AnR 13

5K 215 23
                                    

Riverain

Nakaka-bored naman dito sa classroom. Bakit kasi kailangan pa mag-aral kung puwede naman maghanap na lang ng sugar mommy? Buti pa mga ibon palipad-lipad na lang. Ganito na ba nagagawa ng boredom? Kung ano-ano napapansin. Nilingon ko yung katabi ko para tignan kung gising na.

"Athena." Dahil mahirap gisingin 'to, kailangan may physical contact na magaganap. "Huy Athena." Niyugyog ko siya sa balikat pero wala pa rin. "Athena."

"Aray!" Pinalo niya ako sa braso ng malakas.

"Konti na lang talaga papatayin na kita! bakit kailangan kutusan ako ha!" Nakakatakot talaga magalit 'to, nagiging dragon.

"May tanong kasi ako." Binaliwala ko yung pamumula ng mukha niya sa inis. Dapat kalma lang tayo hindi yung laging galit.

"Ano ba yun at kailangan mo ako kutusan."

"Ano yung tawag sa anak na lalaki?" Seryoso kong tanong.

"Seriously River? Ginising mo ako para lang d'yan?" Hahampasin na sana niya ako ulit buti nahawakan ko yung kamay niya.

"Kalma lang, sagot na dali."

"Son." Inis na sabit niya.

"Ano naman yung spelling ng araw?"

"Sun." Mabilis niyang sagot sabay irap. "Kala mo mauuto mo ako?"

"Bobo mo talaga Athena, balik ka na sa grade 1." Hahanap na talaga akong matinong kaibigan naiiling na bumalik ako ng tingin sa bintana.

"Tanga, paano ako naging bobo?" Hinila niya t-shirt ko kaya napilitan ako humarap sa kanya.

"Spell ng araw tanga." Ilang sandali siyang nanahimik at bigla na lang akong hinampas. "Wag ka manakit!"

"Corny mo! Lumayas ka nga sa harapan ko."

"May isa pa akong tanong, eto seryoso na." Poker face niya akong tinignan at ready na yung kamay para manghampas. "Ano ang pagkain na mabilis?" Hindi ko pa man natatapos yung tanong ko napahilamos na agad siya ng mukha.

"Confirmed. Takas mental ka."

"Hindi mo lang alam dami pa sinasabi." Pang-aasar ko.

"Sopas o kaya fastfood."

"Ano ba yan makaluma ka na." Tinignan niya ako ng masama. "Kwik-kwik kas-"

"Aray! Oo na hindi kana guguluhin wag ka manabunot!" Bwisit makakalbo pa ako. "Tignan mo ginawa mo lagas buhok ko."

Hahampasin pa sana ako ni Athena ng may sumigaw sa pinto. "Puwede na daw umuwi walang klase!" Nagmadali ako tumayo baka maabutan na naman ako ng palad ni Athena.

"Bye! Si gurang na lang guguluhin ko!" Bago makalayo narinig ko pa siyang sumigaw pero hinayaan ko na. Ayaw niya pagulo 'di ba?

"Hi Sasha!" Bati ko nang makarating ako sa shop ni gurang, buti na lang talaga naka vibes ko si Sasha.

"Oh River, nasa office si Miss A." Sumaludo ako dito tsaka dumiretso sa office ng boss nila.

Naka-ilang katok na ako nang walang sumasagot kaya dahan-dahan ko 'tong binuksan tsaka sinilip bago pumasok. Napansin ko na wala siya sa usual seat niya, kaharap ang computer niya. Nandoon siya sa sofa ngayon, natutulog.

Maingat na lumapit ako sa puwesto niya. Nilapit ko ang kamay ko sa mukha niya para i-check kung tulog ba o nakapikit lang. Napaatras ako nang bigla siyang dumilat.

"What are you doing here?"

"Lagi na lang yan bungad mo gurang, pwede naman Hi o kaya hello." Pumunta ako banda sa uluhan niya at maingat na binuhat ang ulo tsaka umupo at ipinatong sa lap ko. "O kaya naman kumain ka na? Kain ka na." Sinimulan kong i-massage ang ulo niya ng pumikit siya.

Cafuné (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon