CHAPTER 18

9.6K 122 1
                                    

BWESIT! BWESIT! Sunod-sunod na mura na lumalabas sa bibig ni Sheena. Naiinis pa rin talaga siya sa binata. Pagkarating niya sa kanilang bahay ay dumeretso na siya kaagad sa kaniyang kuwarto. Doon siya nagwawala at pigil sigaw na nagmumura.


Sasabihing hindi nagsisisi tapos ganoon ang sinasabi! Ulol! Neknek niya! Siya pa ang niloko ni Thaddeus. Kaya ayaw na ayaw niya talaga sa mas matanda sa kaniya kasi ganoon ang mga iniisip. Pero ano ba ang magagawa niya kung puso niya ang may gusto niyon. Kahit sabihin niya pang hindi niya nagustuhan pero ang puso niya ay kinakalaban siya.


Pabagsak siyang humiga sa kaniyang kama saka nilakumos nang nilakumos niya ang kaniyang bedsheet. Kahit ang nanahimik na unan ay hindi niya pinaligtas. Kung sino man ang makakakita sa kaniya ay sasabihin siyang over acting. Eh, pakialam ba nila? Wala naman silang alam sa nararamdaman niya.


Ang buhok niya ay gulong-gulo na nang tumigil siya sa kaniyang ginagawa. Tumayo siya saka lumapit sa kaniyang salamin na sakop ang buong katawan niya, mula ulo hanggang paa niya. Nang matingnan ang suot na damit ay kaagad na nag-init ang ulo niya. Naiinis siya sa may-ari niyon kaya mabilis niya iyong hinubad saka nilakumos nang nilakumos. Nanggigil siya. Ganoon ang gusto niyang gawin sa may-ari ng damit na iyon, pati na rin sa boxer brief na suot niya pa. Hinubad niya rin iyon at ginawa rin ang kaniyang ginawa sa damit. Nang mapagtantong wala naman siyang mapapala sa ginagawa ay tumigil siya.


“Bwesit ka talagang gurang ka! Damn you! I hate you!I fucking hate you! Sana mabaog ka! Bwesit!” nanggigil na aniya. Nangingitngit ang kaniyang mga ngipin saka marahas na ibinato ang kaniyang mga hawak.


Bumalik siya sa kaniyang kama at humigang muli. Para siyang hindi mapakali sa paraan nang paggalaw niya sa kaniyang higaan. Nang mapagtantong hubo’t hubad siya ay kaagad niyang sinampal ang sarili saka tumayo para kumuha ng kaniyang masusuot. Nang matapos ay kaagad siyang nagbihis saka bumalik sa kaniyang higaan.


Pumikit siya pero kaagad namang napadilat nang pumasok sa isip niya ang mukha ng binata. Mas lalo tuloy siyang naaasar. Ipiniling niya ang kaniyang ulo saka nagmumura.


Hindi niya alam na kanina pa pala siya pinakikiramdaman ng kaniyang ama at mama Minda. Nagtataka kasi ang mga ito kung bakit ganoon na lamang ang mukha ng dalaga. Na para ba itong hindi pinasali sa isang laro o kaya naman inasar nang inasar. Hindi maipinta ang mukha nito at ang mga kilay ay nakataas na ngayon lamang nila nakita.


Nag-uusap ang mga ito gamit ang kanilang mga mata. Nang hindi na nila narinig ang ingay ng kama at hindi na rin nagmumura ang dalaga ay tumalikod na sila sa kuwarto nito na ang mga noo ay nakakakunot pa rin.















“HINDI PA rin ba naaayos?” tanong ni Thaddeus sa kaniyang kanang kamay.


“Hindi pa rin, Sir. Pero sabi naman ng mekaniko ay malapit. Kaunti na lang ang inaayos.” Tinanguan na lamang niya ang naging sagot ng kaniyang kanang kamay.


Bumuntong hininga ang binata saka tiningnan ang direksyon kung saan naroon ang mekaniko na nag-aayos sa makina ng isa nilang oil refinery.


Nasa gitna siya nang pagsusunod kay Sheena nang tumawag si Rico, ang kaniyang kanang kamay tungkol sa nasirang makinarya kaya kahit gusto niya pang sundan si Sheena hanggang sa makarating ito sa kanilang bahay ay hindi niya na itinuloy, pupuntahan niya na lamang ang dalaga mamayang gabi.


Nag-iba siya ng rota para puntahan ang kaniyang pagawaan ng langis. Nang marating niya ‘yon ay naabutan niyang nagkakagulo ang kaniyang mga trabahador. Buti na lang talaga kaagad na nagtawag si Rico ng eksperto para maayos kaagad ang nasirang makinarya bago pa man sa kaniya nito ipinaalam.


Ngayon lamang nasiraan ng makinarya ang kanilang oil refinery habang nasa gitna ito ng pagtatrabaho. Siguro dahil luma na rin ‘yon. Bibili na lamang siya nang bago para na rin sa kaligtasan ng kaniyang mga trabahador.


Lumapit siya nag-aayos na pinalilibutan ng kaniyang mga manggagawa na naperwisyo ang pagtatrabaho.


“Tingin ko, Sir, kailangan na nating palitan ang lahat ng makinarya ng mga oil refinery. Lumang-luma na kasi ang mga ito,”said by a man at his 50s.


“Iyan nga rin ang pinaplano ko. I’ll contact my friend na may-ari ng sikat na mga makinarya.” Tinanguan siya ng matanda na ikinangiti naman niya.


Maya-maya lang ay inanunsiyo na ng mekaniko na maayos na ang makinarya kaya ikinatuwa ito ng lahat, lalo na ni Thaddeus. Sisiguraduhin niya talaga na makakabili siya kaagad ng mga bagong makinarya ng oil refinery para masiguro niya ang kaligtasan ng kaniyang mga manggagawa at para na rin maiwasan na ang anumang aberya.


Nagpatuloy na ang kaniyang mga trabahador sa naudlot ng mga itong trabaho habang si Thaddeus ay naroon lamang, nagmamasid at tumutulong kapag kinakailangan.


Dahil sa kaya naman na ng kaniyang mga trabahador ang gawain ay nagpaalam na lamang siya sa mga ito. Kinausap niya ang kaniyang kanang kamay at sinabihan na tawagan siya kaagad sakali mang magka-aberya ulit na ikinatango naman nito.


Pumunta na siya sa kaniyang sasakyan. Nang makasakay ay kaagad niya iyong pinaharurot. Habang nasa byahe ay nag-order siya nang maraming pagkain online saka iyon pinadala sa kaniyang pagawaan. Alas dos y trenta na kaya pinadalhan niya na ang mga ito ng pagkain nang sa gayon madali ang mga itong makapagmeryenda.


Balak niyang pumunta muna sa kaniyang kompanya kahit wala naman siyang gagawin doon. Mabilis niyang pinaandar ang kaniyang kotse, binabagtas ang daan patungo sa kaniyang kompanya. Ilang sandali lang ay nakarating na siya.


He parked his car at the parking area that exclusively for him. After that, he turned off its engine and stormed out. He walks full of authority. Guards greeted him as he passed by at them. 


Nang makapasok na ay kaagad na binati siya ng receptionist na dinaanan niya lamang saka tumungo na sa elevator. May pinindot siya para bumukas iyon saka siya pumasok at pinindot ang numero ng kung nasa’n ang kaniyang opisina.


Nang marating ang floor ng kaniyang opisina ay kaagad naman na huminto ang elevator at bumukas. Lumabas na siya at lumakad sa hallway papunta sa kaniyang opisina. Ang nakakakita sa kaniya ay kaagad siyang binabati na ikinatatango niya lang hanggang sa tuluyan na siyang makapasok sa kaniyang office.


Umupo siya sa kaniyang swivel chair saka pinagbubuklat ang nga papeles na naroon. Nagbabakasaling may hindi pa siya napirmahan doon. Naubos niya na ang mga iyon tignan pero lahat ay may pirma na niya. Wala ang kaniyang sekretarya dahil nagpaalam ito sa kaniya na mag-day off ngayon para alagaan ang hinihika nitong anak.


Tumayo siya para ipagtimpla ang sarili ng kape na laging ginagawa ng kaniyang sekretarya. Kinuha niya ang kaniyang tasa saka nagtimpla.


When he’s done, he sipped some and then he went back to his swivel chair to have a sit. He continues sipping his coffee, savoring its strong yet addicting taste.  Nang maubos niya ‘yon ay inilagay niya lamang ang tasa sa gilid ng kaniyang lamesa. Ipinatong niya ang kaniyang ulo sa mga papeles na naroon na para ba iyong unan. Balak niyang matulog muna at gigising na lamang siya kapag pupunta na siya sa bahay nina Sheena para kausapin na ito.


Wala naman na siyang dahilan pa para itago pa ang nararamdaman niya para dito kaya aamin na siya. Aaminin niya na mahal niya ito at gusto niya na rin itong ligawan. Pero bago iyon magpapaalam muna siya sa ama nito na kaibigan niya. Wala pa naman ay kinakabahan na siya. Ngayon lamang siya nakaramdam nang ganoong kaba sa buong buhay niya. Pinag-iisipan niya na rin kung sasabihin niya ba sa kaniyang kaibigan ang nangyari sa pagitan nila ni Sheena kanina. Mas lalo pa tuloy siyang kinakabahan.


Isinawalang bahala niya muna iyon. Sa ngayon ay matutulog muna siya at ihahanda ang sarili kung sakali mang paulanan siya ng suntok ni Roi. Mababangasan pa yata ang guwapo niyang mukha. Pero minsan lang naman. Kung sakali mang masuntok siya ng kaibigan, siguradong hindi na iyon mauulit pa. Ipinikit niya na ang kaniyang mga mata para matulog muna.

Her Daddy's FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon