"ANO'NG gagawin natin dito sa rooftop?" usal ni Sheena na nakakunot ang noo. Pagkalabas nila kasi sa elevator ay hinawakan ni Thaddeus ang kamay ng dalaga papunta sa rooftop.
"Just wait!" tugon na lamang din ni Thaddeus.
Ikinibit ni Sheena ang kaniyang balikat saka pinasadahan ang markang nakita niya sa sahig ng rooftop. Alam niya kung para saan iyon.
Maya-maya lang ay may narinig silang tunog ng isang sasakyang pang-himpapawid na pag-aari ni Thaddeus. Pinapalipad ito ng kaniyang tauhan at palapit na ito sa direksiyon nila.
"Ba't may pa-helicopter?" usal ni Sheena na nasa papalapit na helicopter ang tingin.
"Secret, sweetheart!" Nginitian ni Thaddeus si Sheena saka hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ng katipan.
Ngumuso na lamang ang dalaga saka bahagyang hinawakan ang laylayan ng kaniyang dress dahil sa nalilipad Ito dulot ng hangin na hatid nang papababa ng helicopter.
Napapikit din si Thaddeus dahil sa hangin na pumupasok sa kaniyang mga mata.
Habang pababa nang pababa ang helicopter ay palakas nang palakas din ang tunog na ginagawa nito, gayon din ang hangin na hatid nito.
Maya-maya pa'y nakalapag na sa sahig ng rooftop ang helicopter.
Pinagsaklop ni Thaddeus ang daliri nila ni Sheena at hinila na ito papunta roon nang sa gayon ay makasakay na sila't makapagsimula nang pumunta kung saan man balak ni Thaddeus na dalhin si Sheena, para ipagdiwang ang ika-unang buwan nang relasyon nila. Yumuko sila palapit sa helicopter.
Umakyat na sila sa roon at pumasok nang buksan ni Thaddeus ang pintuan ng helicopter.
"Saan ba tayo pupunta?" gulong-gulong ani Sheena.
"Just wait. Sit and relax." Ngumiti si Thaddeus saka binalingan ang nagpapaandar sa helicopter. "Paliparin mo na ulit!" Utos ng binata rito, tumango na lamang ang piloto bilang tugon kay Thaddeus.
Maya-maya lang ay umangat na ang helicopter, hanggang sa tuluyan na itong nasa himpapawid.
Nanahimik na lamang si Sheena. Kung saan man siya dadalhin ni Thaddeus alam niyang magugustuhan niya iyon. Hindi niya lang talaga kinakaya ang mga paandar ng kaniyang sinisinta.
Tanging tunog lamang ng helicopter ang nagpapaingay sa kanila. Naging abala ang magkasintahan sa pagmasid sa baba nila. Nang magsawa ay binaling nila ang tingin sa himpapawid. May mga ibon silang nakikita at hindi nila maitago ang kagalakang nararamdaman dahil sa mga tanawing nakikita ng kanilang mga mata. Nababanaag ang galak na iyon sa kanilang mga mukha.
Mahigpit na magkasaklop ang kamay nila.
Subsequently, Thaddeus eyes diverted at Sheena. He smiled when he saw her face. Happiness was visible at her eyes. Thaddeus' smile widened when his heart beats rapidly. He's whipped. His heart belongs only to Sheena. While looking at her, he felt like their surrounding was moving fast.
Parang biglang tumakbo nang napakabilis ang oras. Nasa helicopter sila. Alam niya iyon. Pero ngayon, nakikita niya ang dalaga na nakasuot ng pangkasal. Ang mga magagandang tanawin na nakikita niya sa himpapawid ay biglang nagbago. Napalitan ito ng Simbahan kung saan nakabukas ang pinto at naroon si Sheena na kapapasok pa lang. May hawak itong bulaklak at naglalakad papalapit sa kaniya. Alam niyang umiiyak ito dahil sa pansin niya ang pamamasa ng mata nito.
Ang ingay na nagmumula sa helicopter ay hindi na naririnig pa ni Thaddeus. Tanging ang tibok lamang ng puso niya ang naririnig ng binata.
"Hoy!" Biglang napamulagat si Thaddeus nang tapikin ni Sheena ang balikat niya.
BINABASA MO ANG
Her Daddy's Friend
General FictionCOMPLETED! || R-🔞 || M A T U R E D C O N T E N T || STRICTLY NOT SUITABLE FOR YOUNG READERS. BLURB; SHEENA HONTIVEROS a woman who was not into a relationship with an age gap. THADDEUS VINZON a man who was not into a relationship. He's contented h...