CHAPTER 33

5.4K 78 5
                                    

TATLUMPONG MINUTO na ang nakalilipas nang hinihintay nila Sheena si Thaddeus pero wala pa rin ang binata.

Tumunog ang cellphone ni Sheena, text message iyon base sa ringtone nito. Kaagad itong kinuha ni Sheena at binuksan ang mensahe.

“Dad, hindi raw siya makakapunta. Dumeretso na lamang siya kaniyang bahay dahil masama raw ang pakiramdam niya,” ani Sheena matapos niyang basahin ang mensahe na galing kay Thaddeus.

Biglang timamlay ang hitsura ng kaniyang ama dahil sa sinabi niya.

“It’s fine. Let’s eat. Hindi naman na darating ang hinihintay natin.” Tipid itong ngumiti sa kanila ng Mama Minda niya. Tulad niya, umasa rin kasi itong darating si Thaddeus.

At nagsipag-upuan na sila para kumain na. Nagkuha sila ng gusto nilang kainin at nagsimula na.

“Dad, puntahan ko si gurang sa bahay niya. Walang mag-aalaga sa kaniya roon,” ani Sheena matapos niyang lunukin ang kinakain.

“Gabing-gabi na, anak. Baka may mangyari pa sa’yo!” tugon naman ng kaniyang ama.

“I will be fine, dad. Please.” Nagpakawala na lamang ng buntong-hininga ang kaniyang ama saka tumango.

Ngumiti si Sheena sa kaniyang daddy saka nagpatuloy na sa pagkain.















NANG MATAPOS sila sa pagkain, kaagad ngang nag-ayos si Sheena. May dala rin siyang pagkain para sa binata.

Nasa kotse na niya siya ngayon at binabagtas ang daan patungo sa bahay ng katipan.

She was humming a song. She’s smiling because she’ll definitely see the man she loves the most.

Naniniwala na siya sa liriko ng kanta na kapag tumibok ang puso, wala ka nang magagawa kung hindi sundin ito. Dati ikinaiirap niya sa tuwing naririnig niya ang kantang iyon dahil nga sa ayaw niya sa hindi niya ka-edad at hindi siya naniniwala rito kasi gusto niya sa lalaking ka-edaran lamang titibok ang kaniyang puso. Pero ngayon, mahal na mahal niya ang katipan na labing-apat na taon ang tanda sa kaniya.

Her heart suddenly beats fast when she first saw Thaddeus. Parang biglang tumigil ang paligid at tanging ang binata lamang ang kaniyang nakikita.

She even believes that love comes in a mysterious and in unexpected ways. She didn’t really expect that she’ll fell to a man that far from the man she wants.

Alam niyang sa pagkalubog niya, hindi na siya makakaahon pa. Pero wala siyang balak na umaahon. Magpapakalunod siya sa pagmamahal na binibigay ng binata, at ganoon din ito sa kaniya.

Hindi pa rin nawawaksi ang ngiti sa labi ni Sheena. Mas lalo lang iyong lumapad nang nasa tapat na siya ng bahay ni Thaddeus.

Lumabas siya sa kaniyang kotse saka naglakad palapit sa gate bitbit ang nakabalot na pagkain.

“Bakit hindi niya ito sinara?” Tukoy ni Sheena sa maliit na pinto ng gate nang makita niya na nakasiwang ito. Umiling na lamang siya saka pumasok na.

Sinara niya iyon saka naglakad na papasok sa bahay ni Thaddeus. Hindi niya makita ang kotse nito kaya sa isip niya ay nag-taxi na lamang ang binata dahil sa sobrang masama yata talaga ang pakiramdam nito kaya hindi na nito nakayanng mag-drive pauwi.

Dumeretso siya sa main door. Napakunot siya ng noo nang makitang bukas na bukas rin iyon. Bigla tuloy siyang nag-aalala sa binata. Baka sa sobrang sama ng pakiramdam nito’y nagmadali nang makapasok sa kuwarto nito para makapagpahinga na ang binata.

Her Daddy's FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon