Riverain
"Tol! Tara inom." Alok sa'kin ng mga tambay sa kanto. Madadaanan ko sila bago ako makarating sa tinutuluyan kong dorm.
"Pass, ang agang sunog baga niyan." Ala-sais na ng umaga at pauwi palang ako galing sa trabaho. Kailangan ko agad magpalit ng damit dahil papasok pa ako sa school.
"Isang tagay lang!" Hinarangan ako ni Abdo, isa sa mga tambay dito. Mabait naman kaso tarantado lang talaga.
"Gago! Ang baba ng tagay mo." Dinagdagan niya ang laman ng nasa baso na ipapa-inom sa'kin.
Binatukan niya 'to. "Pre may pasok pa tong manok natin. Palibhasa kasi patapon na buhay mo gago." Ininom niya ang kalahati at binigay sa'kin ang natira. Siraulo talaga. Walang nagawa na nilagok ko ito para matapos na. Hindi nila ako titigilan hangga't hindi ko pagbibigyan.
"Sige, una na ako."
"Wag ka na pumasok! Pakalasing na lang tayo dito!" Pahabol pa ng kasama ni Abdo. Mga siraulo talaga.
Bago ako makarating sa dorm maraming pagsubok pa ang dadaanan ko. May mga gurang na tsimosa, may mga babaeng namumulubi sa damit, may mga lalaking feeling gwapo pero mga totoy pa lang naman at syempre hindi pwedeng mawala ang mga bata na patakbo-takbo.
"River, sira yung cr sa taas." Nasalubong ko ang kasama ko sa kwarto. "D'yan na daw muna tayo maligo." Tumango ako dito at dumiretso sa kwarto.
Nasa dorm ako ngayon nakatira, hindi ko sure kung ilan ang room dito pero sa tantsa ko mga nasa walo. Dalawa lang ang pwede sa isang kwarto dahil maliit lang 'to. Saktong kasya lang ang bunk bed, isang table at cabinet.
Pagpasok ko sa room, agad akong kumuha ng damit. Isang maroon na hoody, white jogger at hindi ng iiwan kong sapatos, ang white converse ko. Eto nalang ata ang ka-forever ko. Pagkatapos ko kumuha ng damit, agad na akong bumaba para maligo.
"River pwede mauna? May date ako." Isang babae ang lumapit sa'kin at hinawakan ako sa braso. Ano ba name neto?
"Wala ako pake sa date mo, may pasok pa ako." Inalis ko ang kamay niya sa braso ko at bahagyang itinulak ito. "Shoo, dun ka!"
Pagkalabas ng nasa banyo, mabilis na pumasok ako at baka unahan pa ako ng babaeng yun. Walangya kailangan ko magmadali at mal-late na ako. Mabilis akong nagbihis at bumalik sa kwarto. Binato ko nalang basta ang towel ko sa kama at kinuha ang bag. Hindi na ako nag suklay, tamang hagod lang sa buhok ko, hindi naman nakakabawas sa angas ko.
"River!" Haharangan pa sana ako nila Abdo buti nalang nakatakbo agad ako. Gusto pa ata ako mahuli sa school mga abno.
Sumakay ako sa jeep papunta sa school. "Kuya pa-usog naman." Walang nagawa na umurong ito, subukan niyang hindi tutulak ko siya pababa ng jeep.
"Miss, gusto mo ng suklay?" Napatingin ako sa kaharap kong babae.
"Mukha ba na kailangan ko?" Kailangan ko ba ma-offend sa sinabi niya?
"Nagtatanong lang." Binalik niya sa bag yung suklay na dapat ipapahiram niya sa'kin.
"Nagtatanong lang din naman ako." Hindi na sumagot yung babae. Napailing nalang ako. Kahit walang suklay tong buhok ko maangas pa din to.
"Para!" Kinatok ko ang taas ng jeep para sure na maririnig ako, mahirap na baka lumagpas nakakatamad pa man din maglakad.
"River!" Hindi pa man ako nakakapasok sa room dinig ko na agad ang pangalan ko.
"Bunganga mo nga pakitikom, hindi maganda sa pandinig." Pabagsak akong umupo.
"Parang hindi nabaliw sa ung-" Agad kong tinakpan ang bibig niya gamit ang kamay ko.
BINABASA MO ANG
Cafuné (GxG)
RomanceIn this world where Agatha Mendrado captivates with her poisonous allure and Riverain Samonte navigates a labyrinth of mysteries, the true face of reality is unveiled. It is a world where dreams and nightmares intertwine, where the past and present...