CHAPTER 7

13.1K 207 29
                                    

"THANK YOU," ani Sheena nang tumigil ang kotse ni Thaddeus sa tapat ng bahay nila.

Saktong alas kuwatro ng umaga ay ginising siya ng binata para ihatid siya ng nito sa kanilang bahay. Alam ni Thaddeus na tulog pa ang kaniyang ama sa mga oras na ito.

"Welcome." Thaddeus smiled.

Lumabas na siya ng kotse saka ngumiti muli sa binata bago tuluyang lumabas.

She waved at him and walked away.

Thaddeus is a nice guy and gentleman. She saw how good his heart. Napatunayan niya iyon sa pagligtas at pagtuloy nito sa bahay niya sa kaniya. Though, she still not like him. Never.

As she entered their gate, she looks at Thaddeus' car that was running slowly.

"God!" she frustratedly said as Thaddeus' smile a while ago appeared on the back her mind.

Iniling niya na lamang ang kaniyang ulo saka naglakad na papasok sa kanilang bahay. Ewan niya ba kung bakit nakararamdam siya ng kaba.

Nang nasa tapat na siya ng front door ay dahan-dahan niya iyong pinihit para buksan.

"D-Dad. Y-Yaya." Biglang tinahip ang kaniyang puso nang makita ang kaniyang ama at yaya, pagkabukas na pagkabukas niya sa pinto.

Madilim at mariin na tinitigan siya ng kaniyang ama habang nakakunot ang mga noo nito. Samantalang ang kaniyang yaya naman ay nakalagay ang dalawang kamay nito sa kaniyang bewang at ang mga kilay ay nakataas.

"Where the hell did you go?" mariin ang bawat pagbigakas ng kaniyang ama sa bawat salitang binibitawan nito. Lalo tuloy siyang kinabahan.

She's doomed.

"S-Somewhere down the road." Hindi niya alam kung saan nanggaling ang mga salitang lumabas sa kaniyang bibig. She's not on her usual self.

"Again. Where the hell did you go?!" mapanganib ang boses na sabi ng kaniyang ama. Sa tono nang pananalita nito ay alam niyang hindi na ito natutuwa sa inaasal niya.

"A-Ano kasi, Dad. Si Y-Yna kasi yinaya ako mag-bar. Natakot akong umuwi kasi nakainom ako kaya nag-check in muna ako sa hotel para palipasan ang pagkalasing." Pinagsaklop niya ang kaniyang mga kamay para hindi mahalata ng kaniyang ama ang panginginig ng mga 'yon. For the first time, she lied to her father.

"Ano'ng nakain mo at sumama kang mag-bar, huh! And don't you dare fucking lie to me. I knew that you didn't went to hotel. Now, tell me the truth. Sino ang naghatid sa 'yo!? Who was that fucking son of a bitch? Don't try my patient, Sheena!" galit na ani ng kaniyang ama.

"I-I won't tell it, Dad. Please let me have my sleep." Yumuko siya pagkatapos ay kinagat-kagat niya ang kaniyang kuko.

"That's bullshit!" singhal nito. Ito ang unang beses na sininghalan siya ng kaniyang ama. Ito ang unang beses na nakita niyang umigting ang panga at nanggagalaiti dahil sa konsumisyon sa kaniya.

Nakuyuko pa rin siya kaya hindi niya nakita ang pag-alis ng kaniyang ama. Narinig niya lamang ang mabibigat na yabag nito palayo.

Her tears starts falling. Her dad was mad at her. She knew that he will ignore her.

Itinaas niya na lamang ang kaniyang mukha. Doon, nakita niya ang kaniyang yaya. Kita niya sa mga mata nito ang pagkadismaya. Siguro galit din ito sa kaniya.

"Y-Yaya, are you mad at me too?" mahinang usal niya. Garalgal ang boses habang sinasabi iyon.

Galit na nga ang kaniyang ama sa kaniya. Pati ba naman ang kaniyang yaya ay galit din sa kaniya?

"Anak naman, bakit mo naman ginanon ang daddy mo? Nag-aalala lang naman siya sa 'yo." Halata ang pagkadismaya sa boses nito.

"Hindi ko naman po sinasadya, Yaya. Ginawa ko lang naman iyon para hindi siya magalit lalo sa akin. At saka ayaw ko ring malaman niya na sa bahay ng kaniyang kaibigan ako natulog," mahinang saad niya pa rin.

Her Daddy's FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon