CHAPTER 19

9K 114 1
                                    

PAGKATAPOS NANG pagwawala ay naisipan ni Sheena na matulog. Ngayon nga ay kagigising niya lamang. Alas kuwatro na ng hapon. Inaayos niya ang kaniyang sarili nang may kumatok sa kaniyang pinto.


“Pasok!” aniya na hindi man lang lumingon sa pinto hanggang bumukas iyon. Napatingin lamang siya roon nang bumungad ang kaniyang mama Minda pero kaagad din namang binalik ang atensyon sa ginagawa


“Anong nangyayari sa ‘yo kanina. Hindi maipinta ang iyong mukha. Hindi mo rin kami napansin ng daddy mo. Nilagpasan mo lang kami. Para kang galit na aso na sasakmal na lang bigla.” Narinig niya ang tunog ng pampaang kasuotan nito. “Pati rito sa kuwarto mo dinig namin ang inis na inis na boses mo at pagmumura? May nangyari ba?” Napayuko na lamang siya.


Bigla siyang nahiya sa pinaggagagawa niya kanina. Hindi niya naman kasi alam na may makapapansin.


Dahil sa pinagkakatiwalaan niya naman ang kaniyang nama Minda ay naisipan niya nang ikuwento rito kung bakit siya ganoon kanina. Lumunok muna siya nang ilang beses saka bumuntong hininga. She knows that her mama Minda will not gonna judge her if she knew that she gave her virginity to the man who’s not even her husband, not even her boyfriend.


“May sasabihin ako, Mama. Pero huwag mo munang ipaalam kay Daddy ah?” Tumango ang matanda na ikinangiti niya.


“Makakaasa ka sa akin, anak. Ano ba iyon?” tanong nito. Lalo tuloy siyang kinakabahan. Pinanlalamigan din siya ng kamay at ramdam niya rin na parang pagpapawisan siya nang malamig.


“A-Ano kasi...” May pag-aalangan pa rin si Sheena. Bumuntong hininga siya at kinakabahang tiningnan ang kaniyang mama Minda. “M-May nangyari po sa amin ni Thaddeus.” Naging mahina ang kaniyang boses.


“Ano kamo?!” nakukunot ang noong usal nito na lalo pang ikinakaba ng dalaga.


Humugot uli siya nang malalim na hininga para ulitin ang kaniyang sinabi. “May nangyari po sa amin ni Thaddeus.” Yumuko siya pagkatapos niya iyong sabihin.


“Jusmeyo kang bata ka! Bakit hinayaan mo ‘yon? Paano mo ‘yan sasabihin sa Daddy mo? Paano kung may mabuo?” ani matanda na bahagyang tumayo dahil sa gulat.


Biglang kumalabog ang dibdib ni Sheena dahil sa mga tanong ng kaniyang mama Minda. Iyon din ang problema niya. Paano niya ‘yon sasabihin sa kaniyang ama? Saka paano nga kung may mabuo? Iyon ang hindi niya napag-isipan bago niya ibigay ang sarili kay Thaddeus.


Marahas siyang napahilamos. Nagsisimula na rin siyang mag-panic sa kaniyang isipan dahil hindi niya alam kung ano ang gagawin sakaling may mabuo nga. Handa na ba siyang maging ina? Makakaya niya kaya?


“Sorry, mama Minda. Hindi ko pinag-isipan ang lahat.  Puwede po huwag mo munang ipaalam kay Daddy ito? Ako na lang po ang magsasabi sa kaniya.” Tinanguan lamang siya ng matanda.


Lumapit ito sa kaniya saka hinimas-himas ang kaniyang likod, nagpapahiwatig na magiging maayos din ang lahat.


Napaluha ang dalaga dahil sa prustrasyong nararamdaman. Kasalanan niya naman. Hindi kasi siya nag-iisip. Hinayaan niyang pangunahan siya ng init ng katawan. Ngayon tuloy nagdurusa siya. Sa isip niya ay nararapat lamang ito sa kaniya.


“Maiwan na kita. Mag-isip isip ka muna, anak. Dapat masabi mo na iyan sa Daddy mo sa lalong madaling panahon nang hindi siya magulat kung bakit lumubo iyang tiyan mo eh wala ka namang nobyo,” ani kaniyang mama Minda na ikinatango niya na lamang.


Niyakap siya ng kaniyang mama Minda bago ito tuluyang lumabas sa kaniyang kuwarto.


Nang makaalis na ang matanda ay kaagad na namang nilukob ng kaba ang kaniyang puso. Ano kaya ang magiging reaksiyon ng kaniyang ama kapag nalaman nito ang nangyari sa pagitan nila ng kaibigan nito? Itatakwil kaya siya nito? Paano na ang pinaka-iingatan nitong pangalan? Natatakot siya sa magiging posibleng mangyari kapag nalaman iyon ng kaniyang ama. Nilulukuban na siya ng pangamba at takot.


Her Daddy's FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon