CHAPTER 14

11.8K 182 21
                                    

“NAKAKAILANG SAYANG ka na ng gamot, Gurang! Isa pang sayang, iiwan na talaga kita ritong mag-isa!” singhal ni Sheena sa binata.

Pagkatapos niya itong pakainin ay inihanda niya kaagad ang gamot na ipapainom dito. Ngunit nakailang painom na siya ay nasasayang lang naman.

“I can’t swallowed it. It’s choking the hell out of me! Why medicines were bitter? Are they brokenhearted? Hindi ba sila minahal? Na-ghost? Iniwan? Tangina! Nandadamay pa.” Nasa gamot na natapon sa kama ang tingin ng binata.

Sa tuwing lulunukin nito ang gamot ay nababara ito sa lalamunan niya kahit umiinom naman siya ng tubig. Lalo niya lamang nalalasahan ang sobrang kapaitan nito dahilan para mailuwa niya.

“Deretsohin mo kasi ang pag-inom. Ngumingiwi ka kasi kapag sinusubo mo na. Tuloy mo lang ang pag-inom. Lagay mo sa ibabaw ng dila mo saka uminom ka ng tubig!” naiinis pa ring usal ng dalaga, “Ito, inumin mo. Last na ’yan. Kapag nasayang pa ’yan, bahala ka nang mag-alaga sa sarili mo. Napapagod na ako!” sansala pa nito.

Parang naging normal na lang sa dalaga na sigaw-sigawan at pagalitan ang binata dahil sa kaartehan nito.

Kahit nag-aalangan ang binata na kuhanin ulit ang gamot ay wala siyang nagawa. Nagdarasal na lamang siya nang taimtim na sana ay malunok niya na ito. Ayaw niyang iwan siya ng dalaga. Gusto niyang nasa malapit lang ito. Kahit na sinisigawan at pinapagalitan siya nito ay ayos lang. Ang mahalaga nasa tabi niya ito at inaalagaan siya.










PINAKATITIGAN NG dalaga ang paglagay ni Thaddeus ng gamot sa dila nito. Hindi niya man makita ang pagngiwi nito, pero sigurado siya na sa isip ng binata ay ngumingiwi ito.

Ang tikas-tikas tapos gamot lang pala ang kalaban. Parang bata pa kung umakto. Umiling na lamang ang dalaga.

“Done. I swallowed the medicine. God really don’t want you to leave me in this state. I’m so grateful. Thanks, God!” He did sign of the cross and chuckled.

“Oh, ’di ba? Wala namang nangyari sa ’yo. Ang arte mo lang talaga!” she exclaimed. As usual, pinandilatan niya ito ng mata.

“Ang galing ng Nurse ko. Nananakot nga lang. Kidding.” He laughed in a sexy manner.

Baliw talaga. Sa isip-isip niya. Hindi niya alam kung bakit nagagawa ng binata na mag-aktong ganoon sa harap niya, gayong kapag nasa labas naman ito ay daig pa ang galing sa refrigerator sa sobrang lamig nitong tumingin.

Hindi niya inaasahang may ganoon pala itong katauhan. Isip-bata at takot sa gamot. Pero hindi niya maipaliwanag sa kaniyang sarili kung bakit ganoon na lamang ang sayang lumulukob sa puso niya ngayong inaalagaan niya ito. Ang sarap sa pakiramdam at naroon sa loob-loob niya na gusto niya pang maalagaan ang binata tulad ngayon.

Hindi niya man gusto ito, pero iniisip niya na sana lagi na lang may sakit ang binata nang sa gayon makita niya ulit ang personalidad nitong ganoon. Gusto niya iyon. Para bang bumabalik ito sa pagkabata.

Pumasok sa isip niya kung sino ba ang nag-aalaga rito sa tuwing nagkakasakit? Magaan at maayos na kaya ang nararamdaman nito sa pagkawala ng mga magulang nito?

Bigla siyang nakonsensiya sa paninigaw niya dito.

Iniiling niya na lamang ang kaniyang ulo saka inilagay na sa baba ng kama ang maliit na lamesa na napapatungan ng tray kasama ang mga ginamit nila sa pagkain kanina.

“Do you have boyfriend?” Biglang napatigil ang dalaga sa ginagawa dahil sa tanong ng binata.

Why did he asked that kind of question at her, out of nowhere? Why he became interested about her lovelife suddenly?

Her Daddy's FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon