AnR 16

4.7K 233 30
                                    

Riverain

Nakailang buntong hininga na ba ako sa araw na 'to? Hindi ko na mabilang. Bakit parang may kulang sa araw ko? Naging boring na.

"Rain." Nilingon ko si Charlotte ng tawagin ako nito. "Okay ka lang ba? Napansin ko na wala ka sa sarili." Lumapit sa'kin 'to at kinukuha ang mga libro na hawak ko.

"Ano ginagawa mo? Ako na dito." Pilit ko nilalayo ang hawak kong libro.

"Do-doble lang ang trabaho ko, maupo ka na do'n at magpahinga." Nilagay niya sa cart isa-isa ang mga libro na nailagay ko sa shelves. "Hindi tama ang mga section."

"Sorry." Nahihiyang napakamot ako sa ulo.

"May problema ba?" Huminto siya sa ginagawa at hinarap ako.

"Wala naman, pagod lang sa trabaho ko kagabi." Tumango 'to.

"Ako na tatapos dito, marami ka na rin naman nagawa." Sinunod ko ang sinabi niya, buti na lang mabait si Charlotte. Nakita ko si Athena na nakaupo habang may binabasa. Ano ginagawa nito dito? Malapitan nga.

"Bakit ka nandito?"

Umangat ang tingin niya sabay lapag ng libro sa mesa. "Hinihintay ka, sabay na tayo umuwi."

"Tapos naman na." Sabay kami napatingin kay Charlotte na bigla-bigla na lang sumusulpot.

"Sama ka? Mag tutusok-tusok kami." Pag-aaya ni Athena na ngayon ay nakatayo na.

"Sure." Buti pa 'tong si Charlotte masayahin. Nalipat ang tingin ko kay Athena, samantalang ang isang 'to, no comment.

Nauna na kami ni Athena sa labas ng library, hinihintay lang namin si Charlotte kunin ang gamit niya. Bakit parang wala akong energy ngayon.

"Hoy ano ba nangyayari sayo? Last week ka pa matamlay." Sasagot na sana ako nang lumabas na si Charlotte.

"Sorry."

"Okay lang, tara na?" Tanong ni Athena, tumango naman yung isa.

Tahimik akong nakasunod sa dalawa habang sila todo ang kwentuhan. Alam ko na nakikiramdam sila sa mood ko kaya pilit kong inaayos para hindi sila madamay.

Matapos namin bumili ng tusok-tusok ay naghanap kami ng puwedeng matambayan kaso halos puno na kaya napagkasunduan namin na magpunta na lang sa malapit na park sa school.

"Hoy River, bakit ka nga lutang nitong mga nakaraan araw ha?" Nandito kami nakaupo sa ilalim ng puno.

"Nag text siya kagabi."

"Huh? Sino?" Nagtatakang tanong ni Athena pati si Charlotte nakikinig na rin. Simula nung nakilala namin siya ay napapasama na rin siya sa'min.

Bumuntong hininga ako bago sumagot. "Si gurang."

"Who? Sino si gurang?" Palipat-lipat ang tingin sa'min ni Charlotte.

"Yung ano," linunok niya muna ang laman sa bunganga bago ipagpatuloy ang sinasabi, "gusto niya." Napa ahhh naman si Charlotte habang tumatango.

"Wag ka makinig d'yan, imbento 'yan." Pinagpatuloy ko ang pagkain ko at inignore ko na lang ang pinagsasabi ni Athena. Wala ako sa mood makipag bardagulan sa kanila.

Maya-maya lang nauna nang nagpaalam si Charlotte umuwi kaya kami na lang ni Athena ang natira. Nakatingin lang siya ng diretso sa'kin, naghihintay sa sasabihin ko.

"Sabi niya," sinabi ko ang text ni gurang, "What's wrong? Are you okay?"

"Nag-reply ka?" Umiling ako. "Bakit ganiyan ka?"

Naguguluhan na tumingin ako sa kaniya, "hindi ko alam." Simula ng umuwi ako galing province, iniwasan ko siya pero habang tumatagal hindi ko maintindihan ang sarili at gusto ko na lang siyang kausapin.

Cafuné (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon