CHAPTER 28

6.3K 80 1
                                    

NASA GITNA ng kalsada sina Thaddeus at Sheena nang makaramdam nang pananakit ng ulo ang binata.


“Why?” nakakunot ang noo na ani Sheena nang igilid ni Thaddeus ang kotse saka ito inihinto.


“My head suddenly aches.” Hinilot ng binata ang kaniyang noo, pababa sa kaniyang sintido.


“May gamot ka ba rito sa kotse mo?” tanong muli ng dalaga saka nagtingin-tingin kung mayroong gamot doon. Pero ang alalahanin na hindi pala umiinom ng gamot ang binata ay napailing na lamang siya.


Patuloy lamang sa paghilot ng kaniyang ulo si Thaddeus. “Ikaw na lang ang magmaneho, sweetheart. Malapit na tayo sa daan papunta sa inyo pero mas malapit sa bahay kaya doon na lang tayo,” ani binata na ikinatango naman si Sheena.


“May gamot ba roon?” Binalingan ng dalaga ang binata.


“I don’t know but I think Manang Josefina left medicine inside the small drawer of the table in my room,” sagot ng binata.


Tumango si Sheena saka inalis ang seatbelt niya, ganoon din si Thaddeus. Pagkatapos ay nagpalit na sila ng puwesto. Ang dalaga na ngayon ang nakaupo sa driver’s seat at sa katabi naman nito ang binata.


They put their seatbelts on and then Sheena started the car engine and maneuvered it.


















ILANG MINUTO lang ay nasa subdivision na sila kung saan nakatayo ang bahay ni Thaddeus. Binagtas iyon ng dalaga hanggang marating nila ang tapat ng bahay ng binata. Binuksan ni Sheena ang pinto ng kotse sa bandang driver’s seat para lumabas at buksan ang gate.


Lumabas siya papunta sa gate saka mabilis iyong binuksan. Pagkatapos ay bumalik sa kotse. Pumasok siya saka isinara ang pinto at pinaandar nang muli ang sasakyan papasok sa bahay. Idineretso niya iyon sa garahe saka inihinto iyon.


Magkasabay silang lumabas sa kotse. Naglakad si Sheena papunta sa gate para isara iyon. Pagkatapos ay pinuntahan niya na si Thaddeus at umalis sa garahe. Magkahawak-kamay nilang binagtas ang daan papunta sa main door. When they’re already in front of the door, Thaddeus unlocked it then they went inside.


“Mauna ka na sa kuwarto mo. Kukuha Lang ako ng tubig,” ani Sheena na ikinatango lamang ng binata.


Nang magsimula nang umakyat si Thaddeus papunta sa kuwarto nito ay ang siyang paglakad naman ni Sheena papunta sa kusina.


Kumuha siya ng platito. Gagamitin niya iyon para tunawin ang gamot kung sakali mang mahirapan siyang palunukin nang buo kay Thaddeus. Puwede naman sa kutsara na lang pero gusto niyang sa medyo may kalakihan iyon tunawin. Gagamitin niya na lamang ang kutsara sa pagdikdik sa gamot para maging powder iyon saka lalagyan niya nang kaunting tubig para matunaw ang gamot at maging liquid iyon.


Nang handa na ang kutsara at platito na gagamitin niya ay mabilis na siyang kumuha ng baso at pinuno iyon ng tubig. Saka pumanhik na siya papunta sa kuwarto ng binata. Umakyat siya hanggang marating niya ang ikalawang palapag ng bahay ng binata saka binagtas na ang kuwarto nito.


Binuksan niya ang pinto gamit ang kaniyang tuhod saka pumasok.  Nabungaran niya kaagad ang binata na nakahiga sa kama. Nakapikit ang mga mata nito habang hinihimas ang magkabilaang sintido nito paakyat sa kaniyang noo. Bigla siyang nalungkot sa nakikita. Sigurado siyang sobrang masakit talaga ang ulo nito dahil pansin niya rin ang pagngiwi nito at bakas sa mukha nito ang sakit.


Lumapit na si Sheena roon saka inilagay ang kaniyang mga dala sa lamesa kung saan may nag-iisang drawer. Binuksan niya iyon saka tinignan kung ano’ng gamot ang naroon. Napakamot siya sa kaniyang ulo ng tanging Paracetamol lamang ang kaniyang nakita. Bibili na lamang siya ng medicol 400 Kung hindi pa rin mawala ang sakit ng ulo ng binata.


Her Daddy's FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon