AnR 9

4.8K 266 33
                                    

Agatha

Today is the day I've been looking forward to. Sinigurado kong lahat ng nasa schedule ko ay natapos ko na, I even left a note for my secretary to not bother me if it is not related to my business. I lit my scented candle before settling into the bath tub and letting my eyes drift close. Even just picturing her concentrating solely on me makes my insides go crazy.

I opened my eyes when my phone rang, it notified me that I had a notification. My left arm reaches for the basket next to me, where I keep my phone and towel. Reading the notification made me grin broadly. It was a text message from River.

"Gurang! Papunta na ko."

I didn't bother to send a reply, binalik ko ang phone ko sa basket at pumikit ulit. I stayed like that for another 5 minutes before getting out of the tub. I grabbed a towel to cover my body and picked up my phone, before heading out to my room. I went straight to my bed to get my robe, which was perched on top of it. Before sitting in front of my dresser, I took off my towel and changed into my robe.

I looked through my collection of perfumes as I switched on my hair dryer to dry my hair. Which should I use? Kinuha ko ang isa na galing sa summer collection that I'll release this year. I sprayed a little on my wrist and smelled it. It is a mixture of leathery saffron and vanilla blossom. Inilapag ko ito at namili ulit hanggang sa napadako ang tingin ko sa isang perfume, the one that River likes.

"You-" I hadn't even finished my sentence when she cut me off.

"Hoy gurang, I like your scent. Yun lang sige ingat," she tapped the car before walking away.

Maybe I'll use this one. I let my hair fall naturally after turning off the blow dryer. I sprayed it behind my ears, around my wrist, and on my collarbones.

Riverain

Tangina naman bakit bigla akong kinabahan. Ngayon yung araw na pupunta ako sa place ni gurang. Kahapon pa ako balisa nung narealized  ko na hindi talaga siya nagbibiro tsaka nakakagulat din na bakit bigla na lang siyang pumayag na akala ko mahihirapan akong pilitin siya.

"Hoy! Nahihilo ako sayo."

"Manahimik ka d'yan Athena, shoo." Sinalpak ko sa bunganga niya ang pandesal. Nandito siya ngayon sa dorm para makikain. Patay-gutom talaga.

"Ano nga kasing meron? Bakit kanina ka pa d'yan palakad-lakad ha?"

"Pumayag na si gurang para maging model ko." Umupo ako sa katapat niya, nagsimula na rin akong kumain.

"Dapat masaya ka baliw, wala ka ng problema."

Sinawsaw ko ang pandesal sa kape ko bago sumagot. "Yun na nga, pero ewan ko ba bakit bigla akong kinabahan."

Naiiling na tinignan ako ni Athena, "Dami mo problema sa buhay."

"Umalis ka na nga shoo! Mag-aayos pa ako." Tumayo ito at mabilis na tumakbo tangay ang plastic na may lamang pandesal. "Potah naman Athena! Napaka PG mo talaga." Walangya isang pandesal pa lang nakakain ko, gugutumin pa ata ako neto mamaya.

Isang puting t-shirt at white jogger ang suot ko ngayon, dapat comfy lang para makapag-drawing ng maayos. Chineck ko ang pang drawing ko kung kompleto, nang makasiguro ay naglakad na ako palabas. Tinext ko si gurang na papunta na ako. Nagtaxi na rin ako, nakakahiya naman sa kanya kung amoy araw ako dahil sa nag-commute ako.

Habang nasa taxi iniisip ko na kung paano ko siya mad-drawing ng maayos at kung ano ang magiging position niya. Sana makisama si gurang, baka mamaya puro reklamo ang maririnig ko.

"Nandito na po tayo." Huminto si kuya sa harap ng napakataas na building.

"Kuya tama ba pinuntahan natin?" Naninigurado lang baka mali si kuya mahirap na.

Cafuné (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon