lang ay magkaibigan na sila ni Yna. Alam niya kung ilang beses na itong umiyak dahil sa mga lalaki. Palaging niloloko dahil ang mga nagiging nobyo ng kaniyang kaibigan ay mas matanda pa rito. Isa rin iyong dahilan kung bakit ayaw niya sa mga lalaki na mas matanda sa kaniya dahil panigurado na lolokohin lamang siya ng mga ito dahil mas bata siya rito.

Sa kabila nang pagiging bigo ng kaibigan niya sa pag-ibig ay hindi pa rin ito nadadala. Naghahanap na naman ito ng lalaking magiging nobyo nito.

Nag-isip isip siya kung sasama siya sa kaibigan. Paniguradong lagot siya sa kaniyang Daddy kapag nalaman nitong lumabas pa siya gayong kay lalim na ng gabi.

Hayaan na nga. Ngayon lang ito. Baka magtampo pa si Yna. Ang hirap pa namang suyuin ng babaitang iyon. Ani Sheena sa kaniyang isip.

“Fine! Sasamahan kita pero hindi ako dadala ng sasakyan, baka marinig ni Daddy. Magising pa iyon. Magdadala ka naman ng kotse kaya hintayin mo na lang ako sa labas ng bahay niyo.”

“The best ka talaga, Bestie. Sige na labas ko na ang kotse. Doon na lang kita hintayin sa labas. See you!” Kaagad na pinatay nito ang tawag na ikinailing na lamang niya.

“Tuwang-tuwa ang gaga,” bulong niya saka umirap.

She dropped her phone on the table wherein the lampshade was positioned. She fixed the pillow virtically and covered it by her blanket, creating a human figure.

Ngayon lamang niya iyon ginawa sa talambuhay niya. Pahamak kasi ang bruha niyang kaibigan.

She went to her closet and look for attire that appropriate to where they are going. She chose the above the knee floral dress and immediately wore it.

Sinuklay niya lamang ang kaniyang buhok at dahan-dahan siyang lumabas sa kaniyang kuwarto, bitbit ang kaniyang apat na pulgadang heels. Hindi niya pa ito isinuot para hindi siya makalikha ng ingay na magiging dahilan nang pagkabuko niya.

Pati pagbaba sa hagdan ay mabagal niya lamang na ginawa hanggang sa makarating siya sa sala. Nagmumukha siyang magnanakaw sa pinaggagagawa niya. Kung hindi ba naman dahil sa kaibigan niya, hindi siya malalagay sa ganoong sitwasyon.

Kinuha niya ang susi ng pinto na nasa flower vase lamang na naroon sa may lamesang maliit sa gilid ng pinto. Kaagad niya iyong sinusian, pagkatapos ay ibinalik ang susi sa dating kinalalagyan nito. Pati paghinga ay pinipigilan niya na.

Pinihit niya nang dahan-dahan ang pinto hanggang sa bumukas ito. Lumabas siya nang hindi gumagawa ng ingay pati sa pagsara ng pinto.

Doon lamang siya nakahinga nang maluwag. Patakbo na siyang lumabas sa balkonahe hanggang sa tuluyan na siyang makalabas. Pasalamat na lang talaga na naka-day off ang mga guwardiya nila kasi kung hindi, sigurado siyang mahihirapan siyang makalabas. Alam niyang mga retiradong militar ang kanilang mga guwardiya.

Hanggang sa makarating siya kanilang gate ay hindi niya pa rin isinusuot ang heels na hawak niya. Pati ang pagbukas doon ay dahan-dahan niya ring ginawa. Mahirap na, baka makalikha pa ito ng ingay.

Nang tuluyan na siyang makalabas sa gate ay napangiti siya saka patakbo na papunta sa bahay ng kaniyang kaibigan. Tatlong bahay lang naman ang kaniyang dadaanan bago tuluyang makarating sa bahay nito.

Lahat ng pamilya sa subdivision nila ay tunay nga namang may kaya sa buhay kaya ganoon na lang kagaganda ang mga tirahan nito. Lahat naka-two storey house na mamahalin lahat ng materyales na ginamit. Mas malaki at mas maganda nga lang ang kanilang bahay pati ang sa kaniyang kaibigan na mansion like house.

Natanawan niya kaagad si Yna na  nakatingin sa direksyon niya. Nakasandal ang dalaga sa pink na Mercedes-Benz nito, kaya binilisan niya pa lalo ang paglalakad hanggang sa tuluyan na niyang marating ito. 

Hindi na siya nagulat sa suot ng kaibigan. Hapit na hapit sa katawan ang suot nito kaya kitang-kita ang kurba ng katawan nito sa suot na hanggang balakang lamang. Sa suot nito ay lalo tuloy itong naging sexy, lalo pa’t kulay pula iyon.

“Let’s go.” Tinanguan niya na lamang ang kaibigan.

Magkasabay silang pumasok sa kotse. Syempre si Yna ang driver.

Doon niya na lamang sa loob ng kotse isinuot ang kaninang bitbit niyang heels.

Ihahanda niya na lamang ang kaniyang sarili sa sermon na maaaring ibigay ng kaniyang ama dahil sa paglabas niya nang dis oras ng gabi nang hindi man lang nagpaalam dito.

Magpapaalam pa, baka hindi pa payagan. Mga katagang lumalaro sa kaniyang isipan.

Saka niya na lamang iisipin ang sermon ng kaniyang ama, ang mahalaga ay ang mag-enjoy siya ngayong gabi kasama ang masamang impluwensiya niyang kaibigan.

Her Daddy's FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon