AnR 33

4.7K 203 31
                                    

Riverain

Nagising ako nang makaramdam ako ng lamig. Nang wala akong makapa na kumot napilitan na akong imulat na ang mata ko. Pagtingin ko sa side ko nasa dulo si gurang hakot lahat ang comforter. Hinila ko siya palapit sa'kin, nang magtama ang katawan namin ay sumiksik 'to. Inayos ko na rin ang comforter at niyakap siya.

Ilang minuto ko nang sinusubukan matulog pero wala pa rin, kaya naisipan ko na lang pagmasdan matulog ang katabi ko. Hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari sa'min kagabi. Tangina tanggal angas ko talaga pag si gurang usapan.

Love

Nag-echo sa utak ko ang boses ni gurang. Walangya kinikilig pa rin ako hanggang ngayon sa pagtawag niya sa'kin ng love.

Grabe talo mga goddesses sa ganda ng katabi ko, kahit sa pagtulog. Malapit na birthday ko ayain ko kaya siya lumabas? Tama. Ngiting ngiti ako nang magising si love. Langya kinikilig ako.

"Starin-"

"Staring is not rude, lalo na kung ikaw tinitignan ko." Dumapa ako at humarap sa kaniya, "tsaka ina-appreciate ko lang yung view."

"Ang aga Rive-" again hindi ko na naman siya pinatapos.

"Love." Pag ko-correct ko. "Wala ng bawian, 'yon na tinawag mo sa'kin."

"Whatever." Masungit na sabi niya, babalik sana siya sa pagtulog nang sinundot ko ang pisngi niya.

"Wag ka na matulog, samahan mo 'ko."

"Okay." Antok na sabi niya.

"Okay daw pero nakapikit." Pinilit niyang imulat ang mata at tumingin sa'kin. Napatawa ako dahil halata na inaantok pa siya. "Usap tayo."

"We're talking."

"Sabihin mo nga yung love." Inirapan niya muna ako bago gawin. Lakas ko talaga.

"Love." Sabi niya habang nakatingin ng diretso sa'kin.

"Kinikilig ka din ba?" Natatawang tanong ko, "ako oo kaya dapat ikaw din." Nahinto ako sa pagtawa nang pinitik niya ako sa noo. "Oo nga pala, ibig bang sabihin nito tayo na ulit?" Humiga ako ng pa-side paharap sa kaniya.

"Idiot. You didn't break up with me before you left." Oo nga pala umalis na lang ako bigla. "That's why I'm stuck. Hindi tuloy ako makahanap ng iba." Napakunot ang noo ko sa huli niyang sinabi.

"So ibig sabihin may plano ka!?" Tumawa naman siya sa naging reaction ko. Hindi ko napansin na tumaas yung boses ko.

"I was kidding." Sabay pisil sa ilong ko. Inis na inalis ko yung kamay niya. "I love you." Agad napalitan ng ngiti ang inis ko. Daya hindi man lang nagpakipot.

Napatitig ako ng matagal sa kaniya, kinakabisado ang bawat parte ng mukha niya. Thankful talaga ako na binigyan pa ako ng chance, sa pagkakataon na 'to hindi ko na papairalin ang pagiging immature ko. Ang swerte ko pala talaga kasi ako ang gusto niya.

"Pwede magtanong?"

"Ask anything you want, love." Mapang-asar niyang diniinan ang pagkakasabi sa love.

Nagdadalawang isip pa ako kung itatanong ko ba pero gusto ko siyang makilala kaya mas pinili ko na itanong na lang. "Anong reason mo bakit stripper ka?" Hindi ako makatingin ng diretso sa kaniya dahil natatakot ako na baka ma-offend ko.

"It's okay." Hinawakan niya ako sa pisngi at hinarap sa kanya. "So don't hold back from asking me questions, since you have a right to get to know me, okay?"

Mabilis na hinalikan ko siya sa labi. "Masusunod kamahalan."

"I've been diagnosed as an exhibitionist." Napakunot ang noo ko dahil bago lang sa pandinig ko ang sinabi niya. "I enjoy being seen so much that I often go around naked." Tumango ako para ipakita na nakikinig ako sa kaniya. "Even my own family hates me for being this way. I tried not to do anything out of the ordinary, but I just couldn't help myself."

Cafuné (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon